Throwback.
"Ito na, malapit na tayo babe”
Sambit nya bahang hawak hawak ako sa dalawa kong mga kamay at dahan dahang pinapasunod sa mga hakbang ng kanyang mga paa.
Hindi ko alam sa isang ito kung ano ba talaga ang mayroon. Pagkatapos ng klase ko kanina ay agad nya akong tinawagang wag na munang umuwi at magkita daw kami sa paborito naming kainan. Pero matapos naming magkita ay niyaya na nya ako sa kung saan, at ito nga nilagyan pa ako ng piring. Hindi ko naman birthday para sa isang surpresa. Hindi din naman ito ang araw ng aming anibersayo o at ng kahit yung mismong araw kung kailan ko sya sinagot.
“Kanina mo pa sinasabi yan babe eee” at narinig ko ang kanyang mahinang tawa.
Mula sa pagkakapiring ay ramdam na ramdam ko ang katahimikan ng lugar at ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi at nagpapatayo sa aking mga balahibo.
“And stop. ito na talaga ‘yun haha”
“Hmm okay. Ano ba kasi talaga ang meron” kinakabahan ako pero hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil sa kahit kailan ay napaka romantic nitong si Luciu. Sya ang lalaki na halos pinapangarap at pangangarapin ng mga kababaihan na katulad ko. At maswerte ako dahil ang isang katulad nya ay na sa akin na.
“Ito na pooo, tatanggalin ko na ang piring mo. Saka ka mumulat kapag sinabi ko na okay?”
“Okay” matapos kong sumagot ay bigla nya akong hinalikan ng mabilis sa aking kaliwang pisngi.
At, kasabay naman nun ang narinig kong isang “psst!”.
Agad ko namang kinapa kung nasaan ang kanyang mga kamay at agad na hinawakan
“Babe ikaw ba ‘yun?”
“Ha? Naku babe hayaan mo na ‘yun? May daga lang na dumaan”
Daga?
“Babe tatanggalin ko na okay. Wag ka munang mumulat” at bilang sagot ay ngumiti ako at iginalaw ang aking ulo na sinyales na naiintindihan ko sya.
Matapos nyang tanggalin ang piring sa mga mata ko ay agad syang nagbilang. Naramdaman ko din ang unti-unti niyang paglayo.
At, ito na
“..1. pwede mo ng buksan ang mga mata mo Isabela”.
Natigilan ako bigla ng marinig ko ang pag banggit nya sa pangalan ko. At isa lang ang ibig sabihin nito, seryoso sya.
Kasabay ng muling pagdampi ng hangin sa balat ko ay iminulat ko na ang mga mata ko.
At.. hindi ko ito inaasahan. Nasa harap ko ngayon at nakangiti ang mga magulang at kapatid namin, kaya napangiti na din ako. Ito ang unang beses na nagkasama ang mga magulang namin. At kung magngitian ay parang magkakalapit na sila sa isa’t-isa.
Laging nasa ibang bansa ang mga magulang ko dahil sa trabaho ni papa, kaya sa loob ng anim na taon naming relasyon ni Luciu ay ito ang unang pagkakataong nakita nila ang isa’t-isa.
Ngayon ay alam ko na kung sino yung dagang sinasabi nya, si papa. Hay Luciu.