No Title.

8 4 0
                                    

I can hear the sounds of the rain in our roof. I feel like dinadamayan ako ng ulan, tila alam nya ang aking nararamdaman.

"Coz its 12:51 and I thought my feelings were gone. Lying on my bed, thinking of you again--hik," napahinto ako sa pagkanta dahil sa sariling paghikbi ko, umiiyak na naman ako.

"Shin?" Napayuko agad ako ng marinig ang boses ni daddy mula sa pinto "Alas dose na, matulog ka na."

Kinagat ko ang labi at tumango, hirap na itagong umiiyak ako para hindi nya mapansin, "Okay da--hik"

"Oh? Umiiyak ka?" Lumapit sya sa akin habang nasa kama ako at sinilip ang mukha ko, yumuko ako lalo para maitago ang siguradong namamaga ng mata ko. "Bakit? Anong nangyare?"

Umiling ako, hindi ako sanay magopen up kay daddy at baka magalit pa syang dahil ito sa lalaki.

"Isa." nagbilang na sya, tinatakot ako.

Nakagat ko ang aking labi, walang balak magsalita. Bukod sa hiya ay talagang natatakot ako sa maari nyang sabihin.

"Dalawa..."

"Dalawa't kalahate..."

Bumuga ako ng marahas na hangin bago umiling at sumagot. Hindi na nakatiis. "Dad, pagod na'ko kakaiyak, ayoko na. Ayoko nang nasasaktan sya dad. Ayoko na."

Gusto kong matawa sa aking sinabi. Paanong ako ang umiiyak kung gayong sya ang nasasaktan?

Lumapit sya sakin at niyakap ako. Kusang tumigil ang paghikbi ko dahil sa gulat. "Pinaiyak ka ba nya? O ba't sya nasasaktan?"

"Dad, hindi ko alam. Hindi ko maintindihan, dad. Ansakit na naman, dad... D-dad... How can I stop the pain? C-can I even stop it?" Para akong batang pinaulit ulit ang katanungang iyon, tila walang kaalam alam sa mundo.

"Ayaw mo na? Akala ko ba, papakasalan mo sya? Sabi mo lang nung nakaraan yun ah?" Patuloy sya sa pag hagod sa likod ko, pinapakalma parin ako.

"Dad, baka ayaw ni mama." Napailing ako, ano namang pake ko kung ayaw ni mama? Edi wag nya! Hindi naman sya ako! Hindi naman sya ang mag jojowa!

Narinig ko ang pag-ngisi ni dad, "She agreed on what your doin'. Payag sya basta hindi ka papalya sa grades mo. Ikaw si Shin diba? Hindi ka pwedeng bumagsak at manghina."

Nagulat ako sa sinabe nya kahit alam ko na iyon, hindi ko lang alam na napagusapan na pala nila ako.

"Thank you dad," sensirong sabi ko.

"Oo na Shin, panget mo umiyak kaya tumigil ka na at may pasok ka pa mamaya. Ayusin mo din yang bangas sa pisngi mo nako nakikipag-away ka na naman!" Sermon nya, napansin ang gasgas sa pisngi ko dahil sa gulo kanina.

Nadawit kase ako sa gulo dahil bukod sa wala ako sa mood ay may nanghamon sakin bigla. Sa kagustuhan kong ilabas ang inis ay pumayag ako.

Napangisi ako, "Okay lang yan dad, gasgas lang e! Eh yung kanila? HAHAHAHA literal na duguan at sira!"

Binatukan nya ako, at inilingan. "Matulog kana nga! Baliw!" ngumisi ulit ako at pinanood syang umalis sa kwarto ko

Doesn't have a successful love life but still lucky with my parents, aren't I?

I smiled then turned my phone off. I'm still too young to think about those stuffs, so I think it's just okay.

One Shot StoriesWhere stories live. Discover now