18
Para siyang maiiyak habang pinagmamasdan ang pamilyar na paliparan. Tulak-tulak niya ang luggage cart habang palinga-linga sa paligid.
Twenty-one months, it's been twenty-one months, since she left the place and now she is back.
Ilang beses na siyang umalis para pumunta sa ibang lugar, pero ito ang natatanging pagbabalik na sigurado siyang wala siyang babalikan.
"Ahm, excuse me?"
Napalingon si Fumi sa dalagitang nagsalita sa tabi niya. Nakita niyang umawang ang bibig ng dalaga at napangiti naman si Fumi, "Oh my. You're VJ Fumi, right?"
Napangiti lalo si Fumi dahil ang tagal na rin ng huling marinig niya ang pangalang iyon. "Well, former VJ Fumi."
Impit na tumili ang dalaga, "You're back. Gosh, pwede bang magpapicture? Pretty, please?" Nakita niyang pinasadahan ng dalaga ang kanyang kabuuan. "Grabe po! Ang sexy at mas lalo kayong gumanda."
"Thank you. Let me take it for you." Inilahad niya ang kamay at ibinigay naman ng dalaga ang phone at mabilis silang nagselfie. "Good luck to you."
"You too po! You should go back to Magnitune!" The teenage girl kept on waving her hand as she walks away from her.
Nang mawala na ang dalaga ay napabuntong-hininga si Fumi, "Should I?" Malungkot siyang ngumiti atsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Marami ang nakakapansin sa kanya at malugod naman niyang nginitian ang mga 'yun, minsan may kakaway sa kanya at ganun din ang kanyang gagawin. Hindi siya makapaniwalang may makakakilala o makakaalala sa kanya.
She used the Grab app so that somebody could help her get home. It's a good thing there is a kiosk where she could do the booking. Laking tuwa niya nang mabilis na makita ang isang Vios.
Mabibilis na lumabas ang driver na may maaliwalas na hitsura, pinagmasdan ni Fumi ang driver. Masasabi niyang guwapo kahit pa may edad na, at natitiyak niyang sobrang gwapo rin niya noong kabataan niya.
"Hi po! Sir Joey Alce po?" Nang banggitin niya ang pangalan ay tila may naalala siya pero hindi niya matandaan kanino na niya narinig iyon.
"Yes, Ma'am. Tulungan ko na po kayo." Magalang na sambit niya atsaka tinulungan siyang ilagay ang kanyang mga gamit sa compartment.
"Saan ko po ba kayo ihahatid?" Tanong ni Sir Joey pagkasakay niya sa driver's seat.
Ngumiti si Fumi, "Sa Prestige po."
Ang pinagpapasalamat na lamang ni Fumi ay ang lugar na pwede niyang balikan. Ang kanyang unit sa Prestige. Dahil sa kanya na ang unit na 'yun kaya naman hindi siya magkakaproblema.
"Nandito na po tayo."
"Thank you po, Sir Joey!" Iniabot naman ni Fumi ang bayad na sobra pa sa eksaktong transportation fee.
"Huh? Ang laki naman po nito."
"Naku, please take it po. You're a great company po and sobrang bait po ninyo."
Nagtaka naman si Fumi nang titigan siyang mabuti ni Sir Joey, "Parang pamilyar ka talaga sa'kin hija. Hindi ko matandaan pero parang nakita na kita, hindi man sa personal ah pero. Hay nako, matanda na talaga ako."
Humalakhak naman si Fumi, "Thank you po ulit! Natuwa po ako sa kwento ninyo sa apo ninyo."
"Salamat din hija! Ikaw ang pinakamagandang pasahero na nakilala ko." Kumindat pa si Sir Joey bago tuluyang umalis.
Pumihit paharap si Fumi at nakita ang pamilyar na malalaking letra na nasa may entrance ng building, "Hello again." Nakangiting sambit niya atsaka hinila na ang maleta at pumasok sa loob.
BINABASA MO ANG
HRS3: Offered a Hot Romance to the Gentleman
Ficción GeneralWARNING: This story contains chapters that are not suitable for young minds. Reader discretion is advised. Meet, Fumiko Centeno, the bubbliest and loveliest video jockey in Asia. She is known for her very charming and heart-leaping smile. Kapag ngum...