CHAPTER 1.1 - Tokyo, Japan

1.2K 38 3
                                    

Tokyo, Japan

"HEY, CAT. Can you please send me the exact location of that hotel? Mamaya pa namang hapon ang seminar natin, right? Maggagala na muna ako."

"Haynako, Labenderrr. Siguraduhin mong hindi ka mali-late. Sa Pilipinas, suki ka na ng late. Sana naman dito sa Japan, hindi. Three days lang naman 'to. Tiisin mo na. Maglakwatsa ka all you want pagkatapos," sermon ni Catrina. "Isi-send ko sa 'yo. Siguraduhin mo lang talaga."

Natawa siya sa sinabi ng katrabaho na naging close friend niya na rin sa paglipas ng panahon. "Can you stop making my name sound so cheap? I won't be late. I swear. Uuwian kita ng Hapon kapag may nakita akong gwapo rito."

Hindi na rin nagtagal ang usapan nila. Binabaan na rin siya ng phone ng kausap dahil may gagawin pa raw ito. As if namang hindi niya alam na makikipagkita lang ito sa boyfriend nitong Pinoy na nagtatrabaho rin sa Japan.

Ibinaba niya ang hawak na phone at sumimsim ng order niyang milkshake. Hindi niya alam kung anong name ng café na pinuntahan niya nang mga sandaling iyon pero masasabi niyang masarap ang mga pagkain doon.

Kinuha niya ulit ang phone. She then took a photo of her strawberry shortcake and matcha milkshake. Pagkatapos ay binuksan niya ang Instagram app niya. Kahapon pa siya active sa pagshi-share ng mga bagay-bagay roon. Okay na rin iyon. She was an instagram hottie with hundred thousands of followers. Why? Maybe because she was pretty. And she posts a lot. Iyon lang naman ang ginagawa niya. Mag-share ng mga gala niya, ng mga kinakain at mga ginagamit niya kapag wala siyang trabaho.

She also started to earn extra buff from those posts. Some of her posts are already sponsored by cafes and shops. "Collab" in IG world term. She would get something from a shop or any business and she would post their products in return.

"Excuse me."

Nag-angat siya ng tingin sa lumapit sa kanya. Ewan niya pero parang pamilyar sa kanya ang mukha ng lalaki. At, in fairness, kahit naka-shades ito, gwapo ito. May hila-hilang travel bag. Ang ganda ng katawan. Ang tangkad. Nakatayo ito sa harap niya na tila nahihiya. Pero tinitigan din siya nito.

"Yes?" medyo mataray niyang tanong. Wala siyang pakialam kahit gwapo pa ito. Hindi niya ito iti-treat as one fragile stuff.

"Narinig kasi kitang mag-Tagalog. Magtatanong lang sana ako. Do you know how to go to Sakura from here? I just know nothing about this place."

Mukha ba siyang Google map? At, pumupunta ito sa lugar na hindi nito alam without even researching? What a mess.

"I'm sorry, but I don't. First time ko lang dito."

Ang akala niya ay magi-initiate pa ito ng usapan kaya inihanda niya na ang mga pamatay niyang linya na pang-supalpal niya sa mga nagpi-flirt sa kanya. Usually, ganoon naman kasi ang mga ito. Magpapanggap na kailangan ng direksyon pero ang totoo, hihingiin lang ang pangalan ng babaeng lalapitan nila.

Nagulat siya nang bigla itong mag-thank you na agad ito at umalis. Naiwan siyang nasasaktan ang ego. So, hindi man lang ito nag-effort na itanong ang pangalan niya? Well, whatever. She never needed any man in her life in the first place.

Kahit fling? tudyo ng isang bahagi ng isip niya. Ang gwapo pa naman.

She smirked at her own thoughts. Kahit fling.

Kinain niya na ang strawberry shortcake niya. Mabilis niya ring ininom ang milkshake. Ayaw niyang magtagal doon. She would make sure that her two weeks in Japan would be full of memories. Hindi niya naman kailangan ng companion. Sanay na siyang nagta-travel nang mag-isa. And it was fun!

Wala siyang kailangang intindihin. Wala siyang bubulyawan dahil mabagal kumilos. Sarili niya lang ang bitbit niya. Sarili niya lang ang poproblemahin niya.

She stood up shortly after eating her food. Gusto niyang makapunta sa atleast two destinations sa Tokyo para sa araw na iyon. Lulubus-lubusin niyang ubusin ang allowance na bigay ng company. Karapatan niya iyon bilang empleyado. She should enjoy the benefits as a marketing manager. Malaki ang kinikita ng kompanya dahil sa kanya. Dapat lang na alagaan siya nito. So far, satisified naman siya dahil after ng ilang araw na meetings at ang big event ng company para sa anniversary ng mga ito ay binigyan pa sila ng isang linggong vacation leave na sagot ang lahat ng expenses.

Swerte siyang Hapon ang big boss niya. Kung Pinoy iyon, malamang hihintayin niya pang pumuti ang uwak bago makaranas ng ganoong perks. She knew a lot of people who are working for a Filipino-owned company and they have few to no benefits at all.

Wicked Series I: Marionette (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon