17

3.2K 133 18
                                    

17

Humahangos na pumunta sa tapat ng pintuan si Ivan at paulit-ulit na pinindot ang doorbell tapos ay sinasabayan na rin niya nang malalakas na pagkatok.

"Doms!" Malakas na tawag niya sa pangalan pero walang sumasagot. Frustrated na napasuklay si Ivan sa kanyang buhok nang mapagtantong wala sa loob ang hinahanap.

Gamit ang hagdan ay umakyat siya sa next floor para pumunta sa kanyang unit, dali-daling tinawagan niya ang numero ulit ni Fumi pero ganun pa rin, automated voice mail ang sumasagot.

"Shit, where are you baby?" Nanginginig na hinanap niya sa kanyang phonebook ang numero ni Doms.

He wet his lower lip and placed one hand on his waist as the line keeps on ringing, until Doms has finally answered.

"Dr. Marco?"

"Where is she, Dominic?" His voice is too stern.

"What? What are you saying?" Dominic sounded confused.

"Putangina, nasaan si Fumiko?!"

"What? Si Fumi? Wait, hindi ba dapat magkasama kayong dalawa?"

Marahas na bumuga ng hangin si Ivan, "Are you telling me you don't know where Fumi is?"

"Dr. Marco, I'm in Tagaytay right now. Do you want me to call her?"

"She's not answering." Nagsimulang mangamba si Ivan at litong-lito sa pangyayari. "Dominic, I went to her place. Her things are not there anymore, clothes, even the luggage she usually used when she travels."

"WHAT?!"

Pumikit nang mariin si Ivan, "W-Will you try calling her? Please, call me back."

"Alright."

Nanghihinang napaupo sa couch niya si Ivan at ang dalawang kamay ay namahinga sa magkabilaang gilid ng kanyang ilong, pilit niyang iniisip ang biglang pagkawala ni Fumi.

Nang tumawag ulit si Doms ay agad niyang sinagot yun, "Did she answer?"

"No. B-But I received an email from her."

"What does it say?"

"She said she will no longer sign a contract with us, a-and Ivan."

He swallowed something in his throat, "W-What?"

"All of her social media accounts are deactivated or deleted, even the email, I can no longer reply to her now."

Parang niyanig ang buong mundo dahil sa sinabi ni Doms, nagsasalita pa si Doms pero dahan-dahang nanlambot ang mga kamay niya kaya bumagsak ang phone niya sa sahig.

Napailing siya at nagsimulang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata, "Why Fumiko?"

Ilang buntong-hininga pa at nagbagsakan na ang mga luha. Pinulot niyang muli ang phone at tinignan kung nagsasabi ng totoo si Doms.

"Shit, shit!" Pagmumura niya nang malamang totoo ang sinasabi ni Doms, wala na ang mga socmed accounts ni Fumi.

Habang pilit pinoproseso ang mga pangyayari ay tumawag naman ang kapatid niyang si Ivy, "Hello, Kuya? Nasaan ka na raw sabi ni Mom?"

Suminghot si Ivan, "I-I'm sorry guys, I can't make it."

"What?! Hey, are you okay Kuya? Umiiyak ka ba?"

"Ivy, please. I'll be there tomorrow morning. Good bye." At tinapos niya ang tawag at walang pagdadalawang isip na hinagis ang phone sa may pader, ubod iyon ng lakas kaya nagkapira-piraso ang phone at basag ang screen.

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon