ABIGAIL'S POV
"GRADE IV Glioblastoma. Mr. and Mrs. Ramos, Ms. Abigail is suffering with this condition for weeks or months now. Why didn't you bring her here as soon as possible?"
Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at ang maliwanag na ilaw ang unang sumalubong sa akin. Napa-pikit-pikit pa ako hanggang sa nasanay na ang mata ko sa liwanag.
Iginala ko ang paningin ko at napagtanto na nasa loob ako ng emergency room. Kausap nila Mama at Papa ang doktor, samantalang sila Ate at Kuya ay dali-daling lumapit sa akin nang makitang nagising na ako.
Tumulo nalang ang luha ko nang makita silang umiiyak habang tinititigan ako ng may habag.
"Abby, bakit hindi mo manlang sinabi sa amin ang lagay mo?" Tanong ni Kuya na nakapag-patigil sa akin.
"S-Sorry," hikahos kong tugon. Iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko na kaya pang magalaw ang anumang parte ng katawan ko ng dahil sa panghihina. Sumasakit ng sobra ang ulo ko at tanging pag-iyak nalang ang kaya kong gawin.
"We can't do anything, I'm sorry." Malungkot na balita ng doktor saka kami iniwan doon.
Lumapit sa akin sila Mama at Papa na parehong umiiyak. Kinuha ni Mama ang kamay ko at ginamit iyon na panghaplos sa pisngi niya, habang si Papa naman ay kinuyom na lamang ang mga kamao habang pilit na hindi tinitignan ang kalagayan ko.
"A-Ala-m mo b-a Ma-a?" Huminga ako ng malalim kahit pa hirap na hirap na ako sa kalagayan ko. Tumingin naman agad sa akin si Mama. "M-aata-g-al k-o hinil-in-g na gam-it-in--" Huminga pa ako, pilit na sinasabi sa sarili na kaya ko pang magsalita. "--mo y-ung kama-y k-ko pa-ra i-pang-hap-l-los m-o sa p-pisng-i m-mo?" Iba ang tuwa na naramdaman ko nang matapos ko ang nais sabihin. Ngumiti ako kay Mama kahit mahirap.
Nagsimula nang humagulgol si Mama, na pinatahan naman ni Ate Kristel.
"Anak," biglang sumingit si Papa at nagulat nalang ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Lalong lumapad ang ngiti sa labi ko, kasabay ng lalong pag-agos ng luha ko. "Mahal na mahal kita, anak. Sorry, sorry sa lahat. Kasalanan ko 'to."
Nahihirapan man ay itinaas ko ang kamay ko at hinaplos sa likuran si Papa. "Pa, wa-la k-kang kasala-nan... s-saka... ma-tagal ko na-kayo-ng napa-napatawad," Kumalas ako sa yakap niya saka siya tinignan sa mukha at nginitian. Ngayon ko lang naranasang yakapin ni Papa, at natutuwa akong naramdaman ko iyon bago ako mawala. Pinunsan ko ang luha sa mata niya, saka ko pinagdikit ang mga noo namin.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin agad?!" Natigilan kaming lahat at napalingon kay Kuya na nababakasan na ang matinding galit.
"Ku-ya,"
"Bakit hindi mo sinabi?! Ganyan ka ba, makasarili?! Ha?! Anong tingin mo sa amin? Walang pakialam?!"
"Aaron! Bakit mo sinisigawan si Abby?!" Lumnapit si Papa at kinuwelyuhan si Kuya.
H-Hindi... hindi ito ang gusto ko mangyari! Gusto kong magkaayos kaming lahat bago ako umalis!
"Kung makapagsalita ka, akala mo wala kang ginawa sa kaniya, ah?" Sinuntok ni Papa si Kuya, agad naman umawat sila Ate at Mama.
Gusto ko mang ibuka yung bibig ko ay hindi ko na magawa dahil ubos na ang lakas ko. Tanging pag-iyak na lang ang tangi kong nagawa, kaya sa pagkakataong 'to ay naging mahina na naman ako.
"BASTOS KANG BATA KA!" Susuntok pa sana si Papa nang maunahan siya ni Kuya.
"Mabuti lang na mamatay ka na." Huling sinabi ni Kuya bago umalis sa kuwarto.
Tumigil ang luha ko at natitigilang napapikit ako.
Mabuti lang na mamatay ka na.
BINABASA MO ANG
Diary of a Neglected Child [PUBLISHED AND COMPLETED]
Teen Fiction[BOOK 1] They say life is not perfect; it is not easy, it is never fair. But does it mean that her life should be this miserable? This painful? This is her life. Her book. Her story. Her diary. [[Word Count: ≈22,000+ Words]] Date Started: May 22, 20...