Chapter 28

763 27 0
                                    


SLAP ME, YOU'RE MINE

Chapter 28: Officially Yours



SAFAIA PRIMROSE

"Girl, sigurado kang dito ka lang?" nag-aalalang saad ni Elisa. Tumango-tango naman ako tsaka itinuon ang atensyon sa librong hawak ko. Marahas naman siyang napabuntong hininga bago ko narinig ang unti-unting paglayo ng mga yabag niya at ang pagsara ng pinto.

Dahan-dahan ko namang ibinaba ang librong binabasa ko bago dumukdok sa mesa at ipinahinga ang ulo ko sa aking braso. Tahimik lang ako habang nakatungo ng marinig kong lumangitngit ang upuan sa tabi ko.

Hindi ko na sana papansin pero agad ding nangunot ang noo ko. Bigla na lang kasing may humawi ng kaunting hibla ng buhok ko. Dahan-dahan ko namang nilingon ang nasa gilid ko. Nagsalubong pa ang kilay ko ng bumungad sa 'kin si South na nakangiti. Kinindatan niya pa ako na parang wala siyang nagawang kasalanan.

Iniwas ko na lang ang tingin ko tsaka mabilis na nagligpit ng mga gamit.

"Teka, bakit ka nagliligpit? Aalis ka na agad?" kunot-noong tanong niya. Nagtaas naman ako ng kilay.

"Pakialam mo?" mataray na saad ko. Mas lalo namang nangunot ang noo niya.

"Sandali nga, meron ka ba ngayon? Ang sungit mo eh." Napairap naman ako.

"Psh! Bakit ka ba kasi nandito? Hindi ka na ba kailangan ni Abigail kaya ako naman ang kinukulit mo?" inis na sabi ko. Saglit naman siyang napatitig sa 'kin na para bang sinusuri ang bawat kilos ko. Nangunot pa ang noo ko ng bigla niya akong nginitian ng nakakaloko.

"Nagseselos ka ba?" nakangising saad niya na may kasamang pang pagtaas-baba ng kilay niya. Agad naman akong nagpeke ng tawa.

"Wow! Ang kapal! At bakit naman ako magseselos sa mukhang kuto na 'yon?" iritableng sambit ko pero mas lalo lang siyang napangiti at pinisil-pisil ang pisngi ko.

"Ang cute-cute mo talaga kapag nagseselos," tuwang-tuwang sabi niya. Sinamaan ko na lang siya ng tingin habang pilit na tinatanggal ang kamay niya.

"Ano ba! Bitaw nga!" pikon na sigaw ko. Umiling-iling naman siya at mas lalong pinirat ang pisngi ko tsaka binilog-bilog.

"Alam mo? Ikaw pa lang 'yong babaeng nakita kong maganda magselos," pambobola niya pa. Napairap naman ako at inis na kinagat ang kamay niya dahilan para mapabitaw siya.

"Aray ko! Ganyan mo ba mamiss ang isang tao? Sinasaktan mo?" madramang saad niya habang iniihipan ang parteng napuruhan. Tinitigan ko naman siya sa mata tsaka ngumiti ng nakakaloko.

"At sinong nagsabi sa 'yong namiss kita?" nakairap na sabi ko. Hindi ko siya miss dahil miss na miss ko na siya. Pero dahil galit pa rin ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.

"Aminin mo na kasi. Huwag ka ng magsinugaling. Namiss mo 'ko di 'ba?" pangungulit niya pa pero tinalikuran ko lang siya.

"Sinabi ng hindi eh! Bumalik ka na nga lang do'n sa Abigail mo, baka hinahanap ka na no'n," magkasalubong ang kilay na usal ko ngunit agad din natigilan nang marinig ko ang malamyos niyang tawa. Inis naman akong umikot paharap.

"Hoy! Huwag ka ngang maingay. Nasa library kaya tayo!" suway ko. Isinukbit ko na lang din ang bag ko. Tatayo na sana ako nang bigla niyang higitin ang braso ko dahilan para mapaupo ako at mapasubsob sa matipuno niyang dibdib.

"Iyan ba ang hindi miss?" Rinig kong asar ni South. Nang marealize ko ang sinabi niya ay agad akong dumistansya. Pakiramdam ko pa ay mapapaso ako sa sobrang init ng pisngi ko. Inayos ko na lang din ang nagulo kong buhok.

SLAP ME, YOU'RE MINE [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon