Chapter 30 - THE CHAPTER YOU DON'T WANT TO READ

69.8K 1.2K 88
                                    

Chapter 30 - THE CHAPTER YOU DON'T WANT TO READ

ANNA's POV

Pagkatapos namin kumanta umupo na kami sa seats namin.

"Ayos ka lang ba?" agad na tanong sa akin ni Jake

"Oo naman noh. Lagi mo nalang iniisip na hindi ako okay." sagot ko

"Mukha ka kasing matamlay."

"Ayos lang ako. Wag kang magalala."

Alam na alam nga nitong si Jake kung anu nararamdaman ko. Thankful akong lagi siyang nandito para sa akin.

Tingin ko kailangan ko pa rin subukan sa huling pagkakataon na kausapin si Suarez. I need to clear things up.

Natapos na ang klase at nakita kong lumabas na si Suarez at nakasunod sa kanya si Andrea.

"Jake, may kailangan lang akong gawin."

Pagkasabi ko nun agad na akong sumunod kina Suarez.

"Suarez!" pagtawag ko sa kanya pero hindi siya lumingon

"Suarez sandali lang."

"And what are you doing now?" sabi nitong si Andrea sa akin sabay harang niya, si Suarez naman diretsyo lang sa paglalakad.

"Pwede ba Andrea? Kailangan kong makausap si Suarez." at pinilit kong makaalis sa pagkakaharang niya sa akin pero agad agad niyang hinawakan ang braso ko

"At sa tingin mo hahayaan kitang kausapin ang boyfriend ko?"

"Boyfriend mo? Wala akong pakialam! Alis dyan!"

"Akala mo hindi ko alam?"

Anong pinagsasabi nitong bruha na to.

"Wala akong panahon sayo." at lumakad na ako ulit para sundan si Suarez pero hinila ni Andrea ang buhok ko

"I won't let you talk to him!"

"Aray! Bitiwan mo nga ko!" at itinulak ko si Andrea

"You freakin monster! I know everything, nagpanggap ka lang bilang girlfriend niya! Sinabi niya lahat sa akin, na pinagpanggap ka niya para pagselosin ako!"

"Ano?"

"Oh ngayon nagulat ka?" pangiti ngiti pa siya

Sinabi ni Suarez sa kanya na pinagpanggap niya ako para pag selosin si Andrea, parang hindi naman yata ganun ang napagusapan namin.

Spying My Future Fiance ** COMPLETED ** (Soon to be published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon