Talia POV.
Nagulat ako ng sinabi niya siya ang pumatay sa girlfriend ni Clark dati, Ang sama niya anong rason para gawin niya yon, nakakaya niya talaga pumatay ng tao. Pero hindi ko Alam na mas masasaktan ako sa sunod niyang sinabi. Isang gangster si Clark? Isang gangster ang taong Mahal ko? Napatingin ako sa kanya na may hinanakit, bakit mo nilihim sa'kin to Clark, Kaya pala palagi sila may pasa dahil nakipag away sila. Bakit hindi ko man lang naisip yon. Alam ko naman talaga may kakaiba sa kanila pero kung ganito ang malalaman ko mahirap pala tanggapin.
Napatingin ako sa taong dahilan ng lahat.Tawa siya ng tawa. Ang sama sama mong tao.
"Haha Natutuwa ako nag--argh!" Sinipa ko ang kanyang masilang bahagi ng katawan at tumakbo papunta Kay Clark."Papatayin kitaa!!" Narinig ko sigaw niya.
"Waaaaaaaaaag!!" Napatingin ako sa kanya ng sumigaw si Clark tapos tumakbo palapit sa'kin, napalingon ako sa likod at ganon ang gulat ko ng nakatutok na ang baril sa'kin. Naramdaman ko ang pagyakap ni Clark sa'kin at ang pag ikot niya sa likod ko. Kasunod non ang dalawang putok ng baril.
Napakalas siya ng yakap sa'kin at bumagsak sa lupa."Clark!!" Tumulo na ang luha ko. Ang kanina hinanakit na naramdaman ko sa kanya bigla nawala dahil sa nakikita ko kalagayan niya.
"Bakit mo ginawa yon ha!! Ako dapat yon!" Sigaw ko sa kanya. Ako dapat ang matamaan ng bala na 'yon at hindi siya. Pilit niya Itinaas ang Isa niya kamay para maabot at mahawakan ang mukha ko. Pinunasan naman niya ang luha ko tumulo na at ngumiti siya sa'kin.
"MAHAL KITA!" Bago niya unti unti ipikit Ang kanyang mata.
Ginalaw ko ang katawan niya para magising siya pero wala. Sigaw ako ng sigaw sa Pangalan niya baka sakali magising siya pero hindi parin. Niyakap ko nalang siya at umiyak sa bisig niya.
Nasa ganon posisyon ako ng dumating ang mga pulis at sila Nathan. Agad naman nila kami nilapitan."Anong nangyari?" Imbis na sumagot tanging iling lang ang nagawa ko habang umiiyak parin.
"Dalhin natin siya sa ospital!" Binuhat nila si Clark na walang malay.
Habang pababa kami at palabas ng building narinig nalang namin ang ilang putok ng baril sa taas......................
After 1 year and 4 months.
"Talia, kanina ka pa tulala dyan hindi mo ba kakainin ang lunch mo?" Napatingin naman ako kay Myka ng magsalita siya. Ngumiti ako ng kaunti sa kanya.
"May iniisip lang tsaka Wala akong gana kumain." Sabi ko.
Tumingin siya sa'kin.
"Bakit may nangyari ba?" Nag alala niya tugon.Ngumiti ako tapos umiling.
"Wala naman.""Mabuti naman, kumain kana kahit konti lang, baka mangayayat ka niyan. Ano nalang sasabihin ni Clark pag nakita ka niya ganyan. By the way, kumusta na pala siya?." Tinatanong niya ang kalagayan ni Clark, his in coma pagkatapos ng nangyari. Pagkatapos niya ako iligtas, Isa sa dahilan kong bakit siya na coma ay dahil may na damage sa parti ng kanyang ulo dahil sa tinamo palo at may namumuo dugo dito Kaya siya inu-perahan at hanggang ngayon hindi pa siya nagigising.
