CHAPTER 45
“Gwapo na ako.”
Lumabas siya ng sasakyan at tuwang-tuwa si Dorothea na makita siya.
“Sila manang at manong po?” tanong ni Kean.
“Papunta sa condo upang sunduin ang iyong wifey!” tili ni Dorothea at hinagkan ang anak.
“Papa, asan na po si Mama?” aniya ni Katrina.
Masaya at sobrang excited lahat ng mga bisita sa pagdating ni Shaira. Lalo ang mga katrabaho nitong imbitado sa kasal.
“Teka, tumatawag na sila manong Noel!” aniya ni Dorothea. Lumayo ito upang sagutin ang tawag.
“Sige, pupunta ako d’yan!” sagot niya.
“Bakit Ma?”
“Basta maghintay ka rito! Susunduin ko na, hindi mahanap nila manong ang unit. Naligaw pa yata.”
Hindi mapakali at halos maupod na ang sapatos ni Kean kakahintay kay Shaira. Inip na inip siya at gusto na niyang isuot ang biniling singsing para kay Shaira.
Mabilis na nakarating si Dorothea sa condo at sinabay na niya sila manong na naghihintay sa lounge.
“Shai--”
Natulala si Dorothea nang makitang nakakahon at nasa kama lamang ang wedding gown pati na ang sapatos ni Shaira.
“What’s the meaning of this?”
“Patay, naku. Ito ata ang kagabi!” aniya ni manong Noel.
“Anong kagabi? Tell me manong Noel?!”
“Si Shaira po kasi, kagabi pumunta sa bahay. Halatang tumakas upang puntahan si Sir Kean. Kaso si Sir Kean noong halos kadarating lang namin may tumawag sa kanya at nagmadaling umalis. Hinintay ko nga po siya kaso inantok na po ako at umaga na po yata siyang nakauwi.”
Kinutuban si Dorothea at agad tinawagan si Kean.
“Mom, papunta na ba kayo?”
“Pumunta ka ngayon din dito, Kean!” asik ni Dorothea.
Hindi niya alam kung kanino magagalit, kung sa anak ba niya o kay Shaira. Napaupo siya sa kama at hinawakan ang dibdib.
Pinaharurot ni Kean ang sasakyan at pakiramdam niyang hindi maganda ang balita ng kanyang ina. Ilang saglit at napuntahan niya si Dorothea. Lahat ay sayad ang mukha at umiiling si Kean.
“Where is she?!” sigaw ni Kean.
“Anong nangyari kagabi?! Answer me, anak? Anong nangyayari sa inyo ni Shaira?”
“Sir, si ma’am Shaira po kagabi sinundan kayo.”
Napahilamos si Kean at dinampot ang upuan pagkatapos binalibag ito sa gilid.
“Oh my gosh, son! Tumigil ka!”
“She left me! It’s all my fault! Ma!”
Napaluhod si Kean sa sobrang galit at panginginig ng mga binti.
“Sir, Ma’am. Mukhang iniwan po ito ni Ma’am Shaira,” inabot ni manang ang papel kay Kean at sinimulan niya itong basahin.
“I can't marry a man who's still into his ex-wife. Mahal kita, hindi ko alam kung bakit mo ito nagawa sa akin. I can't stay forever at nagbubulag-bulagan sa katotohanan na si Camille pa rin ang mahal mo. We can't be together Kean. Sana maging masaya ka at mabuo muli ang pamilya niyo.”
-Your wedding singer but will never be your bride, Shaira.
"Fuck!" tumakbo si Kean at lumabas ng unit. Halos lumabas na ang lalamunan ni Dorothea matawag lamang niya pabalik si Kean.
“No, I need to explain. Huwag mo akong iwan, Shaira.”
Nakatulala sa kwarto si Shaira at pinagmamasdan niya ang singsing na binigay ni Kean sa kanya. Dahan-dahan niya itong inalis at pinatong a side table. Buong akala ni Shaira na si Cynthia ang may ari ng resthouse at resort, ngunit si Arthur ang buong nagma-manage rito pagkatapos ay nagpatuloy ng libre sa kanila.
"Anak kumain ka na."
"Mamaya na po ako. Busog pa po ako."
“Hindi pwedeng ganyan, magkakasakit ka.”
Pabuga ang paghinga ni Shaira at bumangon upang sumunod sa sinabi ni Lizel.
“Ma, I-I can’t b-breath!” sinumpong bigla ng hika ang dalaga at kumapit sa kanyang ina. Mabuti at alisto si Lizel at nakuha ang nebulizer ni Shaira.
“Ma, a-ang sakit po!” umiiyak ito habang nakahawak sa ina. Hindi alam ni Lizel kung ano ang masakit sa kanyang anak. Hinagkan niya ito at pinunasan din ang luhang tumulo mula sa mukha niya.
“Anak, malalampasan mo ito. Kumapit ka lang at hindi kita iiwan.”
"Anong ginawa mo kay Shaira?!" isang malakas na sigaw ang natanggap ni Kean mula kay Sam. Kadarating lang nito at ni Xyrus sa Pilipinas matapos ang honeymoon nila.
“Babe, bawal magalit sa’yo.”
“Tumigil ka, Xy! Demonyo ka Kean! Lahat binigay ni Shaira. Kung tutuusin jackpot ka sa kanya, sinong matinong babae at dalaga pagkatapos career woman ang papatol sa tulad mong single dad? Hindi porke mayaman ka, manloloko ka at paglalaruan mo ang feelings ng kaibigan ko! Sana at ipagalit ka na lang niya sa binata! Napaka walang kwenta mo! Alam mong may hika si Shaira at hindi pwedeng sumama ang loob! Paano kung anong mangyari sa kanya? Mapapalitan mo ba ang buhay niya? Kung mahal mo ‘yang malandi mong ex, edi sana magsama na lang kayo!”
Nagtakip ng tenga si Xyrus dahil sa diretsong pananalita ng asawa. Hindi nakakibo si Kean at nakayuko lamang ito. Alam niya sa sarili na may kapabayaan siya, ngunit ang hinanakit niya rito ay, hindi man lang pinakinggan ni Shaira ang punto niya kung bakit siya nando’n."
“I love your best friend, Sam.”
“Love? Kung mahal mo, noon pa man lumayo at hindi ka na nagpapakabobo sa ex mo! Pero hindi, isang tawag ando’n ka na! Pinaglalaruan mo lang ang kaibigan ko! Tang ina mo, pinagkatiwala ko ang kaibigan ko sa’yo!” Pinigilan na ni Xyrus si Sam at hinatak papasok sa kwarto nila. Napakagat ng ibabang labi si Kean at pinunasan ang luha.
Hinintay niyang bumalik si Xyrus at tumabi ito sa kanya.
“Bro, alam mong malandi ang ex mo. Sana hindi mo na binalikan sa bahay niya.”
“Niloko niya ako, buong akala ko--”
“Walang akala-akala Kean, kung sumunod ka sana sa sinabi ni Shaira. Iba ang kutob ng mga babae kumpara sa atin. Lalo na sa timpla ng ex mo, kakaiba talaga siya.”
“Paano ko siya hahanapin? I have no traces?”
“Hanapin mo at hindi kita tutulungan, Kean. Gawin mo ito bilang isang lalaki at patunayan mo kay Shaira na mahal mo siya without asking any help. Kaibigan kita pero hindi ko kakampihan ang ginawa mo kay Shaira.”
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romance"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...