Chapter 36: Just a Lie

10 26 0
                                    

[Pagtatagpi-tagpiin ko na po yung mga clues na iniwan ko sa mga naunang chapter. Medyo malapit na po kasi tayo sa ending ng story. Alam ko na magugulat kayo pagkatapos niyong mabasa ang chapter na to. And please, don't hate me because of this chapter. AND I'M REALLY SORRY]

Third Person's P.O.V.

Kasalukuyang nakahiga sa hospital bed si Athea, walang malay dahil inatake siya ng systolic heart failure na sakit niya. Nasa loob ng room sina Tita Karla at Tita Clarisse pati na rin si Grey.

"Is there anything Doc that we can do?" Tanong ni Tita Karla sa doktor na tumingin kay Athea.

"Of course we can do something about it. Una ninyong dapat gawin is to provide her with a friendly and loving environment, nang sa gayon ay maiwasan natin ang stress na maaaring mag-trigger sa systolic heart failure niya," sagot naman nung doktor.

"Sige po. Thank you Doc," sabi naman ni Tita Karla.

"Magpapaalam na po muna kami Ma'am Karla," paalam ni Tita Clarisse kay Tita Karla na kasama nila sa ospital.

"Pwede po ba ako magpa-iwan Mama? Gusto ko po bantayan si Athea," sabi naman ng ten-year old na si Grey.

"Christian. Nandito naman ang Tita Karla mo, tsaka kailangan mo ring magpahinga. Gusto mo ba na magkasakit ka?" Tanong ni Tita Clarisse kay Grey.

"Ayaw po. Pero gusto ko pong makitang gumising si Athea, ilang oras na po kasi siyang tulog oh," sabi naman ni Grey.

Ngumiti naman si Tita Karla. "Gigising siya Christian. And don't worry, sasabihin naman namin agad sayo kapag gising na siya. But in the meantime, magpahinga ka na rin, ayaw diba ni Athea na pinapagod mo ang sarili mo?"

Tumango naman si Grey.

"Sige po," sagot pa niya.

"Mauna na po kami," paalam ni Tita Clarisse kay Tita Karla.

"Mama? Kelan po ba magigising si Athea?" Tanong ni Grey kay Tita Clarisse habang nasa jeep na sila pauwi.

"Hindi natin alam anak. Pero sigurado ako na magigising din si Athea, basta pray ka lang," sagot naman ni Tita Clarisse.

"Sige po," sabi naman ni Grey.

"Tsaka narinig mo yung sinabi kanina ng doktor? Kailangan ni Athea ng mga kaibigan. Kaya dapat nandiyan ka parati sa tabi niya. Kasi kapag may kaibigan siya, hindi na siya aatikihin ng sakit niya, okay ba yun?" Dagdag pa ni Tita Clarisse.

"Okay po. Tsaka magkaibigan naman po kaming dati ni Athea eh," sagot naman ni Grey.

"Oo alam ko. Basta wag mo lang siyang iiwan. Ayos ba yun?"

"Sige po," sagot ni Grey.

•••

"What are we going to do now?" Tanong ni Tita Karla kay Tito Caleb.

Kakalabas lang ni Grey sa office nila after nitong masabi na mahal pala nito si Athea.

"Yung pagpayag niyang mag-aral sa Japan is the first step. I can sense na gustong kalimutan ni Grey ang nararamdaman niya para kay Athea. I hope it goes well," sagot naman ni Tito Caleb.

"Pa'no kung hindi pa rin ni Grey makalimutan ang nararamdaman niya para kay Athea?" Tanong pa ni Tita Karla.

"Well, magagawan natin yan ng paraan, hindi na natin pwedeng ilayo si Grey for the second time, si Athea ang ilalayo natin kung sakaling mangyari man yan," sagot ni Tito Caleb.

"Naalala mo yung sinabi nung doktor diba? We shall provide a happy and friendly environment kay Athea. Tapos ilalayo natin si Grey?" Tanong ni Tita Karla.

Committedly Inlove at a Tragic MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon