Chaeyeon's POV
2 months na mula ng makauwi ako galing sa panganganak. Hindi ko akalain na magsisilang ako ng napaka cute at napaka gandang Chaehyun.
Bumalik na ako sa pag t-training, pero hindi pa ako masyadong gumagalaw ng husto dahil baka mabinat daw ako. Usap usapan sa sns ang panganganak ko at pagiging tatay ni Jaehyun.
Tumira sila mommy at dad dito sa condo ng 3 days dahil gusto daw nila alagaan ang apo nila. Si mommy at dad naman ni Jae dumadalaw lang dahil malapit lang naman ang bahay nila Jaehyun dito sa condo.
Naglilinis ako ng bottle ni Chaehyun ng may maramdaman akong yumakap sa likod ko. At ramdam ko ang pagod niya.
"Baby nakakapagod" sabi ni Jaehyun while resting his head on my right shoulder.
"Hay nako ganyan talaga hubby, sige na na ipahinga mo na yan sa kwarto. Tabihan mo si Chaehyun na kakatulog lang. Wag masyadong tatabi kay baby dahil pawis ka. Okay?" Sabi ko kay Jae
"Okay po mommy" sabi niya ng walang gana at dumiretso na ng kwarto.
Kawawa naman si Jae dahil dalawa ang prinomote niyang unit. Kakatapos lang ng comeback ng nct u at eto nanaman sila preparing for 127 comeback. Alam kong hindi sapat ang lambing ko lang kay Jae dahil sobrang kulang ang tulog niya araw araw. Sobrang nag aalala na ako sakanya.
*
"Hubby wake up. Andito sila Taeyong" dahan dahan kong pagising kay Jae at hinalikan ang pisngi niya.
"Hmm.. wife gusto ko pa magpahinga. Paki sabi kila hyung please" he said in a bed tone.
"Okay ako na lang bahala magpaliwanag sakanila. Sleep tight" sabi ko at inayos yung kumot nila ni Chaehyun tulog pa din kasi ang baby namin.
Lumabas ako at nakita ko sila Taeyong na naglalaro ng xbox.
"Oy tukmol baka pwedeng absent muna si Jae sa 2nd practice niyo, pagod na pagod eh" sabi ko
"Yieee gusto mo lang masolo yang asawa mo eh" asar niya binato ko nga ng tsinelas
"Aray Chae!" Reklamo niya. Tinawanan naman siya ni Winwin at Doyoung
"Gago ka talaga. At feel at home ka ha" sabi ko at tumabi sa kanila.
"Bakit? Naging bahay ko din naman to ah" sagot niya habang naglalaro pa rin.
"Hyung tara na. Nagtext na si Johnny hyung hinahanap na daw tayo ng choreographer" sabi ni Winwin.
"Bye Chae! Gora na kamiii" sabi ni Taeyong at ginulo ang buhok ko.
"Bye chaaae" sabi ni Winwin
"Byerssss" sabi ni Doyoung.
Kumaway na lang ako at niligpit na ang mga nilaro nila.
BINABASA MO ANG
Playboy | Jung Jaehyun
FanfictionJaehyun: hey seen Jaehyun: aba't | backspace Jaehyun: hey Jung Chaeyeon: hey Jung pt.2 Jaehyun: Are you copying me? Date started: 9/20/19 Date finished: 9/23/20