"AUSTIIINNN! AUUUSTIINNN! BUMANGON KA NA DIYAN NANDITO MGA KAIBIGAN MO!" Sigaw ni mama na nakapag pagising sa akin.
Bumangon ako at sinapo ang ulo ko na sumakit bigla. Agad akong lumabas ng kwarto at pumunta ng sala. Nakita ko ang mga katropa kong bihis na bihis at may dala pang bola.
"Sinabi ng hindi ako sasama" Ungot ko.
"Tara nga dito!" Aya ko sa kanila papunta sa kwarto ko. Lahat sila nasa kama ko na hindi ko pa naaayos. Hinila ko naman ang swivel chair at iniharap ito sa kanila. Pumikit ako at bangag na bangag pa din dahil sa biglaang pag gising sa akin.
"Tin lumabas ka naman sa kwarto mo, ilang beses mo na kami tinatanggihan" Sabi ni Francis.
"Ang sakit kaya mareject pre! Pati ba naman sayo?!" Pag iinarte ni Tyron.
"Oo nga miss na miss ka na namin baby Tin" Ngumuso pa ang lokong si Andrei.
"Wala ako sa mood eh" Sagot ko bago nagpatugtog ng Let me be the one.
"Rinding rindi na ako sa linyang yan pre! Badtrip! Pati na din dyan sa kantang yan!" Irita niyang sabi bago lumapit sa akin, inagaw ang cellphone ko at pinatay ito. Tiningnan ko naman siya ng masama nang nakaupo na ulit siya sa kama.
"Minsan lang naman kayo dito ahh.. Panong rindi ka na Francis? O.a mong kupal ka" Ang sama ng gising ko tapos babanatan pa ako ng ganan.
"Pano kasi Tin, yung kapatid niyang babae broken din tapos kagayang kagaya mo" Sabat ni Tyron.
"Balak nga namin bugbugin yung ex gawa nitong si Francis kaya lang wala ka" Hinagis ni Andrei sa akin ang bola na agad ko namang sinalo.
"Bakulaw ata yung bubugbugin niyo at tatlo na nga kayong mangbubugbog hindi niyo pa kaya" Nagtinginan silang tatlo bago lumapit sa akin.
"Napaka yabang mong hayop ka!" Gigil na sabi ni Andrei habang sinasakal ako. Kaya nabitawan ko ang bola. Si Tyron naman ay biglang na lamang akong hinawakan sa braso hanggang sa maramdaman ko na lang ang kamao ni Francis sa sikmura ko. Napadaing ako sa sakit habang nakapikit ng mariin. Naramdaman ko na lamang ang malamig na tubig sa katawan ko. Hindi ko na alam ang nangyari at kung bakit ako nasa c.r at basang basa na.
"Maligo ka na pre papakilala kita sa kapatid ko!" Sigaw ni Francis mula sa labas ng banyo.
May gana pa talaga siyang tawanan ako
_____
Nagkayayaan nga sa bahay ng kupal na si Francis. Napaka ingay nila mula nung nakasakay kami sa motor hanggang dito. Pagpasok pa lang sa bahay nila ay makikita na ang iilang mga picture ng pamilya nila. Hindi ko naman naranasan na buo ang pamilya eh kaya di ako masyadong makarelate by the way may mga solo din na graduation pics si Francis mula prep hanggang senior high pero may isang litrato akong pinakatitigan.
"Pre! Ano ba?! Tara na" Sinundan ko sila papasok sa kwarto ni Francis. Agad kong ibinaba ang dala kong gitara at humiga sa kama niya. Nagdaldalan lang silang tatlo at mabuti naman hindi nila ako pinakialaman sa pagtitig sa kisame habang patuloy pa ding iniisip si Rachelle—ex ko. Kasalanan ko naman kung bakit kami nagbreak kaya gusto ko man siyang balikan hindi ko magawa. I already left her, I chose to end our relationship and I'm not fan of comebacks. Napatingin ako kila Francis na nagdadaldalan pa din at parang hindi narinig ang kalabog ng mga kaserola at kawali.
"KUYAAA!!! MAGLULUTO KA BA NG MERYENDA O KELANGAN PA KITANG SUNDUIN DYAN?!!!" Sigaw ng isang babae na dahilan ata ng pagkalabog. Napaka taray boses pa lang at tono ng pananalita niya.