"Galing ako kanina sa ospital bago pumasok, Hindi parin siya nagigising at Wala parin nakikita improvement sa kanya." Sabi ko habang nakatingin sa kawalan.
"Talia, no offend hanggang ngayon ba umaasa ka parin na magigising siya, I mean matagal na siya coma-"
"Kahit matagal, at kahit tubo nalang ang bumubuhay sa kanya ay hindi ako mawawalan ng pag asa wala akong pakialam kong may improvement siya o wala ang sa'kin lang hindi ako susuko dahil alam ko lumalaban din siya." Mensan naiisip ko sumuko at mawalan ako ng pag asa, pero mas nanaig sa'kin ang magising siya at makasama ko pa siya ng matagal.
Natahimik siya ng marinig niya ang paliwanag ko, kahit kunting katiting Myka hindi ako susuko hinding hindi ko gagawin sa taong mahal ko.Ilang minuto dumating si Nathan.
"Hi girls, teka ayos lang kayo bakit parang may tension akong naramdaman sa inyo?" Napaiwas ako ng tingin at tumayo."Mauuna na ako sa inyo, pupunta pa akong ospital." Bago sila sumagot nag lakad na ako palabas ng cafeteria. I'm 4 year college now and graduating.
Makulimlim ang kalangitan, parang uulan pa ngayon. Papasok nako ng ospital at pumunta sa Private Room kung nasa'n si Clark naka confined. Sa kanila pala itong ospital no'ng Una di ako makapaniwala na sa kanila Ito at ganito pala sila ka yaman.
Nasa may pinto ako ng bumukas Ito at lumabas si tito Arthur, daddy ni Clark.
"Hello po tito." Medyo nagulat pa siya sakin."Talia, nandito kana pala, Wala ka na bang pasok?" Tanong niya.
"Wala na po tito, may lakad po kayo?." Parang nag mamadali kasi siya.
"Yes, I have a meeting with a client."
"Ganon po ba, sige po ako na magbabantay sa kanya ngayon, mag ingat po kayo." Ngumiti ako sa kanya.
"Thank you." At dali-dali siya umalis. Napangiti ako dahil sa kabila ng nangyari sa kanyang anak hindi niya ako sinisisi sa nangyari.
Pumasok ako at nakita ko ang natutulog na Clark, umupo ako sa tabi niya at tinitigan siya. Hinawakan ko ang mukha niya at napangiti na may halong lungkot. Hinawakan ko ang kamay niya.
"Hi Clark nandito na naman ako binabantayan na naman Kita. Dati ako lagi binabantayan mo preno protektahan, pero ngayon ako naman nag aalaga sayo ang bantay mo. Gumising kana, malapit na akong grumaduate tapos sila Nathan ikakasal na malapit na sila bubuo ng pamilya. Tayo kaya kailan? Gusto ko sayo lang Clark, please gumising kana." Naiiyak ako, araw-araw pag nakikita ko siya ganyan.
Napatingin ako sa kanya ng maramdaman ko gumalaw ang kamay niya."Clark? Gising kana ba ha." May pinindot ako para papuntahin ang doctor dito. Ilang minuto dumating naman.
While doctor checking Clark, dumating si tito Arthur.
"How is he?" Tanong niya sa doctor."Isa itong sinyales na may posibilidad na magigising siya, Kaya wag kayo mag alala dahil sa nangyari ngayon masasabi ko worth it ang paghihintay niyo." Napangiti ako ng marinig ko ang magandang balita. Lumapit ako Kay Clark.
"Hihintay ko ang paggising mo Clark." Bago ko siya hinalikan sa pisngi.
End.
Chapter Twenty.

YOU ARE READING
My Mr. Playboy Secret (Complete)
ActionDalawang taong nagkalapit ng hindi inaasahan ang Mr. Playboy at Ang babaeng transferee. Paano kaya kung malaman ni girl na ang isang Playboy ay may malaking sekrito. Abangan...