"Minsan may mga bagay tayong nakakalimutan, at sa dulo na natin iyon napagtatantuan."
Kaninang alas-sais pa ng umaga ako naghihintay ng masasakyan dito, kaso ni isa wala pa. Nakakainis gusto ko na ngang mapamura eh. May balita pa naman ngayong uulan ng malakas, wala pa naman akong dalang payong.
(Taena ano toh?! Magpapaulan ako tapos paguwi ko sa bahay sasabihin ko nagswimming ako,?! My gosh)
Sabi ko sa isip ko. Pero imbes na magpatalo sa stress, minabuti ko na lang mag-cellphone para may update din sa palagid diba.
Mga ilang minuto palang ako tumitingin sa Facebook ng mga pictures ng biglang may mag busina.*BEEP*BEEP
Parang gusto ko ng tumalon sa sobrang saya, dahil andito na ang hinihintay ko. ANG JEEP!
Tinignan ko ang loob Ng Jeep kung may mauupuan pa ba ako. Ngunit wala akong nakita.(So ano toh sa gulong ako uupo?!)
Sabi ko nanaman sa isip ko. Pano ba naman kasi pabusina-busina pa eh wala nanaman palang space. Tche!
"Miss dito ka na lang umupo sa harapan."
Sabi sa akin ng driver sa harapan. At mga besh, infairness to all fair ang gwapo Ng boses.Matignan nga kung gwapo rin ang mukha.
Pagkaupo ko sa harapan, ay napansin kong nakangiti sa akin si Manong driver. At OMGG.... Ang gwapo mga besh!
Sinimulan ng paandarin ng driver ang Jeep, at hindi ko mapigilang hindi mapatitig sa gwapo nyang mukha at maugat na mga kamay.(Lord kung ito po ang parusa nyo sa pagmamaldita ko kanina.... Ayos Lang po.)
Sabi ko sa isip ko.
Mga ilang oras din bago kami nakarating sa Sampaloc kung saan ako nakatira. Nagbaba pa kasi so manong driver ng mga sakay nya sa may bandang Sta. Mesa at Espana.
Pero sulit naman mga besh.Papara na sana ako ng biglang iniliko ng driver sa maling direksyon ang Jeep. Tumutulo na ang pawis ko at halos lalabas na ang puso ko sa sobrang kabog nito. Kaya matapang na akong nagsalita.
"Ma-manong, mali ho ata ang di-direksyon natin?"
Sabi ko sa kanya ng pautal-utal.
"Ha, anong mali? Hoy mia, may amnesia ka na ba? O maluwang na yang turnilyo sa ulo mo? Tanga, asawa mo ako!"
(AY OO NGA PALA! HEHE)
Si Patrick nga pala ito, ang asawa ko.
Nahihiyang tumigin ako sa kanya, habang sya bumubungis-ngis Ng todo.
BINABASA MO ANG
Jeepney (Short Stories)
Short StoryIsang Jeepney, na may lamang madaming kwento. © All right reserved Se'raphin. 2020