Chapter I - Phantom

39 6 8
                                    

Phantom also means Apparition.

Disclaimer: This chapter contain some scenes that can trigger your mental health or emotions.

READ AT YOUR RISK. YOU HAVE BEEN WARNED!

"Tangina ka, Brie! Pokpok ka naman, e! Bakit ngayon ay nag-iinarte ka?! Akala mo naman ay birhen pa!"

Mas lalo kong isiniksik ang sarili ko sa isang sulok. Nanlilisik ang mata niya habang pinipigilan ang sariling saktan ako. Pinipilit niya akong gawin ang isang bagay na labag sa aking kalooban.

Hindi ako nakaiwas ng bigla niya akong sampalin at sinipa nang ilang beses. Hinawakan niya ang aking buhok saka marahas na hinila patungo sa gitna ng kama. Sinuntok niya ang aking sikmura, galit na galit siya sa akin dahil sa aking pagtanggi.

"Tama na! Nasasaktan ako, Kuya! Nay! Tulungan niyo 'ko!" Pagmamaka-awa ko habang namimilipit sa sakit. Iniiwasan ko ang kamao niyang tumatama sa aking katawan. Hindi niya ako pinakinggan, patuloy lang siya sa kanyang pananakit.

Hilam ng luha ang aking mata at pisngi. "Nay! Tulong!" Muli kong hiyaw. Biglang bumukas ang pinto ng aking silid, iniluwa ang nanay kong namumula sa galit. May hawak pa siyang sandok, mabilis na lumapit siya sa amin at hinampas ang balikat ng aking kapatid.

"Pwede bang tigilan mo ang babaeng 'yan?! Naririndi ako sa ingay! At ikaw!" Ibinaling niya ang tingin sa akin. "Pwede bang tumigil ka sa kakangawa! Para kang iniihaw na baboy! Nag-iinarte ka pa jan, alam kong gusto mo naman 'yan! Naku, mga batang ito! Nakaka-bwiset!"

Nagdadabog siyang lumabas sa aking silid. Si Kuya naman ay binitawan ako. "Pasalamat ka at pinigilan ako ni nanay. Umalis ka nga rito sa bahay! Naalibadbaran ako sa pagmumukha mo!"

Mabilis akong tumayo mula sa pagkakahiga at tumakbo sa labas ng silid. Dumeretso ako sa labas ng bahay, hindi ko inalintana ang mga tingin at bulungan ng aming kapitbahay. Batid kong may alam sila sa nangyayari ngunit wala manlang kahit na sino ang naglakas loob upang tulungan ako.

Takbo lang ako nang takbo, hanggang sa tumigil ang aking luha sa pagpatak. Umupo ako sa tabi ng daan. Hindi ko namalayang malayo na pala ang itinakbo ko. Hinawakan ko ang dulo ng suot kong tee-shirt saka ginawang pamunas sa natuyo kong luha.

"Kaya mo 'to, Brie. Konting pagsubok lang, malalampasan mo ang lahat ng ito," pagkukumbinsi ko sa aking sarili. Wala naman akong mapagsasabihan. Wala akong kaibigan, ang itinuturing kong pamilya ay walang pakialam sa akin.

Sa eskwelahan, halos lahat ng aking kaklase ay nilalayuan ako dahil nagmula ako sa mahirap na pamilya. Nakakuha ako ng full scholarship kaya naman nakapasok ako sa malaking universidad.

Ngunit imbes na makapag-aral nang matiwasay, naging tampulan ako ng tukso. Sinasaktan nila ako, nilalait at pinapamukha sa aking hindi ako nababagay sa ganoong klaseng lugar.

Sinubukan kong magsumbong ngunit binastos lang ako ng aking guro. Hinding-hindi maaalis sa isipan ko ang binitawan niyang salita. "Totoo naman ang sinabi ng mga kaklase mo. Para kang daga na nakapasok sa kulungan ng mga pusa, ipinahamak mo lang ang sarili mo."

Bumalik din sa isipan ko kung paano niya ako i-trato, sinabi niyang tutulungan niya ako kung papayag akong sumama sa kanya, balak niya akong gawin na kabit. Nang hindi ako pumayag ay pinagsabihan niya ako ng masasakit na salita.

Sa tuwing uuwi naman ako sa bahay, madadatnan ko ang aking Ina na nakikipag-sigawan sa kasamahan niya sa sugal. Ang kapatid ko'y nalulong sa bawal na gamot kaya gano'n niya ako i-trato. Mula pa nang bata ako ay wala nang amor ang nanay ko sa akin. Tinuturing niya akong malas sa kanyang buhay.

Dahil kung hindi niya raw ako pinagbuntis, baka nakasal na siya sa nobyo niyang Lebanese.

Sa madaling salita, hindi ko naranasang maging masaya. Miserable ang aking buhay, ngunit patuloy akong naniniwalang may pag-asa pa. Darating ang araw na suswertehin din ang aking buhay.

Tumayo ako at pinagpag ang suot kong jogging pants. Nailabas ko na ang aking sama ng loob. Nagpalinga-linga ako sa paligid, ngayon ko lamang napansing nasa ibang lugar ako. Hindi pamilyar sa akin ang daan, tumalikod ako upang tingnan ang daang tinahak ko ngunit hindi ko alam kung bakit tila umiikot ang aking paningin.

Marahas kong ipinilig ang aking ulo. Baka nahihilo ako sa sobrang pag-iyak, subali't gano'n pa rin.

"Ano ba ang lugar na ito?" bulong ko sa aking sarili. Kinagat ko ang aking daliri habang pinagmamasdan ang paligid. May abandonadong parke sa unahan, nagpasya akong doon pansamantalang umupo. Baka may dumaan na sasakyan kaya hihingi ako ng tulong para makabalik agad ako sa aming bahay.

Umupo ako sa bench saka sinuri ang kabuuan ng parke. Kinakalawang na ang mga swing, monkey bar, at ibang pwedeng paglaruan. Mapait akong napangiti, wala akong alaala sa lugar na ito dahil kahit kailan ay hindi kami dinala ni nanay. Ito ang unang pagkakataong naka-apak ako sa parke.

Naglaro sa aking imahe ang mga batang masayang naglalaro at naglalambitin sa monkey bar, mga pamilyang nagkakatuwaan kasama ang kanilang anak na naghahabulan sa paligid at ang mga mag-nobyong masayang nag-uusap sa swing.

Nakaka-inggit ang ganito. Hindi ko mapigilang huminga ng malalim upang maalis ang nakadagan na mabigat na bagay sa'king dibdib. Kahit sa aking imahinasyon ay hindi ko maiwasang malungkot.

Bakit kaya ako pinagkaitan ng pagkakataong sumaya?

"Anong ginagawa mo rito?" Literal akong napatalon sa gulat nang marinig ang boses ng isang lalaki sa aking likuran.

Mabilis akong pumihit upang magkaharap kaming dalawa. Tinitigan ko ang mukha ng estrangherong nasa aking harapan, kakaiba ang kulay ng kanyang mata. Mapula ang maninipis niyang labi at matangos ang kanyang ilong. Ang buhok niya'y may kahabaan pero bumagay naman sa hugis ng kanyang mukha.

"Anong ginagawa mo rito?" Pag-uulit niya sa kanyang tanong. Nahihiya akong ngumiti sa kanya.

"Naligaw kasi ako at hindi ko alam ang daan pabalik kaya naman nanatili ako rito, umaasang may darating para mahingian ng tulong," pagpapaliwanag ko sa lalaki, walang emosyon ang mga mata niyang nakatitig sa akin.

Kinagat kong muli ang aking daliri at umiwas ng tingin. "Maaari mo ba akong tulungang hanapin ang daan pabalik sa bayan?" Umaasang tanong ko, sana ay pumayag siya.

"May alam akong daan. Sumunod ka sa akin," sabi niya. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad.

Patungo kami sa gitna ng gubat, siguro ay nandito ang daan o baka naman shortcut. Napangiti ako, buti na lang at may tao pa palang handang tumulong.

PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon