Kabata 32

181 7 1
                                    

Tony Pov

Simula pagkarating namin rito sa Masbate, parang may nagbago,nawala ang closeness naming dalawa,badtrip

Lagi ko siyang nakikitang nakatingin sa lalaking yun,ano bang meron sa kanya ,mas gwapo naman ako.

Kailan niya nga ba ko binigyang pansin? Tsssssk tsssk stupid simula pa dati pinaparamdam ko naman sa kanya na gusto ko siya,pero hanggang ngayon, bestfriend pa rin ang tingin niya sakin,samantalang yung lalaking yun!!! Nakekeepal ,banatan ko kaya ng matigil sa pagpapacute sa Prinsesa ko.

Andito kami sa Catandayagan falls,hinintay ko ang pagkakataong ito para makasama siya dahil miss na miss ko na siya ilang araw ko rin siyang di pinansin noh pero parang hindi niya napansin yun,ang saya saya niya, at balewala lang sa kanya ang pag aatitude ko, napagdesisyunan ko ng lumapit sa kanya,dahil ako yata ang matatalo hindi ko kayang wala ako sa tabi niya.

Niyaya ko siyang lumangoy,pero ayaw niya,nagpresinta akong samahan siya,pero tumanggi ito,sa unang pagkakataon tinanggihan niya ako .Bakit?bakit anong meron?pinagsawalang bahala ko na lang ang mga kakaibang napapansin ko sa kanya, alam ko ako lang ang masasaktan.mapait na ngiti ang pinakawalan ko bago ako nagtungo sa kinaroonan ni Loisa.pinilit kong maging masaya sa araw na ito,inalis ko ang mga bagay na magpapagulo sa utak ko.

Sa hindi kalayuan ay tinatanaw ko siya, sinisigurado kung ok lang ba siya. Then suddenly someone came out,nakita ko kung paano nagningning ang mata ng Prinsesa ko dahil sa kanya.tumingala ako sa langit upang tumigil ang pagpatak ng  aking luha.

Hoy anong ginagawa mo?naaaning ka ba ha? Tanong sakin ni loisa na naguguluhan.

Sinamaan ko lang siya ng tingin,dahil ayokong makipagtalo ngayon

Ang Sungit mo rin noh..kaya ka di magustuhan ni Kisses dahil diyan sa ugali mo ,wake up

Nagpantig ang tenga ko sa aking narinig,yeah she's right hindi niya ko magugustuhan,kahit anong ipakita ko pa sa kanya,dahil I know her heart belong to someone.

Hindi ko na siya pinansin at umahon na, pupuntahan ko ang kinaroonan ni Kisses,gusto kong makita kung gaano siya kasaya sa piling ng taong iniibig niya.

Nilakasan ko ang aking loob ,bawat hakbang ko parang napakabigat,parang di ko yata kakayanin. Then I saw her kasama ang lalaking yun,bakit sila magkasama? Bakit siya?anong meron?

Hey Kisses, kanina pa kita hinahanap Tara na nga dito mawala ka pa ,bilis saad ko kung sino sino yang kasama mo , sinamaan ko ng tingin ang lalaking yun,Sino ba siya sa akala niya

Can you two please leave ? Hinawakan ng lalaking yun ang kamay ng Prinsesa ko,anong nangyayari?akala ko ba hihintayin niya si Dondon?
And you tssnggo hindi ako kung sino sino,ako lang naman ang boyfriend ngisi pa nito

Naguulit ulit ang salitang boyfriend sa tenga ko,dammit bakit siya pa?kakakilala mo lang sa kanya , samantalang ako ang tagal na nating magkasama.hindi ko alam Kung ano ang iaasta  ko halo halo ang emosyong nararamdaman ko.

Narinig kong nagpalam si kisses sa labing yun,at nagtungo siya sa kinaroonan ko.hindi ako makapagsalita ,hindi ko alam Kung paano ako magrereact.nauna siyang naglakad at nakatungo akong sumunod sa kanya kunti na lang may papatak ng luha sa mata ko,Ang sakit pala,sobrang sakit wala pa man siyang sinasabi,pero nasasaktan na ako.

Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan niya ako,binabasa niya ang mga kilos at ekspresyon ng mukha ko,siguro ngayon alam muna,sa unang pagkakataon nakita ko kung paano mo ako,mabigyan man lang ng kahit kunting pansin, nginitian ko siya,at bigla na lang pumatak ang mga luha kong kanina ko pa gustong itago sa kanya.Kitang kita ko sa kanyang mukha na naguguluhan siya,hindi siya makapagsalita.

I'm sorry ,siguro ngayon gulong gulo ka sa mga inaasta ko, pinahiran ko ang aking luha at ngumiti muli,siguro iniisip mo ang bading ko,Wala e di ko na mapigilan,kasabay ng pagpatak ng luha ko ang sakit na nadarama ko.Sorry dahil nagustuhan kita ,Sorry dahil ngayon ginugulo kita,I know na may Mahal ka na dati pa,pero di pa rin ako sumuko kasi sabi ko baka pwede ,baka mabaling mo yung atensyon mo sakin, That's why  I'm always here,waiting pero bakit?diba kakakilala mo pa lang sa lalaking yun?

Umiiyak na rin siya,naaawa na ata siya sa ginagawa ko.

I'm sorry , hagulgol niya,hindi ko sinasadya,sorry kung di kita nakita,sorry kasi di ko kayang ibigay yung pagmamahal na kaya mong ibigay sakin,sorry kasi nasasaktan kita ng hindi ko alam.At yung lalaking kasama ko kanina si Dondon yun,ang lalaking bubuo sakin.

Para akong sinaksak ng maraming beses,hindi ko na kaya,sobrang sakit pala ng katotohanan.tumalikod ako sa kanya dahil kunti na lang bibigay na ako at ayokong makita niya yun sinimulan ko ng mag-lakad

Hey Ton ton please Don't leave me,wag namang ganito,hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko , Bestfriend tayo diba? Bat mo ko tinatalikuran ha!!!

Huminto ako sa paglalakad at ngumisi,,tssssk ang sakim talaga ng babaeng to

Hindi ba pwedeng mag emote ? Bigyan mo muna ako ng oras para makapagisip,at wag ka masyadong mag maganda,mawawala rin tong mararamdaman ko sayo.and for now please,kahit ngayon lang,don't worry kahit binusted mo ko di pa rin kita iiwan , Bestfriend nga tayo diba ?

Hinarap ko siya at ngumiti,kumaway pa ako bago pinagpatuloy ang paglalakad.

Sa ngayon sarili ko muna,alam kong makakalimutan rin kita,kung di tayo para sa isa't isa,masaya akong Makita kang masaya,dahil ganon kita kagusto,alam kong Hindi ako ang taong nakatadhana sayo,pero kahit hindi ako,hindi ako mawawala sa tabi mo.

Nauna na akong bumalik sa hotel, I packed all my things ,mauuna na akong uuwi ng maynila,I texted Loisa na sabihin na nauna na ako dahil may importante pa akong gagawin.

Gusto ko lang bigyan ng oras ang sarili ko, sa ngayon aalis na muna ako paalam na muna Kisses alam kong masaya ka.

Nilibot ko ang tingin sa aking kinaroroonan at mapait na ngumiti.

Ang gandang lugar mo Masbate,pero dito pala sa lugar na ito  pansamantala akong mawawasak.

THE PROMISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon