"Nanay, buhat po."
Napatingin ako sa anak kong nakataas ang kamay para magpabuhat. I smiled dearly at her bago ko siya buhatin.
"Salamat, Nanay. I love you so much po." Sabay halik sa pisngi ko.
"Tch. Nanay bakit niyo po ba binubuhat yan si Iyah? Ang bigat na niyan e." maktol ng kambal nito saka binalingan ng tingin ang kambal nito. "At ikaw naman Iyah, you know you're too big na for nanay pero nagpapabuhat ka pa."
Tinignan naman ng masama ni Creia ang kapatid nitong si Crane.
"So what? Hindi naman nagrereklamo si nanay e." Nakangusong ani nito.
Crane rolled his eyes. "Hindi lang makatanggi si nanay sa iyo kasi anak ka niya. Pero mabigat ka talaga."
Natawa naman ako sa munting pagtatalo nila. Hay ang kambal ko talaga, napakakulit.
"Tama na yan, naku. Kayong dalawa talaga ang hilig niyong magtalo." Wika ko bago ibaba si Creia sa pagkakabuhat. "Ano nga palagi kong pinapaalala sa inyong dalawa?"
Pareho na ngayong nakatayo sa harap ko ang dalawa kong anak. Ang dalawang anghel na bumuo sa pagkukulang na naramdaman ko noong panahong ipinagbubuntis ko palang sila.
Crane Hephaestus and Creia Hellize.
"Eh nanay kasi nga—" naputol ang sasabihin sana ni Creia ng pinanlakihan ko ito ng mata. "Ay sabi ko nga always love and protect each other no matter what happens."
"How about you Crane? Ano ulit ang paalala lagi ni nanay?"
"Always love and protect each other no matter what happens!" Nakangiti ito habang sinasabi iyon kaya na pangiti nalang din kami ng kapatid niya.
Pareho ko silang ginawaran ng halik sa magkabilang pisngi na nagpatalon sa kanila sa tuwa. They always do that whenever I kiss them. Kasi daw kapag ginagawa ko iyon ay pakiramdam nila may nagawa silang maganda at mabait sila. I won't even trade my angels for anything. And I won't ever let anyone take them away frome me.
I'm living my life that I have right now because of them. Hindi ko nalang alam kung ano nalang ako kung hindi sila dumating sa buhay ko. Sila na ang naging source of strength ko simula ng ipagbuntis ko silang dalawa.
I never had second thoughts of giving birth to both of them. Ni isang beses hindu sumagi sa isip ko iyon ng malaman kong nabuntis pala ako. Ang turo kasi sakin ni mama ay wala tayong karapatang bawian ng buhay ang kung sino man. And so I kept my angels, who I devote my life with.
Wala na akon ibang iniisip kundi ang kapakanan nilang dalawa. As much as I can, gagawin ko ang lahat para mapabuti sila.
[Cora!] Impit na tawag sakin ng manager ko.
[Bakit, Yaz? Something's up?] I asked her.
I am on my way papuntang mall kasama ang mga anak ko ng biglang tumawag itong kaibigan slash manager ko. I'm a model in AEIOU Agency. It's a company that takes in aspiring models and actors.
And fortunately, I'm one of those models who were lucky to get in. Good thing na kahit alam nilang may anak na ako ay wala iyong problema sa kanila. Wala sila masyadong issue if it's the employee's personal life. As long as you're doing a good job, you're fine.
[Oh my god! Ayaw ko talaga sanang guluhin ka gayong day off mo but O to the M to the G!]
[Ano bang tinitili mo diyan? We're on our way in my sister's boutique.]
[Kasama mo ang kambal?]
[Yes, so tell me what's up with you.] I rolled my eyes even though I know she won't see it.
[Elixir Agapello. He's here na daw sa Pilipinas, OMG!] wika nito saka nagtitili. Jusmeyong babae 'to!
But what did she just say? Elixir? Buenaventura? That Elixir Buenaventura?
Oh hell fucking no! Don't tell me...
No! Stop assuming things, Cora. That gay probably didn't know anything about the twins. Siya na ang nagsabi mismo, hindi niya ako kayang panagutan. So stop assuming! Hindi magtatagpo ang landas ng anak mo at ng ama nila.
Huminga ako ng malalim bago magsalita.
[What about him?] I asked like it's nothing. Silence enveloped us and before I could speak again, I heard Yaz scoffed.
[Seriously, Cora? Stop acting like you don't care. If I know naman you're worried, aren't you?] I weakly smiled at her as a response.
[Yeah, of course, I care. Ang kambal nalang ang meron ako, Yaz. Sila na ang buhay ko ngayon.]
Binalingan ko ng tingin ang dalawang anak kong natutulog sa backseat. Parehong nakahilig ang ulo sa isa't-isa.
I taught my children that they should love and protect each other dahil magkapatid sila. Sila lang din ang pwedeng prumotekta sa isa't-isa kapag dumating ang araw na wala na ako para gawin iyon para sa kanila.
"Anak, gising na." Agad namang nagising si Crane na ginising din ang tulog mantikang kakambal nito.
"Where are we na, nanay?" Creia asked while her eyes are still closed. Bahagyang kinusot niya iyon bago dumilat at iikot ang paningin sa paligid.
"Nasa parking lot na tayo ng mall, baby. Ayusin mo na ang sarili mo para makapunta na tayo kila Tita Crim niyo." Sagot ko dito.
Inayos naman agad ni Creia ang medyo nagusot nitong damit bago binuksan ang maliit nitong bag.
Inilabas nito ang hair brush nitong violet at ibinigay kay Crane.Nakangiti ko lang silang pinagmamasdan habang sinusuklay ni Crane ang buhok ng kapatid.
Tamad magsuklay ng buhok itong anak kong babae dahil nakakainis at mahirap suklayin daw iyon. Kaya naman itong si Crane ang nagkusang magsuklay ng buhok ng kapatid hanggang sa nakasanayan na rin ni Creia.
Ever since they started to learn how to do simple things on their own, Crane took care of her sister most of the time. He always watches over her when I'm not around. Buti nga at kahit na nagsasagutan madalas ang dalawang iyan ay nagkakaayos din agad. Ni hindi umaabot ng limang minuto iyon.
"You done, babies?" I smiled at them. Tamango lang si Creia bilang sagot habang napanguso naman si Crane.
"Nanay naman e. Hindi na kami baby. We're big na, you see? Mabigat na nga si Iyah e." Hindi pagsang-ayon nito sa akin. Mahina naman siyang hinampas ng kapatid na binalewala lang nito.
Tinaasan ko lang siya ng kilay bago tawanan.
Bumaba na ako ng kotse kaya sumunod din agad sila. Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa bago maglakad papasok ng elevator papunta sa floor kung nasaan ang boutique ni Ate.
"Alam niyo mga anak..." I trailed off. Sabay namang napatingala sakin ang dalawa na may parehong curious sa sasabihin ko. "Kahit pa lumaki kayo ng husto at hindi ko na mabuhat, kahit na magkaanak na kayo at magkaroon ng sariling pamilya, both of you will always be my baby."
Nakita ko namang halos maiyak na silang dalawa kaya tinawanan ko ulit ang mga ito.
How lucky I am to have these angels with me.
BINABASA MO ANG
[ON-HOLD] Killing Me Softly
Fiksi UmumI, Corsen Amaryllis Aranza, didn't know that loving him would be killing me softly.