Chapter 1
"Merry Christmas, Elle! Gumising ka na dyan dahil kanina pa naghihintay sa'yo si Jeiden."
Nagising ako dahil narinig ko ang boses ni Mama at kasama niya si Jeiden. Ang aga niyang nanghihingi ng aguinaldo sa akin! She's the only daughter of my cousin. She's 4 years old pero kung makapag salita 'to kala mo ang tanda na e. Kapag umuuwi sila, siya lang ang lagi kong kasama dahil wala akong kapatid. Umuwi lang sila dito dahil pasko, pero babalik na sila sa Leyte sa January.
"Magmano ka muna kay Ninang, bago kita bigyan ng pera." Lumapit siya sakin at nagmano. Tinignan niya ako na para bang may hinihintay na ibigay ko. Nagpunta muna ako sa restroom para maghilamos bago ko ibigay ang pera niya. Hindi naman kalakihan ibibigay ko! Wala pa naman akong trabaho. I'm just a Grade 11 student, so kay mama pa rin nanggagaling ang mga perang binibigay ko sa mga inaanak ko.
As usual, dito lang kami sa bahay 'pag pasko. Hindi na kami pumupunta sa side ng Papa ko since my lola died 3years ago. Siya lang naman ang pinupuntahan namin doon. Nabanggit din saakin ni mama na never akong kumatok sa mga bahay para mamasko kahit nung bata pa ako. So sanay na ako sa ganito. Tumatanggap naman ako ng pera kahit nasa bahay lang ako.
Kinuha ko sa drawer ko 'yung sobre na para kay Jeiden. I gave it to her and sobrang saya ng mukha niya. I'm happy na na-appreciate naman niya 'yon. "Oh anong sasabihin mo sa akin?" Lumuhod ako para makita ko siya ng maayos. She hugged me tight. "Thank you, Ate" she whispered. 'Ate' ang tawag niya sa akin dahil ganon ang tinuro ng Mommy niya sakanya. I kissed her on her cheek at tumayo na ako. I need to take a bath kahit buong araw ay dito lang ako. Marami kasing pumupunta rito sa bahay. Dito lahat nila kinukuha ng mga bata 'yung mga pera nila from their Ninong in Florida. Kay Mama pinapamahala ang mga pera from Florida. Siya ang nag aabot ng pera sa mga batang inaanak ng mga Tito ko.
Tapos na ako maligo at nakita ko ang Tita ko sa living room. She's with my Mom and her grand daughter. She's the grandmother of Jeiden. Lumapit ako sa pwesto nila para magmano kay Tita Mel. Nagchichikahan sila ni Mama. Ano ba 'yan! Paskong pasko e chismis pa rin! "Umuwi pala 'yung panganay ni Ate Elly, huh? Balita ko pupunta sila sa Baguio at magpapa kasal na rin yata" rinig kong sabi ni Tita. "Oh, sino dun? Si Bren ba? Hindi ko alam kung siya ang panganay sa mga anak ni Ate Elly" hinintay ko muna sagot ni mama bago ako pumunta ng kwarto para mag ayos ng mukha ko.
I put a powder on my face and liptint on my lips naman. Hindi ako madalas mag make up dahil naging sensitive ang skin ko. Chismosa rin ako, e 'no? Malay ko ba kung sino 'yung Bren na 'yon. Kilala ko lang sa sinabi nila ay Si Tita Elly. She was the classmate of my Papa when they are in high school. She's also the greatest love of my Mom's brother, pero hindi niya nakatuluyan. Kapatid din ni Tita Elly 'yung sinasabi ni Mama na nanligaw sa kanya noon. Close 'yung family nila sa amin. Taga rito lang din kasi sila. Kilala ko rin 'yung isa niyang anak na si Billy. He's my cousin's friend and nakikita ko rin siya noong elementary ako. He's now Grade 12 kabatch siya ng pinsan ko. Balita ko mayabang 'yon.
I could say na ang lungkot ng pasko ko dahil natulog lang ako buong araw. Mag didilim na nung magising ako. After few hous, I'll sleep na naman. Marami namang pumunta dito. Halos mga bata nagigising ako dahil ang ingay nila!
I opened my phone para replyan ang mga bumati sa akin habang 'di pa ako tinatawag ni mama para maghain ng dinner. I also watched some facebook stories. Halos 'Merry Christmas' ang mga caption nila sa pictures nila. Sa kakaslide ko ng story, nakita ko 'yung mukha ni Tita Elly. Oh, so friend ko pala sa facebook si Billy. 'Billy Buenaventura Mendoza' tinignan ko 'yung family picture nila, lalaki lahat silang magkakapatid. 'Merry Christmas y'all! Insert our Dad.' That's the caption of his facebook story. Hindi na ako magtataka kung wala ang Papa nila. Maliit pa ako noon nung naririnig kong namatay ang asawa ni Tita Elly. I don't know the reason why he died.
"Adrielle! Maghain ka na." mabilis kong binitawan ang phone ko nang marinig ang tawag sa akin ni Mama. Naghain na ako ng dinner namin at nang matapos ako, tinawagan ko na sina Mama at Papa. Nagkukwentuhan sila habang kumakain. Hindi naman ako nakikisali at wala akong naiintindihan sa mga pinagsasabi nila. Hindi ko naman kilala 'yung mga sinasabi nila.
Tumayo na si Mama at sumunod na rin ako. Si Papa na lang ang natirang kumakain sa Dining Table. Hindi ko masyadong kaclose si Papa kaya hindi ako nag stay sa mesa. Kailangan ko ring tumayo para hindi lumaki tiyan ko. Natapos na si Papa kaya niligpit ko na ang mga pinag kainan namin at hinugasan ko ang mga plato. Nang matapos na akong magtrabaho sa kusina ay bumalik na ako sa kwarto.
"Matutulog na ako. Merry Christmas ulit, baby ko. Matulog ka na maya-maya, okay?" Hanggang ngayon katabi ko pa rin matulog si Mama. I'm her only child kaya siguro baby pa rin ang turing niya sakin. Besides, natatakot din akong matulog ng mag isa sa kwarto. Madalas kasi akong ma-sleep paralysis. Natulog na rin ako dahil lowbatt na ang phone ko.
I woke up early to fix myself dahil darating 'yung mga pinsan ko from Bulacan. I'm always excited bawat umuuwi sila rito. Kahit minsan nakukulitan ako sa kanila dahil kinukuha nila ako at doon na raw titira at mag aaral. Hindi naman ako pumayag dahil ayokong malayo sa mga friends ko dito at kay Mama. They are staying in Bulacan dahil doon malapit ang mga trabaho nila.
My cousins are here and also my Tita. I hugged them because I missed them so much. They became busy to their work kaya minsan ko nalang sila nakikita. I felt sad nang malaman ko na they will not spend their night here. So uuwi rin sila mamaya. Bago sila umuwi ay nagpicture muna kami sa camera ni Kuya Drian.
I texted my Tita if they got home na. Gabi na so I'm sure na nakauwi na sila. But to be sure, I'll text her pa rin.
To: Tita Milly
Nakauwi na po ba kayo?Nagreply naman siya agad sa text ko.
From: Tita Milly
Yes, Elle. Kakauwi lang. Ginabi na kami dahil sa traffic.Gabi na at tapos na kaming kumain. Nakahiga na ako. Hindi ako sanay matulog ng maaga, madalas ay 11pm ako natutulog. 8pm pa lang kaya nagscroll na lang muna ako sa mga socmed accounts ko. I'm watching my facebook friend's stories. Sa kakaclick ko sa right side ng screen ng phone ko, nakita ko ang picture ni Billy at nasa Baguio siya. He has 2 stories on Facebook. 'Yung isa ay ang picture niya and ang kasunod ay picture ng dalawa niyang kapatid kasama ang mga girlfriend nila. It has a caption 'sana all <3'. Natawa ako nang makita ko ang caption niya dahil parang inggit siya sa mga Kuya niya na may mga jowa.
"Wow! So he's single, huh?" I whispered to myself.
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Fiksi RemajaIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...