Chapter 13:A Story Behind a Story

8 1 0
                                    

"Shuta! Anong oras na? Mag-uumpisa na yung Balagtasan!" Natatarantang wika ni Shella.

"Palobohin niyo 'yang mga lobo! At gagawa naman kami ni Shella ng Banner!" Utos ni Erynn.

"Tehhh! Ano ba maganda isulat? 'Go! Francisco Amadeo!' Or 'Sweep him away, Amadeo!' Or 'Fighting! Francisco Amadeo! Bugahan mo siya ng apoy!' Or 'Francisco Amadeo para sa kasarinlan ng bansa!' Pili ka na!"

"Yung 'Francisco Amadeo para sa kasarinlan ng bansa!' nalang!"

"Okayyy!"

"Hoy! Tapos na ba kayo?" Tanong ni Gideon.

"Wait! Lalagyan ko lang ng design.....malapit na....okay! Tapos na!"

"Tapos na ba kayo?" Tanong ni Shella.

"Oo! Eto yung mga lobo niyo! Ilagay niyo na rin sa ulo niyo 'tong dalawa!"

"Ang bilis niyo naman?" Tanong ni Erynn.

"Gumamit kasi kami ng pambomba." Sagot ni Nathan.

"Tara na! Punta na tayo sa gym!"

Naglakad na sila papunta sa AVR kung saan gaganapin yung Balagtasan.

Pagkapasok nila ay tumambad sa kanila ang mga estudyante na nakaupo sa mga upuan.

"Erynn! Tara! Doon tayo sa malapit!" Pag-asya ni Shella at hinila papunta sa mga upuan si Erynn.

Pagkarating nila ay agad silang pumwesto at inayos yung mga lobo at banner.

5 minutes later

"Magandang umaga, mga mag-aaral!" Bati Sir. Jimenez na emcee ng Balagtasan. "Magsisimula na ang Balagtasan 2018!"

Pagkatapos magsalita ni Sir.Jimenez ay naghiyawan ang mga estudyante.

Pumasok na yung dalawang maglalaban sa Balagtasan at yung lakan.

"WOOOOO! ANG POGI MO AMADEO! I LOVE YOU! WOOOOO!" Pagchicheer nila Shella at Erynn habang nakatayo at hawak-hawak yung banner.

Tiningnan nang masama ni France sila Shella pero ngumiti lang sila at nagheart sign.

"Maganda umaga sa inyong lahat! Ako nga pala ang inyong lakan, Joshua P. Muñoz! Sa aking kaliwa ay si ginoong Cholo Z. Sanchez na tutol sa Pagtatalaga ng baybayin bilang pambansang titik at sa kanan ko naman ah si ginoong Francisco Amadeo A. Morales III na sumasangayon sa Pagtatalaga ng baybayin bilang pambansang titik!" Pagpapakilala niya. "Simulan na natin ang Balagtasan! Si Ginoong Francisco ang mauuna."

"WOOOOOOOOO! SWEEP HIM AWAY! PARA SA KASARINLAN NG BANSA!" Pagchicheer nila Erynn.

"Ako'y isa din sa mga nababahala, sa wika't kulturang nawawala na. Ngunit papaano ang mga hindi makakaya? Grupo ng piling titik na mahirap maalala."

"Papaano ang mga walang kwarta?Hihirangin ba silang tanga?Dito sa bayang puno ng panghuhusga,nais mong pagbabago ay nakasalalay sa kanila." Pagsisimula ni Cholo.

"Bagama't mahirap ngayon,bakit hindi tayo umasa sa paglipat ng panahon?Walang bagay na gagana,kung hindi ka magsisimula.

Wikang sa ating ninuno nagsimula,hahayaan na lang ba nating nakabaon sa ilalim ng lupa? Ngayong tayo na'y malaya,bakit hindi natin ibalik ang nabaong kultura?" sagot ni France.

"Isang pagbabago sa nakasanayanay mahirap masimulan.Ang katutubong baybaying titik papaanong ating maibabalik?"

"Baybayin, kurdita, hanunu'o at Buhid.Mga katutubong titik na nakararami'y hindi batid.Sa pagkalas natin ng gapos ng mga banyaga, atin nang tigilan ang sa kanila'y pagsamba.

Hallway's SymphonyWhere stories live. Discover now