Kanina ko pa napapansin na si Aiden ang pinakatahimik sa kanila at mukhang wala din sya sa mood. Lima lang silang nasa table 2 at napakilala na sa akin ni Brend ang tatlo niyang kaibigan kasama na ang pinsan niyang si Aiden.
Hindi ko alam kung dapat ko pang sabihin kay Brend na kilala ko ang pinsan nya bukod sa nahihiya akong sabihin ay hindi niya naman tinanong.
Kalahating oras lang silang nag stay sa restaurant dahil kumain lamang sila at nagpaalam. Ni hindi man lang ako nilapitan ni Aiden no'ng paalis na sila.
Tinapos ko na ang lahat ng gagawin ko para sa gabing iyon.
"Ma'am mauuna na po ako sa inyo." Pag paalam ko sa manager namin.
"Mag ingat ka sa pag uwi Jaimin." Paalala nya sa akin.
"Opo!" Sabi ko at lumabas na.
Paglabas ko ng restaurant ay tahimik akong naglakad ng biglang may magsalita sa may parking lot.
"Are you going home?"
"Oo, tapos na ako sa trabaho. Bakit? Tanong ko sa taong naka sandal sa kotse nya na walang iba kung hindi si Aiden.
"Come with me first before I drive you home." Hindi na ako nakatanggi dahil hinatak nya na ako paupo sa passenger seat ng kotse nya.
Hindi ko alam kung saan kami dadalhin nitong Range Rover na sasakyan nya dahil ang tanging nakikita ko ay madilim at mapuno na daanan.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.
"I'll take you to my favorite place." Sabi niya habang patuloy parin sa pagmamaneho.
Hindi na lang ako nagsalita hinayaan ko na lang magmaneho hanggang sa nagtanong sya.
"How long have you and Brend known each other?" Tanong nya na tumingin pa sa akin.
Napatingin na rin ako sa kanya dahil sa kanyang tanong, napansin kong salubong ang kilay niya.
"Last year lang kami nagkakilala tapos nanligaw siya sa akin." Sabi ko at umiwas ng tingin.
"Did you answer him?" Ayun na naman ang parang tamad o may inis nyang boses.
"Hindi,Kasi wala-
"Good, because I don't want to compete with my cousin." Sabi nya na hindi man pinapatapos ang sasabihin ko.
"Huh?" Litong tanong ko sa sinabi niya.
Hindi sya sumagot at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
Walang mang bente minutos ay nakarating na din kami. Isa iyong burol na puno ng mahahabang patay na damo.
Nagpark sya sa may ibaba ng burol at pinababa na ako sa kotse.
Dahil sa may kakapalan ang damo roon ay hindi ko maiwasan madulas sa tuwing hahakbang ako.
"Here, hold my hand." Sabi nya sabay lahad sa kamay nya.
Dahil siguro lagi sya nandito ay madali na lang sa kanya ang umakyat kahit na nakahawak pa ako.
Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa magkahawak naming kamay, napakalambot ng kamay nya at nakikita ang ugat mula siguro sa pag wowork out niya.
"We're here, welcome to my place Euvi." Napaangat ako ng tingin ng bawiin nya ang kanyang kamay at sabihin iyon.
Tinignan ko muna ang nakangiti niyang mukha bago suyurin ng tingin ang paligid. Hindi ko na napigilang mabuka ng bibig ko sa paghanga dahil sa ganda ng aking nakikita. Mula kasi dito sa taas ng burol ay makikita mo ang iba't ibang kulay ng ilaw na batid kong nanggagaling sa mga bahay.
"Ang ganda dito Aiden." May paghanga paring aniya ko.
"That's why this is my favorite place." Sabi nya ng may pagmamalaki.
Tinanggal nya ang suot niyang denim jacket at inilatag ito sa may damuhan.
Umupo siya duon at tinignan ako.
"Come, sit beside me." Sabi nya habang pinapagpag ang may tabi niya.
Umupo na lang ako sa may tabi niya at pinag masdan ang ilaw sa baba ng burol at iilang mga bituin.
