Patuloy lang ang takbo ko at hindi inalintanang lumingon sa likod. Rinig ko ang malalaking hakbang papalapit sakin kaya mas lalo kong binilisan ang takbo ko.
Dumiretso ako nang takbo paakyat, pagdating sa ikalimang palapag ay pinto nalang ang sumalubong sakin.
Kahit wala ng lakas ay pilit kong tinulak ang mabigat na pintuan. Sumalubong sa akin ang malakas na hampas ng hangin.
Luminga linga ako upang maghanap ng matataguan ngunit huli na nang marinig ko ang muling pagbukas ng pinto.
Agad ko siyang nilingon. Sinalubong niya ako ng matalim na tingin.
"Damian..." bulong ko sa hangin at nagsimula nang humakbang paatras.
"Why?" tipid na tanong niya at nagsimula nang humakbang palapit.
"I-I didn't do anything." Sabi ko at patuloy pa din ang pag atras.
"Don't Lie! I already know the truth." Sigaw nito.
"M-mali yung nalalaman mo. Hear me out please." Agad akong napaluhod nang maramdam ang malamig na keeguard.
"Please... Please... Hear me out." Pagmamakaawa ko ngunit parang wala siyang naririnig.
As soon as he gets close, he grips my wrist tightly and forced me to stand up. I flinch with pain.
"I didn't know you're capable of killing Vexana, and of all people, why her?" madiin na bigkas niya.
"I didn't do anything. I didn't killed her!" sigaw ko. Nagsimula nang tumulo ang mga luha sa mata ko.
"Bakit ba patuloy mo pa din tinatanggi kahit huli ka na?!" sigaw niya at buong pwersang sininandal ako sa keeguard na nagdulot ng matinding sakit.
Binitawan niya ko sa pulsuhan at hinawakan sa balikat. Napaliyad ako dahil sa keeguard, kalahati ng katawan ko ay nasa ere na.
Umamba si Damian upang ibigay ang lahat ng bigat sakin.
"DAMIAN!"
BINABASA MO ANG
NEMESIS
Mystery / ThrillerTo blame for a sin you did not commit is painful. And that is what Vexandria experienced. Even the person she ever trusted completely was not able to listen to her. Even her dignity was touched to pay for what she did not do. Years of planning sh...