C H A P T E R: 1

48 3 4
                                    

Andito ako ngayon sa classroom kasama ang dalawa kong kaibigan na si Kenneth at Jeric.Wala kaming Math teacher ngayon dahil may gaganaping M-top sa linggo para sa mga estudyanteng sasali.

"Ayesha,tignan mo yun oh!"turo ni Jeric sa bintana ng classroom namin.Nakita ko kaagad ang tatlo kong kuya na pinalilibutan ng mga babae.Andaming talagang fangirl ng mga kuya ko.

"Hayaan mo nalang sila"sagot ko kay Jeric sabay sandal sa kinauupuan ko.Wala naman akong magagawa kung lalapit ako sakanila.Tsaka baka malaman ng buong school na kapatid ko sila.Sila Jeric at Kenneth lang ang nakaka-alam na mga kapatid ko sila.

"Andaming fangirl ng mga kuya mo!"natatawang sabi ni Kenneth.Nilibot ko ang paningin ko sa buong classroom namin,at lahat ng mga babae nakatingin sakin.

"Tsk.Tignan mo nga makatingin sakin yang mga classmate nating babae oh,parang gusto nila akong kainin"natawa nalang si Jeric dahil sa sinabi ko.

"Barkada nyo ang mga kapatid ko,okay!Sikat na sikat kaya kayong lima dito sa school,pati sa ibang school"natatawang sagot ko.

Silang lima ang lumalaban sa basketball tuwing may palaro.May banda din silang lima,tumutugtog lang sila tuwing may darating na bisita.

"Eh ikaw?Anong sayo"natatawang tanong ni Jeric.Inirapan ko nalang sya dahil sa sinabi nya.Wala nga akong talent,hindi din ako sikat.Mas mabuti ng malaman nila na hindi ko kapatid sila Kuya baka madaming lalapit sa akin na mga babae,at magpapatulong.

"tais-toi"masungit na sabi ko kay Jeric.Napatigil ito sa pagtawa at humarap sakin na nagtataka.

(A/N:Tais-Toi is from French word, 'tumahimik ka' in tagalog)

Natuto kaming mag-french dahil french ang mama namin.Hindi naman kami mayaman, may kaya lang kami.

"Yan nanaman ang mga alien word mo Ayesha!"iling-iling na sabi ni Kenneth.Gumagamit lang ako ng French na salita kapag naiinis na ako sa dalawang to,o di kaya kapag sa mga kapatid ko.

"Le plus jeune"napatingin kaming tatlo ng biglang may nagsalita nanaman daw ng Alien word sabi ng dalawa.Todo tili ang mga babae dahil ang mga Kuya ko lang naman ang pumasok.Mabuti nalang at hindi nila naintindihan ang sinabi ni Kuya Alex.

(A/N:Le plus jeune is bunso in tagalog)

"Pourquoi?"tanong ko sakanya.Nakikinig lang ang dalawa kong kaibigan dahil hindi naman nila alam kung anong sinasabi ko.

(A/N:Pourquoi is Bakit in tagalog)

"Parlons juste dehors"malamig na sabi ni Kuya Marcus.Matapos nyang sabihin iyon lumabas kami,sinenyasan ko naman na sumunod sila Kenneth at Jeric sakin.

(A)N:Parlons juste dehors is Sa labas nalang tayo mag-usap in tagalog"

"Hayst!buti nalang lumabas na tayo doon,HAHA!wala talaga akong maintindihan sa mga Alien word nyo"tumatawang sabi ni Jeric.

"Ilang beses ko ng sinabi,Jeric!Frenc iyon at hindi Alien,okay!"sabi ko dito.

"Bakit pala kayo napasugod sa classroom namin?"awts,grabe naman yung napasugod.

"Grabe naman yung napasugod, Kenneth"natatawang sabi ni Kuya Allen.

"Bakit pala kayo pumunta doon?"tanong ko naman sakanila.Sasagot palang sana si Kuya Alex ng maunahan sya ni Kuya Marcus.

"Bakit bawal ba?"malamig na tanong nito.Si Kuya Marcus never pang ngumiti iyan.Hindi ko nga alam kung anong nangyari sakanya,basta simula ng nag grade-10 ako napaka cold nya na.

"Hindi naman, tinatanong lang eh!Baka kasi mamaya dumating yung English teacher namin"sakrikastong sagot ko.

"Nakikinig kaba Ayesha,First year collage kana mukha ka paring Grade-1"sinamaan ko ng tingin si Kuya Alex pati narin ang mga kaibigan ko dahil tinawanan nila ako.Lagi nilang sinasabi sa akin na para daw akong Grade-1 kung hindi ako nakikinig.

"C'est à vous, je ne vous épargnerai pas"inis na sabi ko sakanila.Kaagad na lumapit sakin si Kuya Alex at Kuya Allen at sabay na ginulo ang buhok.

(A/N:C'est à vous, je ne vous épargnerai pas it means Bahala kayo,hindi ko kayo ililibre"

"Alien word pa more"bangot na sabi ni Kenneth.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"tanong ko sakanila.Wala naman akong idea kung saan kami pupunta.

"Darating sila Mama ngayon,Ayesha"

**

Andito kami ngayon sa airport para sunduin si Mama.Parang biglaan naman ata ng pagdating nya dati rati kasi,mahigit isang buwan syang nag i-stay sa French pero ngayon tatlong araw lang.Pero okay na yon,para makasama namin ulit sya.

"Mama!"napayuko nalang ako dahil sa inis at hiya kay Kuya Allen.Lahat ng tao dito ay pinagtitinginan na kami,dahil sa sigaw nya.

Sumunod nalang kami kay Kuya Allen na tumatakbo palapit kay Mama na may kasamang lalaki!Lalaki?

Unang humalik sila Kuya kay Mama bago doon sa lalaki.Hindi ko sila ginaya at kay mama lamang ako humalik sa pisngi.Samantalang ang dalawa ko namang kaibigan ay nagmano lang.

"Mama,sino po sya?"tanong ko kay Mama.Nagkatinginan silang apat nila kuya.

"Père de tes frères"



Vote and comment.



STAY WITH ME (Series 1)Where stories live. Discover now