Tumagal kami ng nakaupo lang at pinagmamasdan ang ganda ng lugar,kinakalma ang utak sa dami ng problema at pinapahinga ang katawang pagod na,hanggang sa nagsalita siya.
"Ever since I met you I never saw happiness in your eyes Euvi." Bigla na lang sabi niya na nakapagpangiti sa akin ng mapait.
"Sabihin na lang natin na hindi iyon nararapat sa akin." Sabi ko na nakatingala sa langit. "Dahil paano ako sasaya kung buong buhay ko ay problema?" Lumingon ako sa kanya upang kanyang sagutin ang tanong na kahit ako hindi malaman ang sagot. Mapait akong napangiti "Paano ako sasaya? Alam mo ba?Kasi napapagod na din ako." Hindi ko na napigilan ang pagkabasag ng boses ko.
Lumapit siya sa akin at inakbayan ako na hindi ko inaasahan,Hindi ko na napigilan ang luhang kanina pa gustong kumawala.
Alam kong wala siyang alam sa buhay ko pero hindi ko na napigilang sa kanya ipakita ang nararamdaman ko.
"Sabihin mo nga sa akin Aiden saan ako makakahanap ng taong handa akong pasanin sa oras na nahihirapan na ako? Saan ako makakakita ng taong handang makinig sa mga hinanakit ko?" Tanong ko habang na kasandal sa balikat nya.
Ginulo nya ang buhok ko na parang bata at inayos din iyon bago sumagot.
"No need to find, I'm the right person to lean on" May lambing na anya na nagpa angat ng tingin sa akin.
Kahit na ilang araw palang kaming magkakilala ang gaan-gaan na ng loob ko sa kanya, kahit noong una ko palang kita sa kanya alam Kong may natatangi siyang ugali. Pero hindi ko pa rin alam kung bakit parang sobrang tagal na namin magkakilala.
"Bakit Aiden? Bakit handa kang makinig sa mga problema ko? Kakakilala ko pa lang sayo." Naguguluhang sabi ko.
"Because I want to see how beautiful you are when you have happiness in your eyes." Simpleng sagot nya at hinayaan na lang akong sumandal sa likod niya.
Tumagal kami ng ganuun hanggang sa napagdisisyonan na naming umuwi dahil malapit ng mag umaga at may pasok pa kinabukasan.
Hinatid nya pa ako pauwi dahil bukod sa ayaw nya akong umuwing mag isa ay wala din akong perang pamasahe.
"I'll pick you up tommorow" Sabi niya nang nakalabas ako ng sasakyan.
"Huwag na kaya ko naman maglakad." Pagtanggi ko.
"Okay, I'll pick you up tomorrow. Goodnight my Euvi." Pinal na anya bago umalis.
Pagpasok sa bahay ay nakasara na lahat ng ilaw, dumaretso ako ng kwarto ng hindi na binuksan pa iyon dahil baka magising pa sila mama.
Nagpalit ako nang pantulog at tinignan ang oras two-thirty na pala ng umaga, humiga na ako para makapag pahinga at tinulog na lang lahat ng problema.
Nagising na lang ako sa ingay ng alarm na kahit ayaw ko pang bumangon dahil konti lng ang tulog ay kailangan.
Gaya ng nagdaang mga aral ginawa ko lahat ang gawain sa bahay bago naghanda para sa sarili.
Paglabas ko ng pintuan ay kotse na agad ni Aiden ang nakita ko.
"Good morning my Euvi!" Malapad na ngiting anya habang nasa loob ng kotse na nakabukas ang bintana.
"Ano na naman kayang chismis ng kapitbahay ang makakarating nito kay Mama? Lalo na at anak ng Governador ito"
________________________________________________________
____________________
Hope you like it 😊😘
-chelssyyyyy the author
YOU ARE READING
A Person to Lean On
RomantizmJaimin knows that she has a messed up life but is it right for her to be close to what she hated? Is it right for her to lean on the person who once made her suffer? And how long will the question resonate in her mind? Is this the ri...