CHAPTER 60

68 4 0
                                    

Harley's POV



Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Asha, mukhang ginagawa niya na to lagi. Dati ay takot na takot yun ma late at maka absent. Ngayon ay halos wala na sa klase, first subject missing agad. May ginagwa kaya siyang hindi ko alam? Alam ko namang marami siyang tinatago sakin, pero yung ganito ay dapat sinasabi niya sakin kung saan siya pumupunta. Para naman alam ko ang mga isasagot ko sa teacher kapag hinahanap siya. Ang hirap kayang mag isip ng rason, lalo na't para sa babae na yun, baka kasi may masabi akong hindi niya gusto.



"Miss nag family gathering po sila"



Yan ang naisip ko, hindi naman siguro siya magagalit diba? Okay na yun kasi family naman. At sure na ma excuse siya nun. Yung recess na namin ay tinext ko agad siya, kahit na hindi siya mag rereply minsan. Nakakainis may cellphone, tapos may load pa pero hindi marunong mag relpy! Siguro bibili nalang ako ng walkie talkie? Para sure na may makukuha akong sagot!



"Nik where is Ash?" si Khristine



Napatingin tuloy ako sa paligid, agad lang kasi akong umupo kanina at patagong nag text kay Asha. Ngayon ko lang tuloy napansin na hindi kasama nila Nik si Ash, hindi naman siguro yun aabsent ng walang dahilan. Siya daw kasi ang palaging top 1 sa batch nila, so ang maging absent ay for sure hindi niya yan palaging ginagawa o hindi nga ginagawa.



"We were suppose to ask you that" si Dan



"Anong ibig niyong sabihin?"



"Hindi kasi pumasok si Ash" si Nik



"Kaya ayun, tatanungin ka namin sana kung nag text ba siya sayo" sabi ni Geo



"Text? Wala, wala akong natanggap na text sakanya"



"Bakit absent ang oa na yun?" si Nik



Tumingin si Geo sakin at tumingin sa paligid, hinahanap siguro yung samin.



"Si Asha?"



"Wala din" sagot ni Hershel



"Hindi siya nag sabi kung saan siya pumunta, nag text na din ako pero wala pang reply" sabi ko



Natahimik kami, inisip ko tuloy kung saan pwedeng pumunta si Asha ngayon. Halos naisip ko na ang buong lugar, pero hindi ko maisip na nandun siya ngayon.

My Eyes on the Bad GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon