Chapter 8: Meet the Supreme Royal Council

57 5 5
                                    

Chapter 8

RUBY

Alam mo yung feeling na gustong-gusto mo nang sermonan ang kapatid mo pero takot kang mabara? Yung gustong-gusto mo na siyang sumbatan pero lagi siyang may pabaon na sumbat rin?

"Onyx Black! Nakikinig ka ba?!" halos lumindol na dito sa buong clinic dahil sa nakakatakot na sigaw ni Sapphire.

"No"

Anak ka ng nanay at tatay mo! Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang pagiging ever so honest ni Onyx o hindi dahil feeling ko yan ang magiging sanhi ng kamatayan naming magkakapatid.

"A-ah eh Saph chill ka lang–"

"Shut your mouth," isang katakot-takot na sama ng tingin ang natanggap ko kaya tinikom ko na ang bibig ko.

'Sabi ko nga shatap na ako huhu'

Ba't ba kasi wala dito yung tatlo? Hmp. Kami lang ni Sapphire ang naiwan sa clinic para magbantay kay Onyx dahil nasa dining hall na yung tatlo para maglunch. Alangan namang kaming lahat dito eh magbantay para namang mamamatay na tong kapatid ko.

"You'll stay here in the clinic until you heal your wounds"

"Pano kung mamayang gabi pa to gumaling?"

"Then you're gonna stay here until night"

"Pano kung isang linggo pa bago to gumaling?"

"Then you'll stay here for a week"

"Pano kung hindi na to gagaling?"

Ayan na naman ang masamang tingin ni Sapphire. "Then you'll stay here forever. That's your fault."

"Pano–"

"Stop asking questions! When did you start talking too much?!"

Oo nga! Ba't biglang naging madaldal na tong si Onyx? Hala!

"Di kaya nabagok yung ulo niya?" nanlalaki ang mga matang tanong ko kaya isang batok ang natanggap ko kay Sapphire.

Aray ha! Mas masakit pa ata tung batok niya sa akin kaysa sa suntok nung Thunder kay Onyx.

"Ruby Red, I told you to shut your mouth"

"Eh kasi baka lang naman di ba?"

"Stop spitting nonsense–"

"Pero pano kung gusto ko ng milk?" inosenteng tanong ng kapatid namin na siyang nagpatigil sa amin ni Sapphire sa pagbabangayan.

Shit! This is bad! Ginagamit na naman niya ang 'weakness' namin pota!

"Look at her," utos ni Sapphire na katulad kong nakatingin sa ibang direksyon.

"Ayoko! Ba't di ikaw ang gumawa ikaw naman ang nakaisip?"

"Ruby, I told you to look at her"

"Ikaw tong taong yelo kaya hindi ka tatablan niyan!"

"Damn ayoko. Magkasing tigas kayo ng ulo kaya mas hindi ka tatablan"

Wow siya na nga tong nang-uutos siya pa ang nang-iinsulto?

Wala na akong nagawa kundi ang lingunin ang kapatid ko. Tinigasan ko talaga ang ekspresyon ng mukha ko. Hindi na baleng magmukha akong natatae basta wag lang matibag ang damdamin ko.

Ang kapatid ko naman ay inosenteng nakatingin lang sa akin habang nakaupo sa hospital bed.

"Pano nga pag gusto ko ng milk?" inosente pa ring tanong nito kaya ang kaning matigas na mukha ko ay tuluyan ng lumambot.

Prima RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon