CHAPTER 48
Muling bumalik si Kean sa Manila at hindi para magtagal pa rito. Ang matagal na niyang balak na manirahan sa America ay kanyang itutuloy. Lahat ay pawang na bigla dahil tuluyan na niyang binitiwan ang ranggo bilang CEO ng Razon’s Insurance Company.
“Bakit biglaan Kean?”
“Nakuha ko na ang sagot. Hindi o na kailangan magtagal dito. You take care of the company okay?”
“Teka, saan ka nga ba kasi galing?"
"She said, she loves Arthur at masaya na siya with that guy. Ano pa bang magagawa ko? Magiging focus na lang ako kay Katrina. Kontento na ako sa anak ko. I'll go ahead, may pupuntahan pa ako,” diretsong lumabas si Kean at hinayaan na niya si Xyrus ang mag manage sa pinag iwanan niya. Galit ang kanyang ama sa kanya dahil sa ginawa nito, habang si Dorothea na hindi mapigilan ang desisyon ni Kean.
Sa tagal ng panahon, dinalaw niya ang puntod ni Manuel. Umupo siya sa tabi nito at nag iwan ng bulaklak.
"Bro, I'm sorry. Dalawang babae na minahal mo ang pinakawalan ko lang ng basta-basta. I'm sorry, I'm really sorry. Hindi ko na alagaan si Shaira. Mahal ko siya pero hanggang doon na lang. Napagod na rin siya, napagod na rin ako dahil wala na pala akong hinihintay. If I could bring back time, Manuel. Hindi ko hahayaan na pakawalan pa si Shaira. Mahal na mahal ko siya more than you love her,” he stood up. Dumaloy ang luha sa kanyang pisngi at agad niya itong pinunasan.
“Kailangan ko na talagang lumayo para magpahinga at makalimot. Time heals, ika nga.”
Sa pagtakilod ni Kean, hindi siya nagkakamali na si Shaira ang papalapit sa puntod ni Manuel. Nanigas siya sa kinakatayuan nang tumabi ito sa kanya.
“S-shaira.”
“Hm?”
“I’m sorry, hindi kita niloko. Alam kong mali ang ginawa ko. Pero hindi sumagi sa isip ko na tumikhim ng ibang babae o lokohin ka. Pero tama ka, hanggang dito na nga lang talaga. Mabuti na ang lumayo ako sa’yo nang hindi na tayo magkasakitan pa. Thank you for being part of my life,” aniya ni Kean at mabilis na tumalikod upang makalayo kay Shaira.
Bumuhos ang luha ni Shaira at lumuhod sa harap ng puntod ni Manuel.
“Manuel, mahal ko siya. Mahal na mahal, pero natatakot na akong masaktan at kapag nalaman niyang may anak kami. Baka ilayo niya pa ito sa akin bilang ganti.”
Pinilit na sinama ni Cynthia si Shaira sa retro bar pati na rin si Samantha. Umiinom ang dalawa habang siya na hawak ang nebulizer.
“Bakit hindi niyo kasi pag usapan ng walang init na ulo? Tandaan mo Shaira may anak kayo, iyon ang isipin mo. Hindi ang pride niyong dalawa,” giit ni Cynthia.
Nabigla silang dalawa ni Sam ng diretsong nilagok ni Shaira ang isang litrong beer. Hindi ito nakontento at kinuha pa ang alak ni Sam.
“Huwag niyo akong pipigilan! Iinom ako hanggang sa ilang bote ang gusto ko! Huwag niyo akong pipigilan kahit umiyak pa ako rito!” paghikbi niya at binalibag ang hawak na nebulizer.
“Ano ka ba naman!” suway ni Sam at umiwas si Shaira.
“Mahal ko siya pero natatakot ako na umulit muli ang nakaraan. At paano naman kung mamuhi siya sa akin dahil tinago ko si Kasper?”
Hindi nakakibo si Sam at Cynthia, hinayaan lang nilang uminom ito at magpaalunod sa alak.
“Sam, call Kean. Mas mabuti kung magkasama sila,” wika ni Cynthia.
BINABASA MO ANG
WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEAR
Romantizm"You came and deserted me too soon. While nursing a broken heart, you lifted my soul and started all over again." Ang pangarap ni Shaira na siya mismo ang kumanta sa kasal nila ni Manuel Roxas ay na uwi sa pagpapaalam. Mainam na pinahinga niya an...