"Nay, alis na po ako!" Paalam ko kay Nanay
"Teka lang anak, ito ang pagkain mo dinagdagan ko na iyan para doon sa kaibigan mo." Pahabol sakin ni Nanay.
Nagpaalam na ako't umalis ng bahay.
Si Nanay na di ko naman talaga tunay na ina.
Sanggol palang daw ako noong iwan ako ng tunay kong ina sa anak ni Nanay. Yung anak naman ni Nanay ay namatay dahil sa isang aksidente kaya si Nanay na ang nagpalaki sakin. Ang kwento naman nung anak ni Nanay sa kaniya ay yung tunay ko raw na ina ang may gustong mawala ako dahil sa galit sa aking ama. Gusto daw niya akong iwan sa isang simbahan noon ngunit nagprisinta si Mama Glenda (Anak ni Nanay) na siya nalang ang bubuhay sakin. Hinanap daw ako ng tunay kong ama noon ngunit ayaw daw akong ibigay ni mama kaya hindi siya nagpakita dahil isa din siya sa hinanap ng Ama ko noon.
Namatay si Mama nung 2 years na ako, ibibigay na daw sana niya ako sa Ama ko pero naaksidente siya at binawian ng buhay.
Hindi naman din matandaan ni Nanay kung anong buong pangalan ng Ama ko. Ang alam daw niya ay Arthur ngunit di na nito matandaan ang apilyedo.
Sa dinami-dami ba naman ng Arthur sa mundo hindi ko agad malalaman kung sino kanila ang Ama ko.
Gusto ko siyang makita dahil hinanap niya ako noon. Hindi tulad ng akong ina na basta basta nalang akong iiwanan sa simbahan.
Paano iyon nagagawa ng isang ina?
Iwanan ang anak niya na wala pang kamuwang-muwang.
Wala naman akong mahanap na paraan para makita ko ang akong Ama. Mahirap lang din naman kami.
Kung ang aking ama ay gusto kong makita, kabaligtaran naman sa aking ina.
Galit ang nararamdaman ko sa kaniya.
Pasalamat nalang ako at andyan si Mama Glen. Nagpakaina sakin ng dalawang taon at si Nanay na ngayon ay inaalagaan pa rin ako.
Papasok na ako ng School nang may yumakap sakin mula sa likuran ko.
"Good morning besfren!" Bati sakin ni Ceneth.
Si Ceneth ang matalik kong kaibigan. Simula noong nag-highschool kami ay dikit kami nian.
May moment nga dati nong 2nd year kami bumaba ang section ko. Napunta ako sa pangalawang seksyon samantalang siya naman ay nasa una. Walang alinlangan nagpalipat siya kahit na bumaba ang seksyon niya dahil ayaw niya daw ako malayo. Kaya ang ending ako ang inilipat sa seksyon niya.
Mayaman si Ceneth pero hindi siya yung tipong lalaitin ka ng dahil sa suot mo, ng dahil sa mahirap ka.
Pantay lang ang tingin niya sa mga tao , mahirap man oh mayaman.
Di ko rin maitatangging sikat ang apilyedo nila.
SANTILLAN.
Kilala ang pangalan nila dahil sa pagkakaroon ng mga malalaki at matatagumpay kompanya.
Sabi nga ng iba ay napakaswerte ko dahil may kaibigan akong Santillan.
Ewan ko ba rito kay Ceneth bat ako yung nilapitan e ang dami namang kalevel niya ang gustong makipagkaibigan sa kaniya pero lagi niyang tinatanggihan dahil ako lang daw ay sapat na.
"Aanhin mo ang maraming friends kung fake naman." Yan lagi ang sinasabi niya tuwing may lalapit sa kaniya na makikipagkaibigan.
"May ipapakilala daw satin ni Jared mamaya, pinsan daw niya na magtatransfer dito."
Apat kaming magkakaibigan sa
School na to.
Si Jared, Jace, Ceneth at Ako. Lahat sila mayayaman ako lang talaga yung mahirap pero sabi nga ni Jared, mahirap o mayaman walang iwanan. Ang korni diba.
YOU ARE READING
Destined to be Yours
Roman pour AdolescentsSANTILLAN SERIES #1 She grew up as Cassandra Reyes but eventually became Cassandra Santillan, Read her Story! Started : September 2020 O N - G O I N G !