"Gusto mo ba ulit mamasyal?" tanong ni Andrew kay Shanaya.Panibagong araw at nasa bahay ng lalaki ulit si Shanaya. Mula sa pagkakahiga sa sofa ay agaran siyang bumangon.
Humarap si Shanaya kay Andrew at tumango-tango.
"Tara. Doon ba ulit tayo pupunta sa may lawa?" nagagalak na tanong ni Shanaya.
"Oo. Bago 'yon ay maghanda na muna tayo ng pagkain para doon na tayo kumain ng tanghalian." sagot ng lalaki.
Tumungo sila sa kusina. Tinulungan niyang maghanda ng pagkain si Andrew. Habang nagluluto ang lalaki ng ulam at kanin ay siya naman ang naghahanda ng tinapay at inumin. Pumunta si Andrew at kumuha ng ilang prutas sa lalagyan.
Kumuha rin si Shanaya ng basket na paglalagyan ng mga pagkain. Nang matapos ang preparasyon ay dumiretso na sila sa kwadra ng mga kabayo. Si Andrew ang may dala ng basket, inabot lang kay Shanaya nang paakyat na sila sa kabayo.
-----
Lagaslas ng tubig galing sa lawa ang naririnig ni Shanaya habang papalapit ang kabayong sinasakyan nila.
Tumigil ang kabayo sa may puno. Umunang bumaba si Andrew at tinulungan si Shanaya sa pagbaba.
Bago ibaba ang basket ay inilatag muna ni Shanaya ang dalang tela sa damuhan. Hindi ganun kainit kaya malaya silang maligo sa lawa kahit anumang oras.
"Tara ligo na tayo." siya pa mismo ang umaya kay Andrew na nakaupo na sa tela. May dala rin siyang damit pamalit kaya malakas ang loob niya mang-akit.
Nakangising tumayo ito at tinanggap ang paanyaya niya.
Masiglang tumakbo si Shanaya patungo sa lawa at lumangoy.
"Woahhh ang lamig!!" naisigaw niya nang maramdaman ang tubig sa kaniyang balat.
Tawang-tawa naman ang lalaki sa kaniya. Nasa tubig na rin ito at lumangoy kung nasaan siya. Umahon si Andrew sa kaniyang harapan na kaniyang ikinagulat sa bilis ng dating.
"Ano ba 'yan?! Nakakagulat ka naman." kahit nagugulat ay natatawa siya.
At katulad ng una nilang punta sa lawa ay winisikan niya ng tubig ang mukha ng lalaki para makaganti. Mabilis na lumangoy palayo si Shanaya dahil alam niyang gagantihan siya ng lalaki.
Napagtanto niyang tama ang hinala nang marinig ang banta nito habang papalayo siya.
"Ikaw! Lagot ka sa'kin kapag naabutan kita."
Tumigil siya saglit para asarin ang lalaki. "Hahaha, kung maabutan mo. Langoy pagong, bleh." natatawa pa siya bago ipinagpatuloy ang paglangoy.
Nang binalikan ng tingin ni Shanaya si Andrew ay nakita niyang malayo ito sa kaniya at walang balak na sundan siya. Nakatingin lang sa kaniya habang nakataas ang isang kilay.
"Ang daya. Sabi niya lagot daw ako sa kaniya kapag naabutan niya ako, eh paanong mangyayari 'yon hindi niya ako sinundan. Gusto ko pa naman makipagkulitan sa kaniya." reklamo niyang pabulong.
Naisip ni Shanayang hindi na siya susundan ni Andrew kaya dumako siya sa may batuhan para magpahinga saglit. Sa katabi ng malaking bato na tinigilan niya ay nakita niya ang mga maliit na bato na iba't-iba ang hugis at kulay. Kinuha niya iyon at pinagkukumpara.
Mas maayos ng dito niya ibaling ang atensyon kaysa sa lalaking kasama niya.
Ganun pa rin ang ayos ni Shanaya nang biglang lumitaw si Andrew sa kaniyang likod. Hindi niya iyon pansin dahil pigil ang kilos ng lalaki. May malaking ngisi sa labi nito na tipong handa ng atakehin ang babae.
BINABASA MO ANG
Ang Prinsepeng Mailap sa mga Tao (Completed)
FantasyIsang makisig na lalaki sa gitna ng gubat ang natagpuan ng dalagang nagngangalang Shanaya. Anyo nito na pumukaw sa mata at hinangaan agad ng babae. Anyo na walang ibang kawangis at madaling makahalina. Paano kung sa anyong iyon ay may kumukubli pa...