Chapter 44- Ang Simula ng pagtatapos.

598 65 15
                                    

CHAPTER 44

Hindi nakarating si Kean sa food tasting na ipinangako niya kay Shaira. Sandamakmak ang trabaho ang kailangan niyang tapusin sa Cebu.  Binalak ni Dorothea na patirahin muna si Shaira sa condo kasama si Lizel bago ang kasal. Ngayon din ang araw ng uwi ni Kean, sa ayaw at sa gusto ng tatay niya. Umuwi siya para sa kasal nila ni Shaira. Kilala niya ang ama dahil masyado itong dukmo sa trabaho.

“Anak ang ganda ng gown mo!” aniya ni Lizel.

“Excited na nga po ako.”

“Tama lang na pinaghiwalay ko kayo, basta si Kean mamayang gabi ang uwi. Siguradong miss niyo ang isa’t-isa!” aniya ni Dorothea.

“Ay oo, sana at magka-apo na kami!” masayang sinabi ni Lizel.

“O sige at mauna ako, mag gagabi na rin. Walang tatakas Shaira ha? Bantay salakay si mommy Lizel!”

    Hating gabi at nakatulala pa rin si Shaira sa wedding gown. Noon na mikropono lang ang hawak niya, ngayon na bulaklak na ito.  Gustong-gusto na niyang tumakas dahil miss na niya si Kean. 

    “Mrs. Harder, hardheaded Shaira,” she whispered.”

    Dahan-dahan niyang kinuha ang bag at tumakas nang makita niyang mahimbing na ang tulog ng ina.

    Pagod at may jetlag pa si Kean habang papasok ng bahay niya.  Asar na asar siya sa kanyang ina dahil may nalalaman pa itong paghihiwalayin sila ni Shaira bago ang mismong kasal.

    “Excited na po kami bukas, Sir!”

    “Lalo na ako, I miss my Shaira.”

    “Nakakatuwa po na napakasaya niyo po.”

    “Salamat manong Noel.”

    Ilang saglit at nakatanggap ng tawag si Kean.  Kunot ang noo niya at hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang tawag ni Camille.

    “Hello?”

    “Kean, please. Puntahan mo ako, my boyfriend hurt me! Hindi ako makabangon!”

    “O-okay,  sandali.”

    “Saan po kayo pupunta sir? Hating gabi na rin po?”

    “May pupuntahan lang ako.”

    Napatakbo si Kean at mabilis na nagmaneho ng sasakyan. Natatakot siya dahil sa panginginig na boses ni Camille. Siguradong may masamang nangyari rito. Nang marating niya ang bahay nito, nagulat siyang na sa labas ito ng gate at may bitbit na alak. Ibang-iba sa sinabi ni Camille mula sa kabilang linya.

“You are a liar!” sigaw ni Kean sa kanya. Tumawa si Camille at binasag ang hawak na bote.

“Maglalaslas ako kapag umalis ka! Please Kean, be with me.”

"Camille! Ano bang ginagawa mo?!" suway ni Kean at inagaw ang bubog na hawak nito. Binuhat niya si Cmaille at inilapag sa sofa. Parang ahas na gumapang si Camille at hinatak ang polo ni Kean. Nagkalat ang butones nito sa sahig.

“Stop it! Ayokong saktan ka!” 

“Fuck me, please! I love you Kean!”

“You just fucking love yourself!” sigaw ni Kean at tinulak si Camille. Ngunit hindi nagpaawat ang babae na halikan si Kean. Mabilis niyang hinubad ang damit.

“Wala na tayo! Tapos na tayo!”

“No! Babalik ka sa akin!”

Masayang pumasok ng gate si Shaira at halos magulat niya si manong Noel na nakatayo sa labas ng pintuan.

"Manong Noel! Si Kean po!?"

"Ma'am hindi pa po bumabalik, nagmamadali po kasing umalis kanina," napatigil si Shaira at biglang kinutuban. 

"Hindi pa bumabalik? May kausap ba siya sa cellphone kanina?" 

Tumango si Manong Noel at kinabahan sa naging reaksyon ni Shaira. 

“Ma’am Shaira! Sandali lang po!” sigaw ng matanda ngunit hindi nagpapigil si Shaira.

Hindi tumitigil ang puso niya sa pagtakbo ng napakabilis. Iba ang kutob niya, kaya pagsakay niya ng tax, address agad ni Camille ang unang pumasok sa utak niya.

“Damn it,” bulong niya nang makita ang van ni Kean.

Sa kanyang pagbaba, unti-unting tumutulo ang kanyang luha. Bukas ang gate at nagkalat ang bubog sa dinadaan niya.  

“Kean." 

Napatingin si Shaira sa pintuan at kusang pumasok sa bahay ni Camille. Hindi siya nagkakamali sa nakita. Hubad si Camille habang si Kean na wala rin damit pang itaas. Nakakandong si Camille sa binti ni Kean.

    Tinakpan ni Shaira ang bibig at tumakbo palabas ng bahay. Sa bawat pagtakbang niya’y para siyang hinatak pabalik. Ngunit pilit siyang lumayo, hinihingal at nananalangin.

 "Manloloko ka Kean. Bakit ganito? Kasal natin bukas? Pero mahal mo pa rin ang ex mo?”

Hanggang sa condo, hindi napigilan ni Shaira na mapaluhod sa loob ng elevator habang umiiyak. Hinahabol niya ang hininga at kinakabog ang dibdib. 

Pilit niyang nilakasan ang loob at pumasok sa loob unit kung saan ang kanyang ina. 

"Mama."

"Ano 'yon anak?"

"Mama, ayoko na po." 

“Anong nangyari?"

"Mama kunin niyo na po ang gamit, uuwi na tayo sa probinsya."

Sumunod naman ito at dahan-dahan na nag impake. Napatingin si Shaira sa isang papel katabi ng wedding invitation nila ni Kean. Minabuti niyang magsulat bilang paalam kay Kean. Pilit niyang isinusulat ang bawat letra at salita kahit nanginginig ang mga kamay niya. 

"Anak, halika na.”

“Mama,” humagulgol si Shaira at hinagkan ng mahigpit ang anak.

Sa kabilang dako, nakatingin lang sa salamin si Kean.  Inabot siya ng madaling araw at naglasing. Hindi niya ginalaw si Camille at tinulak ito para tuluyang lumayo, pero ang konsensya na lapitan ito muli at humalik sa dating asawa ang patuloy na bumabagabag sa puso niya.

"Ano bang ginagawa mo? Dapat hindi ko na siya pinuntahan." 

Kinuha niya ang cellphone at sinubukan tawagan si Shaira, he wants to hear her voice. Ngunit nakapatay ang linya ni Shaira.

“It is our wedding tomorrow and my birthday.”

Inabot ng umaga na naghihintay sa airport si Shaira at Lizel, bitbit niya ang ticket na nagmula kay Cynthia.

“Ano ba ang nangyari? Bakit ka aalis sa kasal niyo ni Kean?”

“Mama, tsaka na lang po natin ito pag usapan.”

“Paano ka lalayo, kung alam ni Kean ang Bukidnon.”

“I talked to ma’am Cynthia, papunta po tayo ng Aklan.”

Hindi nakakibo si Lizel at ayaw na niyang manghimasok  dahil siguradong mas sasama pa ang loob ni Shaira. Biglang pumatak ang luha ni Shaira at hinagkan ang ina.

“Mama, sana hindi ko na lang siya pinili.”

“Balang araw, lahat ng nararamdaman mong sakit ay mawawala rin, anak.”










WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon