Chapter 49- The Cold reality

722 55 5
                                    

CHAPTER 49

Hawak ni Shaira ang engagement ring nila ni Kean at hanggang ngayon na hindi pa siya nakakalabas ng ospital. Naging mas seryoso ang kondisyon niya kumpara sa hika nito noon. Mas lalong tumaas ang risk niya sa cardiovascular disease o pwedeng maging heart attack.

"Ma, huwag mo na akong ipagamot. Okay lang naman ko, napagod lang talaga ako”

"Magtigil ka nga! Maawa ka sa anak mo!” 

“Kasalanan ko ito, ang tanga-tanga ko. Hinayaan ko siyang umalis. Ang sinabi ni Xyrus sa akin, nakaalis na sila papuntang America. Mama ayokong lumayo si Kean. Inuna ko ang pride at galit, tignan mo ako ngayon.”

“Tumigil ka kakaiyak! Paano ka bubuti! “

"Ilang araw na akong nandito. Baka pumunta ang mama ni Kean at kunin na si Kasper. Hindi naman po ako papayag."

"Nakausap ko na si Dorothea, hindi ka lang niya maharap ngayon. Wala naman daw siyang balak sundin ang anak niyang si Kean

"Ang Papa ni Kean, ayaw po talaga sa akin no’n."

"Alam ko 'yon anak, sinabi lahat ni Dorothea. Mag pagaling ka Shaira at may regalo ako sa'yo." 

"Ano po."

"Basta mag pagaling ka! Napaka tigas ng ulo mo. Para kayong sira ulo ni Kean! Hindi na kayo nag bago, padalos-dalos kayo palagi!”

 Ilang sandali dumating si Arthur, Cynthia at Samantha. 

"Sanib pwersa kaming mga demonyo mong kaibigan.,” aniya ni Sam.

"Gaga ka, buti hindi nasira ang magandang mukha ni Arthur sa suntok ni Kean!" aniya ni Cynthia.

"Nako, aawayin na nga ni Jerick ang asawa mong obsessed sa’yo!"  sambit ni Arthur.

 "Wala na bang pag asa?" biglang tanong ni Sam. 

“Wala na, iniwan na niya ako. Ni hindi konga nasabi na bakla si Arthur," aniya ni Shaira. 

"What?!"

Nagulantang ang lahat nang dumating si Xyrus at mabilis na lumapit kay Shaira.

"Anong bakla? Si Arthur?! Pinagloloko niyo ba kami lalo na si Kean?!” 

“Paano ko sasabihin sa kanya kung ayaw niyang making sa akin.”

“Paano, pareho kayong ma-pride. Hindi niyo pinapakinggan ang isa’t isa. Dapat malaman ito ni Kean!” dinampot ni Xyrus ang kanyang cellphone.

“Teka!  May plane ticket na si Shaira.” Pagsingit ni Lizel.

“Halika na pala! Ano ba naman kayong dalawa ni Kean. Ang gulo ng buhay niyo!” suway ni Xyrus at nangamot ng ulo.

“Hindi ako pwedeng bumyahe hanggat hindi bumubuti ang pakiramdam ko.”

“Fine, ako na ang gagawa ng paraan,” giit ni Arthur at lumabas.

Hawak ni Xyrus ang cellphone at tina    wagan si Kean. Kinakabahan siya sa magiging sagot nito dahil ilang araw pa lang si Kean at Katrina sa ibang bansa.

“What? Madaling araw na, Xyrus,” asar na sagot ni Kean.

“Umuwi ka sa Pilipinas ngayon! Kahit ako na ang magbayad ng ticket niyo ni Katrina!”

“No.”

“Gago!  Bumalik ka rito kung gusto mo pang maabutan ng buhay si Shaira!” 

“What? Anong nangyari?”

“She’s in the hospital now. This is not a joke, Kean. Hindi ka niya mapuntahan, may plane ticket siya papunta sa’yo. Pero kinakailangan niyang magpahinga.”

Ilang segundong naghintay ng sagot si Xyrus ngunit hindi sumagot si Kean.

“Hello? Gago talaga at binabaan ako!” bulalas niya.

Sa pagbalik ni Xyrus, inaabangan ng lahat ang sagot niya. Nagkibit balikat lamang ang lalaki at yumuko.  Pilit na ngumiti si Shaira at pinigilan na maluha sa harap ng ina pati na sa kanyang mga kaibigan.

“Huwag niyo na siyang pilitin. Hindi lang ako ang nasaktan dito. Sinaktan ko rin siya, kailangan din nia ito.”

Kusot-kusto ni Katrina ang mga mata habang nakatingin sa kanyang ama.

“Where are we going, papa?”

“Philippines, Mama Shaira is sick.”

“What? Bakit po siya may sakit? Let’s go pa! I miss mama!” aniya ng bata at tumakboo papunta sa kanyang maleta.

Napangiti si Kean at ngayon lang niya ulit nakita na ngumiti si Katrina.

“Susubukan ko, gagawin ko ang lahat para magbalikan at mabuo tayo. Kapag hindi pa ito tumalab, pupunta na ako sa ibang planeta.”

    Makalipas ang isang araw, inip na inip at gusto na niyang lumabas ng ospital. Ngayon na siya lang ang naiwan, kahit pag bawalan pa siyang lumabas. Walang nakapigil kay Shaira at nilibot ang ospital upang libangin ang sarili sa paglalakad.                             “Kean?” hinabol ni Shaira ang lalaking nakatalikod na medyo malayo sa kanya.                        “Siya ito, hindi ako nagkakamali!”                 Nang maabutan ito ni Shaira, kumirot ang puso niya dahil hindi ito ang kanyang nobyo. Yumuko na lamang siya at umupo sa isang tabi.                         “Hindi na talaga siya babalik.”


WHY DO BIRDS SUDDENLY APPEARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon