CLARINES ACADEMY: The Final Chapter

4.6K 168 12
                                    


CLARINES ACADEMY: The Final Chapter

***

Napabuntong hininga ako sa hindi ko mabilang na pagkakataon habang nakatingin sa tanawin mula sa balkonahe ng ikalawang palapag ng aming bahay. Maganda ang tanawin at presko rin ang simoy ng hangin pero hindi ko maiwasang malungkot.

Tatlong buwan na ang nakalipas  mula nang matapos ang academician battle. Tatlong buwan na ring hindi ko sila nakikita. Nang nawalan ako ng malay pagkatapos kong pagalingin si Finn, sunod na gising ko ay nasa kwarto na ako ng aming bahay dito sa Dentora.


Ilang linggo akong nagpahinga at nagpagaling ng aking mga sugat. Hindi ako pinabayaan ng aking mga magulang at kapatid. They took care of me and attended my needs especially my Dad.


Dati araw-araw niya akong nilalagay sa kanyang laboratory at halos ikulong doon. Hindi niya rin ako pinapalabas ng bahay na parang tinatago sa mga tao. Ngayon naman parang binibigyan niya ako ng laya. Sinasama niya ako madalas sa mga lakad niya at pinapakilala sa mga taong kakilala niya at kasosyo sa trabaho.



Masaya ako sa magandang pagbabago sa aming relasyon. Halata sa aking ama ang saya sa tuwing magkakasama kami at kumpleto. Ayokong sirain ang pangarap niya. Kahit hindi niya sabihin alam kong matagal na niyang inaasam na makumpleto ang pamilya namin. Kaya lang sa tuwing naiisip ko ang mga kaibigan sa Clarines hindi ko maiwasang malungkot.


Walang araw na hindi ko sila naiisip lalo na si Finn. Namimiss ko na siya. Gusto ko na siyang makita. Gusto kong bumalik sa Clarines at makasama sila.


"Why are you sulking here? Ang ganda ganda ng ayos mo tapos nakabusangot ka lang," natatawang sabi ni Jade habang naglalakad palapit sa'kin. Nasa likuran niya sina Marcus at ang ibang tauhan ni Daddy.


Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang ganda niya at ang sexy sa suot na mini black dress. Bagay sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. "Ano? Tatayo ka na lang ba diyan maghapon? Mom and Dad are already waiting in the car." Nilahad niya ang kamay sa'kin. "Let's go?" Ngumiti siya.


Nagbaba ako ng tingin sa kamay niya bago bumuntong hininga at tamad na inabot ito. Nagpadala ako sa hila niya pababa ng bahay. Nakasunod lang sa amin sina Marcus hanggang makarating kami sa itim na kotse kung saan naroon na ang aming mga magulang.


Pinagbuksan kami ng pintuan ni Marcus. Jade smirked at him before entering the car. Wala namang naging reaksyon si Marcus. Samantalang kumunot lang ang noo ko sa kanila. Sumunod ako kay Jade at umupo sa tabi niya. Sinundan niya ng tingin si Marcus habang umikot ito at pumasok sa Driver's seat.


"You looked beautiful in your rose gold dress Janina. You too Jade. You're both beautiful."

Bumaling ako sa aking ina na nakaupo sa unahan. Katabi niya si Daddy na abala sa pagbabasa ng isang newspaper.


"Thanks Mom." Ngiting ngiti si Jade at inayos pa ang suot.

"Thanks Mom." Ngumiti ako sa kanya at bumaling kay Dad na nakatingin na sa sa'kin.


"They are beautiful no matter what they wear, darling," sabi ni Dad. Tumingin siya kay Mom. "Mana sila sa'yo."

"You're right Darling," malambing na sinabi ng aking ina at sumandal pa sa balikat ni Daddy.

Nagkatinginan kami ni Jade at napangiwi sa isa't isa habang naririnig ang lambingan ng magulang.

"By the way, Janina. Ready yourself. People of Dentora are eager to see you."

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon