Kabanata 12

11.2K 276 21
                                    

Isang buwan na ang lumipas. Hindi narin nagpaparamdam sa akin si Boss. Hindi ko alam kung magiging masaya ako o ano.

''Okay ka lang ba?'' tanong sa akin ni Lauro. Kanina pa kasi akong matamlay. Gusto kong matulog at matulog lamang. Inilagay niya ang palay niya sa noo ko. Mukhang tinitignan kung may lagnat ako. ''Wala ka namang lagnat'' sabi niya sa akin.

Iyon nga ang pinagtataka ko eh, wala akong lagnat pero ang sama ng pakiramdam ko. Isang linggo na akong ganito.

''Okay lang ako, Lauro. Maybe I just need to rest'' sabi ko sa kanya.

Huminto siya sa paglalakad. Papauwi na kasi kaming dalawa. Hindi naman ako napagod sa mga ginawa ko ngayon dahil dalawang beses lang naman akong inutusan ni Lauro.

''You can take a leave for a week kung masama ang pakiramdam mo'' He suggested.

Okay lang din naman. May ipon naman kami kaya okay lang din kung hindi ako magtrabaho kahit isang linggo lang. Masama talaga ang pakiramdam ko.

Pag-uwi ko ay naabutan kong gumagawa ng project si Gela sa may sala. Wala yata si Papa. Mukhang nakikipag-inuman iyon ngayon.

''Saan si Raney, Gela?'' tanong ko habang inilalapag ang aking bag sa sofa.

Napalingon si Gela sa akin. ''Ikaw pala, Ate. Bumili ng Ice cream si Ate Raney. Utos mo daw'' sagot nito.

Napalunok ako. Iniisip ko pa lang ang ice cream ay nanunubig na ang bibig ko. Tumawag kasi ako sa kanila kanina para mag utos na bilhan ako ng ice cream dahil hindi na ako makakabili. Masakit ang tagiliran ko. Sumasakit din minsan ang suso ko, hindi ko alam kung bakit.

''Oo nga pala, Ate. May cupcake akong binili kanina diyan sa Julies.'' sabi ni Gela at tumayo. Kukunan ako ng cupcake. Hinintay ko lang siyang kumuha at lumapit sa akin. Nang makalapit na siya ay inilahad niya ang cupcake.

Parang bumaliktad ang sikmura ko ng maamoy ko ang amoy ng cupcake. Para akong maduduwal. Tinakpan ko ang aking bibig at tumakbo sa banyo. Sumuka ako ng sumuka. Napapansin ko na tubig lang ang sinusuka ko na may kasamang laway. Hindi pareho ng ibang suka na may kanin o whatsoever pa.

''Okay ka lang ba ate? Palagi ka ng sumusuka ah! May sakit ka ba?'' tanong ni Gela habang hinahagod ang likod ko. Pinunasan ko ang aking bibig at umayos ng tayo.

Hawak-hawak ko pa ang tiyan ko.

''I'm okay. Baka pagod lang'' sagot ko. Bumalik kami sa sala at umupo ulit sa sofa.

Nanlalambot ang tuhod ko.

''Saan mo ba iyan nabili ang cupcake, Gela?'' tanong ko. I grimaced when I looked at the cupcake. Ang baho niya. Parang panis.

''Julies nga ate, diyan sa kanto'' sagot niya sa akin.

Kumunot ang noo ko. ''Eh bakit ang baho? Panis ba 'yan?'' tanong ko sa kanya. Nagsalubong din ang kilay ni Gela at kinuha ang cupcake para amuyin. Inamoy niya ito na parang may hinahanap na amoy. Pagkatapos niyang amuyin ay tumingin siya sa akin.

''Hindi naman mabaho ate ah!'' sabi niya at kinagatan pa. ''Ang sarap nga eh'' sabi niya sa akin habang nginunguya ang cupcake.

''Eh bakit nang amuyin ko ay mabaho?'' nagtataka kong tanong.

''Baka high ka lang ate'' sagot niya pa.

I frowned. ''Anong high?''

She shrugged. ''Like you are taking drugs?'' hindi niya siguradong sagot. Hinagisan ko siya ng bola. Bola ng volleyball. Player kasi kaming tatlo ng volleyball noong highschool varsity pa nga ako e.

''Tanginamo!'' sigaw ko sa kanya.

Itinaas niya ang isang hintuturo niya at ginawan pa ako ng parang lagot ako. ''Patay ka, tukhang ka'' she said, scaring me. 

Sixto Axel VelasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon