I seriously don't know what to do anymore, I'm bored to death. Sa sobrang boredom na nararamdaman ay hindi ko maiwasang mag imagine ng kung ano anong scenario, what if I was like this, those and that.
Ganito ba ang pakiramdam ng hindi pa nagkakaroon ng jowa? Though nagkaroon naman talaga ako, sa text and social media nga lang. Kahit na ganoon ay gusto ko pa ring maranasan ang magkaroon ng boyfriend sa totoong buhay, iyong nahahawakan at nakikita ko. Kaya I still consider myself as nbsb since hindi naman seryosohan ang mga naging karelasyon ko sa social media.
I tried, may iilang inireto sa akin ang kaibigan ko pero in the end wala, ba naman kasi mag rereto iyong mas bata pa sa akin.
I sighed as I typed something in my phone, ito na lang siguro ang pagkaka abalahan ko habang buhay, ang pag seselpon.
“You from?” nanliit ang mata ko dahil sa tanong ng kausap.
Sa sobrang bored at hindi na malaman ang gagawin ay sinubukan ko na gamitin ang dating app na sinabi ng isa pa sa kaibigan ko. She's kinda expert with this kind of thing, napaka jolly niya at madali siyang pakisamahan kaya sabi niya ay marami raw siyang nakilala sa dating app na 'to, same University kung saan siya nag aaral.
Mixed thrill and curiosity kaya sinubukan, and here I am, been chatting with random guys at doon ko lang narealize ang sinabi sa akin ng kaibigan kong iyon.
“Just have fun. Kung fun kausap, edi go. Kung manyak unmatch agad, and gawa ka ng tg para roon na lang kayo mag usap kung ayaw mong malaman niya ang socmed accounts mo” that's what she said.
Kaya ang laman ng phone ay ang mga apps na binanggit niya sa akin. Bumble and TG. It's fun tho, huwag lang itatanong ang about sa social media accounts ko.
Hindi ganoong kataas ang confidence sa katawan ko, noong unang mangyari na may humingi ng pangalan ko sa facebook para roon na lang daw kami mag usap, after giving him my name ay bigla na lamang siyang nag unmatch. Nag hintay ng friend request or message request man lang pero wala, bakit? Na disappoint ba siya sa hitsura ko? After that incident ay hindi na ako umilit pa.
“From your heart” ngumisi ako sa sariling biro.
Seriously, Lucky? Hanggang ngayon ay ganoon pa rin ang mga banat ko sa mga nakakausap.
And after talking for 5 mins or more ay bigla na lamang siyang nag unmatch. Ano pa ba ang ini-expect ko? Kahit sino yatang makausap ko rito ay mabobored sa way ng pakikipag usap ko, walang ka sense sense ang pinagsasabi ko, mostly pa naman ng naririto ay ang purpose is to find someone they can talk to, I am too pero hindi ko talaga talent ang makipag usap sa bagong kakilala.
I turned off my phone, muling tumulala sa kawalan.
Nag simula na namang mag layag ang isipan, imagining myself na gwapong jowa at kinaiinggitan ako ng lahat.
Nangingiti sa iniisip ay hindi ko namalayang tuluyan akong nakatulog. Nagising lamang ng may ingay akong marinig, maliiy at matinis na boses, that's my cousin.
Ayaw mang maputol ang panaginip ay bumangon ako't nag inat. Iginila ko ang aking paningin hanggang sa makita ko ang dalawang bata na nag aaway sa labas.
Tamad ko silang nilapitan para awayin. Damn, kids!
“Jay, stop that” awat ko sa pinsang lalaki.
Agad kong inilayo ang lalaking hawak hawak niya ang buhok. Jay glared at me kaya ganoon din ang ginawa ko sakanya, ang batang ito ay manang mana sa nakatatanda niyang kapatid, parehas masama ang ugali.