Chapter 9: The Beginning

207 19 5
                                    

Godfrey


Bago ako umuwi sa bahay, huminto muna ako sa panaderya upang bilhin ang paboritong tinapay ni Lolo. Ibinigay ko na ang bayad at kinuha ang biniling tinapay. Ang nakangiting kalangitan ay kulay-kahel na may halong bughaw ang kulay, na mas nakapapaganda sa tanawin ng mahilig sa kalangitan.

Heading to our house- I just can't forget the conversation with Egleia awhile ago. Am I being selfish? But I, personally, just want to save my family from that arrogant foolish traitors. Do you get my point? I never wish to have a broken- I mean, separated family. I will do what can I do just to retrieve my family, safely. I have this willingness to surrender or give the ability and capability to all villain whose greedy for power and conquest. They shall never hurt my family, or else, I'll wreck their face to death.

Nasa harapan na ako ng bahay namin. May dalawang palapag ang bahay namin. Simple lang Ito, tipikal na bahay sa isang normal na tao. Bubuksan ko na sana ang tarangkahan ngunit bigla na lang kumabog nang malakas ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Nagsimulang magpawis ang mukha ko at 'di maiwasang mag-isip ng kung anu-ano. Dali-dali kong binuksan ang tarangkahan at natulala nang makitang nakabukas ang pinto. Palagi kong pinapaalahanan si Lolo na isarado palagi ang pinto kung wala ako, at ngayon lang 'to nangyari.

Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan at pumasok. Pagpasok ko ay tanging huni ng katahimikan ang bumungad sa 'kin. 'Di ako sanay, palagi akong binabati ni Lolo ng mainit na yakap papasok pa lang ako sa pinto. Nilibot ko ang aking paningin at sobrang tahimik dito. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko sa lagay na 'to. Ngunit baka natutulog o nasa banyo lang siya.

"Lolo?"

Walang sumagot. Baka nasa k'warto lang si Lolo, nagpapahinga. Inilagay ko sa mesa ang tinapay na binili ko at pasipol-sipol na nagtungo sa kusina para uminom na malamig na tubig. Pumunta ako sa sala na dala-dala ang basong may malamig na tubig.

I turned on the television for me to watch some action movies. I just think that I can able to use the techniques and stunts for fighting after watching an action movie. I'm in the verge of sitting in the comfortable sofa when I heard the door slammed upstairs. I ran as fast as I could, not minding the cold water I was holding.

Pagkatapak nang pagkatapak ko sa ikalawang palapag ay tila naririnig ko ang lahat ng maliliit na ingay sa sorbang tahimik. Naririnig ko pa ang paghinga at mga yabag ng paa ko. Dahan-dahan at maingat kong binuksan ang aking k'warto- naghahangad na nagtitiklop lamang si Lolo sa magulo kong damit sa aparador, ngunit wala. Inilagay ko ang basong dala-dala ko sa mesa ng k'warto ko.

Iniiwasan kong maglikha ng ingay. Nagtungo ako sa harapan ng pinto ni Lolo. Nagdadalawang-isip kung bubuksan ko ba o hindi. Bakit ba ako natatakot? Wala namang magtatangkang kunin ang buhay ni Lolo. Pinihit ko ang busol ng pinto at dahan-dahan na binuksan ito.

Pagkabukas ko ay nakita ko si Lolo na nakaupo sa isang upuan. Walang emosyon ang mukha niyang tumitig sa akin. Napakunot ang noo ko dahil sa inakto niya. Anong ibig sabihin nito? Nag-away ba kami ni Lolo? Ayos pa naman kami pagkaalis ko kanina ah?

Nagsitaasan ang balahibo ko at biglang kumabog ang dibdib ko sa 'di malamang dahilan. Pinakiramdaman ko ang paligid ko kung may panganib bang nakapalibot. Nang mapagtanto kong may kung anong hindi tama sa k'warto ni Lolo, isinarado ko ulit ang pinto.

Nag-isip muna ako ng paraan kung paano ako makakapasok sa k'warto ni Lolo na hindi sa pinto dumadaan. Palingon-lingon sa paligid na p'wedeng magamit para makapasok. Napangisi ako nang may makita akong paraan para makapasok na hindi sa pinto o bintana dadaan. Sa kisame.

Kahit mataas ay sisiw lang 'yan sa 'kin. Ano pa't nasa akin ang kakayahan ng gorilya? Sa una ay itinabi ko muna ang takip para may makapitan ako. Nang matapos ay tumalon na naman ako at mahigpit na kumapit sa kisame. Itinaas ko ang aking sarili at nagtagumpay ako- walang ingay na nalikha.

Ascendance Of The Ruined Kingdoms Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon