Kabanata 10

218 8 0
                                    

Sumapit ang Sabado at bumalik na naman ako sa pagtatrabaho sa kumpanya. Several cases are on my table for settlement and revisions. Mahirap maging mahirap pero laban lang para sa bayan.


Sa mga nagdaang araw, hindi mawala sa isip ko si Greyson. Ewan ko ba, I'm too distracted by him that I can literally see his face anywhere. Miski sa mga billboard o mukha ng ibang tao, siya agad ang nakikita ko. That kind of face is very unusual, especially that he has foreign features. Kaya naman ay nagu-gulat ako tuwing nakikita ko siya sa kung saan man ako tumitingin.


Well, we're having a date at his place later. The thought of it made my heart flutter and it's not good. It's dangerous. He's a distraction to my goal. Lalandi pero bawal ma-fall... too late.


I opened the first one and saw that it is about multiple injuries and destruction of property caused by the hotel staff against the customer. Traffic accident within the hotel's parking lot.


I mean who would believe that this one is a difficult case? The hotel staff who's drunk according to the alcohol test, was riding a hotel van and was badly injured in the hospital and the so-called victim is a known actor and model who's also in the hospital and he's riding a very expensive SUV.


Binasa ko at nakitang nasa ospital sila pareho na pagmamay-ari ng pamilya ni Catalina. Well, not fully owned but still it's considered their hospital.


Agad ko naman pinuntahan ang ospital para magtanong-tanong dahil inaayos pa raw ang CCTV sa hotel parking. They're still trying to retrieve the CCTV footage. I hope they could or else everything would be hard. Lalo na kapag hindi nakipagkasundo ang na-agrabyado.


I called Cat to ask if she's in the hospital. Use your connections wisely. Baka kasi hindi ako papasukin lalo na't VIP ang biktima. I mean, I could force him if he didn't want to settle. The only thing that I could do is negotiate wisely and hope for the best results.


"Hoy, nasa ospital ka ba?" Tanong ko kay Cat habang nagliligpit ako ng aking mga gamit. Marami-rami akong dadalhin na papeles para papirmahan. Dapat kasi gawain 'to ng mga abogado, ipina-pasa lang sa akin. 'Who you' kayo sa akin kapag pumasa ako sa BAR.


"Wala man lang bang hello?" Tanong pa niya at tunog nagtatampo pa.


"Edi hello. Ano, nasa ospital ka ba?" Tanong ko pa at halos mapa-irap ako. Minsan talaga...


"Ha, wala naman akong sakit?" Narinig ko ang pag tataka sa boses niya. Gusto ko na lang suntukin ang pader o kaya ipukpok ang ulo niya sa pader. Minsan nagtu-tunog pilosopo siya ngunit tanga lang talaga siya sa personal.


"Tanga ka, may ospital kasi kayo, diba? Baka tumatambay ka riyan ngayon?" Tanong ko habang nawawalan na ng pasensya. Paano niya nagawang makaligtaan 'yun samantalang pagmamay-ari nika 'yun.


"Ah oo, papunta ako sa office ni kuya Gio." Wala sa sariling sabi niya. Sabog ata 'to. Ano na namang tinira nito.


"Gaga, sabog ka ba?" Sabi ko dahil mukhang kinulang sa tulog at sobrang sabog. Understandable naman, med student eh.

Surrendering Dreams (Amor Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon