"You're Welcome, Ma'am. Enjoy your food!" I smiled to the woman.
Kakatapos ko lang mamigay ng mga pagkain sa mga pasahero ng eroplano, nang may biglang humatak sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino 'yon at biglang bumilis ang tibok ng puso ko na para bang babagsak ang sinasakyan kong eroplano.
"Hija, kamusta? Dito ka pala nagtatrabaho. Nakaka-proud naman at nakita kitang nakasuot ng uniform ng Flight Attendant." Hindi ko alam ang isasagot ko dahil nakatingin lang ako sa kamay ko na hanggang ngayon ay hawak niya pa niya.
"Ayos lang naman po ako uh.. Tita" I smiled a bit kahit alam kong awkward ang mukha ko ngayon. "Sino po kasama mo at sa'n po punta ninyo?" I asked kahit nakita ko na kung sino kasama niya. Kinabahan pa naman ako, pero mali pala akala ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko siya nakita rito. Wait, wala ba talaga siya rito o I just didn't saw him earlier? Hindi ko naman kasi tinitignan 'yung mga hinahatiran ko ng pagkain. Kailangan ko pa ba silang tignan isa-isa!? Malay ko bang andito 'yung pamilya niya!
She laughed before answering my questions. Duh, ano makikipag kwentuhan ba siya sakin? I want to rest, since tapos naman na duty ko. Mahabang oras ang biyahe ngayon. I need to sleep, ilang araw na ring hindi maayos ang tulog ko dahil araw-araw ang flight ngayon.
"California nak, bakasyon daw. Kasama ko si uh Bren at.." Nanlaki mga mata ko ng marinig ko ang salitang 'at' mula sakanya. So may iba pa siyang kasama? Oh my! Ba't hindi ko nakikita? Tumawa si Kuya Bren ng makita ang reaction ko at siya na ang sumagot sa tanong ko kay Tita Elly. "Nako akala ko ba pag FA dapat malinaw ang mata?" Pagbibiro niya. "Billy! You're so quite, huh?" Lumingon siya sa bandang likuran niya at tinignan niya ang tinutukoy niyang kasama nila. May katabi siyang babae, girlfriend niya siguro. Nakasandal ang babae sa balikat ni Billy at nakatakip ang mukha niya sa buhok niya kaya hindi ko nakita.
What the hell! Ba't siya nandito? Alam ba niya na ditong airline ako nagtatrabaho? Oh right, he's avoiding me pala so ayaw niya rin na makita ako rito. "Oh, okay okay! Ahm, Tita Elly excuse me po I need to go back to my work na" I smiled at them but I didn't looked at Billy's direction.
I went to the restroom to see my face if I looked funny earlier. Hindi naman, namumula lang pisngi ko dahil siguro sa kaba. Bumalik na ulit ako sa pahingahan ng mga FA rito. Umupo ako sa kama at nag isip ng kung ano-ano
Bakit sa dinami dami ng kakilala ko, siya pa makikita ko? It's not a big deal anymore pero ang awkward! I want to sleep pero dahil sa nangyari kanina, hindi na ako makatulog. Naghintay na lang ako na mag announce na sila na malapit ng magland ang eroplano.
After 2 hours, naramdaman kong malapit na kami. I stood up to help some passengers to put their seatbelts. I went here to rest pero kung ano-ano lang pumasok sa isipan ko. I need to act normal. Well, it's normal naman talaga.
"Hey self, please don't act weird. It's nothing! Don't be affected by his presence." Bulong ko sa sarili ko habang inaayos ko ang make up ko.
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Novela JuvenilIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...