Inspirasyon mula sa likha ni Jacob Braude sa aklat na The Next 500 Stories.
Si Luis ay may tatlong kaibigan sina Carl, James at Lance. Madalas niyang kasama ang dalawa. Sa tuwing kasama niya si Carl ay mapakagaan ng kanyang pakiramdam parang kayang-kaya niya gawin ang lahat at abutin ang pinakamataas na bundok. Kapag si James naman ay hindi mabilang ang tawanan at kaligayahan. Si Lance ang di niya madalas makasama kakaunti lamang ang kanilang nalaala sa isat-isa.
Isang araw ay kinailangan ni Luis na humarap sa Korte upang ipaliwanag ang sarili, dito ay kinakailangan niya ang tulong ng kanyang kaibigan. Una niyang pinuntahan ay si Carl. Agad- agad itong humindi at sinabing hindi siya makakasama. Pinuntahan naman niya si James sumagot ito at sinabing sasamahan siya subalit hanggang tarangkahan lamang ng gusali ng korte hindi na siya makakasama pa sa loob nito. Sa huli ay pinuntahan niya si Lance pinakiusapan na kung pwede siyang samahan nito sa korte upang ipagtanggol. Agad itong sumagot ng oo at ipinagtanggol nga siya hanggang siya ay manalo sa korte.
Paliwanag:
Lahat ng tao ay may tatlong kaibigan. Ang una ay kumakatawan sa pera na paborito nating kasama subalit hindi natin pwedeng isama sa oras ng kamatayan. Ang pangalawa ay ang ating mga kaibigan at kaanak na ang tanging magagawa lamang ay ihatid ka sa iyong libingan at hindi ka maipagtatanggol sa huling paglilitis. Ang huli mong kaibigan na hindi mo madalas makasama ay ang paggawa ng kabutihan. Ito ang iyong makakasama, magiging sandata mo at magtatangol sa iyo sa huling paglilitis sa pagharap mo sa ating Poong Lumikha.
BINABASA MO ANG
Paano Mananalo sa Laban sa Korte?
SpiritualEdukasyon sa Pagpapakatao Week 1-2 FOR EDUCATIONAL PURPOSES ONLY