Chapter 36

78 4 0
                                    

"Can I talk to Zarius Walterson, miss?" Tanong ko sa isang receptionist sa building ng Moonstone. Actually, this place is really secured. Hindi ako makakapasok kung hindi ko kasama si Dash.

"Do you have an apointment ma'am?" Tanong nya, nakatuon pa nga ang atensyon nya sa telepono.

Tumingin ako kay Dash na tahimik lang sa gilid ko.

"W-wala ho..."

"Sorry maam, if you dont have an appointment to Sir Walterson it would take one week po and it depends po kung gaano ka importante ang sasabihin nyo sakanya." Bumagsak ang dalawa kong balikat sa sinabi nya, ano pa bang aasahan ko?

"Ah s-salamat..."

"You can log in po, para po in case matatawagan kita." Tumango nalang ako at nag sulat sa log in book. Kahit alam ko namang imposible.

Matamlay akong lumingon kay Dash nang matapos kong magsulat.

"Mukhang mahihirapan tayo..." mahina kong saad sakanya.

"Its okay, ayaw mo ba talagang ako ang kumausap sakanya?" Sinuggest nya na yan kanina pero tumanggi ako, dapat ako ang gumawa ng paraan para makausap sya.

"Hindi na..." umiling din ako, biglang napadako ang tingin ko sa sa may entrance, hindi ko maiwasan kumulo ang dugo ko. It was Kim, he's talking to the media nicely. Akala mo walang ginawang masama, how could he be Zarius' uncle kung ganyan ang ugali nya?

Hindi ko maiwasan na kumuyom ang kamao ko.

Bigla ay nag tama ang mga mata namin, nakita ko ang gulat sa mga mata nya nang sandaling masilayan nya ako. Malamig lang ang tingin ko sakanya, hindi dapat ako nagagalit dahil desisyon ko rin ang iwan ang pamangkin nya pero sa ginawa nya para maalis lang ako sa buhay ni Zar?

Wala syang kuwenta maging tito nila Zar, I wonder kung sakin lang nya ginawa iyon.

"What's the matter?" Napabaling ako sa tanong ni Dash.

"A-ah w-wala halika na..." mabigat ang balikat na inaya ko na syang umalis. Hindi pa naka takas sakin ang malamig na tingin sakin ni Kim. Na parang sinasabi anong karapatan kong pumunta dito.

Nang nasa parking lot na kami ay may bigla na lamang humila ng braso ko na marahas.

Ganoon na lang ako nagulat nang makita ko ang galit na galit na mukha ni Kim. Kahit si Dash ay nagulat

"Anong ginagawa mo dito?!" Pinilit kong alisin ang hawak nyo pero hindi ko magawa.

"A-ano ba, bitawan mo ako..." tingin ko ay babaon ang mga kuko nya. Tatanggalin ko na sana nang si Dash na ang kusang nag tanggal sa ginawa nya ay halos umatras pa nga si Kim.

"Ano ba, Kim!" Ani Dash. Galit na galit ang mukha nya, hindi ko na nga makilala ang Dash na kasama ko ngayon.

"Wow! You're with that bitch, Dion?!" Galit na galit na saad ni Kim. Hindi sya pinansin ni Dash at ako ang tiningnan. Biglang lumambot ang ekspresyon ng mukha nya at magaan na hinawakan ang braso ko na mamula mula ngayon.

"Ayos ka lang?" Nag aalala nyang tanong. Dahan dahan naman akong tumango.

"What the hell are you doing here, bitch?! Ano wala ka ng pera? Kay huhuthutan mo na naman ang pamangkin ko?!" Bigla akong napalingon kay Kim.

Anong sinasabi nya?

Sasagot na sana ako nang unahan ulit nya ako.

"Ang galing mo rin ano? Babalik ka para ano? Para sabihin na kay Zarius na may anak kayo? Kasi alam mong sikat na sya? What a gold digger bitch." Kumukuyom na ang kamao ko dahil sa mga kasinungalingan nya.

The Unchained Melody (Moonstone Series: 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon