Hindi ako umuwi sa amin. Nandito ako ngayon kina Lauro dahil wala na akong matakbuhan na ibang tao. Ayaw kong umuwi sa amin na namumugto ang mga mata. I don't want them to worry.
"Tubig" Lauro offered me a glass of water. Sinisinok parin ako dahil sa kakaiyak. Kanina pa ako dito, iyak ng iyak.
Tiningala ko siya at sinagot "Salamat" paos kong sabi.
He smiled at me. "Ihahatid kita mamaya, but before that, we'll treat your swollen neck. " sabi niya sa akin habang nakatingin sa leeg ko.
Nag-iwas ako ng tingin. I don't want to talk about it. Hindi ko kaya.
"What happened to your neck? Kanina pa kita tinatanong pero ayaw mong sagutin" Aniya.
Hindi kaagad ako nakasagot. Ayaw kong sabihin sa kanya kung sino ang gumawa nito. Ayaw ko ng gulo. Gusto ko ng manahimik. I don't want to see him again.
''W-wala 'y-yan, gamutin mo nalang'' nakangiti kong sabi.
Ilang segundo akong tinitigan ni Lauro na parang binabasa ang isipan ko. Nakaramdam ako ng kaba, sana naman ay hindi niya ako mabasa. Lauro knows me well. Ilang taon nadin kaming magkasama, hindi ko nga akalain na sa oras na ganito ay siya pa talaga ang matatakbuhan ko.
Tahimik ako habang ginagamot ni Lauro ang aking leeg. Namaga kasi eh.
''Gianna, let's---'' Naputol ang sasabihin ni Lauro nang biglang nag vibrate ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag. It's Raney.
Tumingin ako kay Lauro. Asking for privacy. Agad naman niyang nakuha dahil umalis na siya at nagtungo sa kusina. Hindi naman ako mag-aalala na baka marinig niyang ang pag-uusapan namin ni Raney dahil malaki ang bahay niya.
I picked the phone up.
''Hello...''
''Ate! Ang Boss mo nandito! Nagwawala!'' randam ko ang kaba at takot sa boses ng kapatid ko.
Bumilis ang tibok ko. Nakaramdam ako ng takot, nanunuot ang ala-alang sinakal niya ako kanina.
''Bakit daw?'' Kinaya kong magsalita ng normal, ayaw kong mahalata ng kapatid ko ang takot sa boses ko.
''Wala nga ang anak ko dito!''
''I need to see her...''
Naririnig ko ang boses ni Papa at Boss sa kabilang linya. Nanuyot ang lalamunan ko, I gulped.
''Gusto ka niyang makita ate, gusto ka daw niyang makausap'' sabi sa akin ni Raney.
Namuo ang luha sa mga mata ko. Ayaw ko. Natatakot ako.
''P-Paalisin mo siya diyan'' nanginginig ang boses ko. Wala akong lakas na sumigaw o mag panic. Iniisip ko ang batang nasa sinapupunan ko.
Narinig kong kinausap ni Raney si Boss. Habang nakikinig ako sa kanila ay mas nanghihina ako. Boses palang niya ay natatakot na ako.
''No! Hindi ako aalis kapag hindi ko siya nakita!'' Narinig ko ang pagsigaw ni Boss.
Nanginginig ang kamay ko habang hawak-hawak ang cellphone. Natatakot ako sa kanya.
''Wala siya dito, Sir!'' Si Raney na nauubos na ang pasensiya.
''Then where she is?! I need to see her! I need to talk to her! I need to apologize...'' humina ang boes niya sa huling sinabi.
''Hindi ko alam'' sagot ni Raney.
''Hindi ako aalis. She's carrying my child. My child needs me''
Parang tumigil ang mundo ko sa narinig ko. He knows about it. Alam kong sinabihan na siya ni Ma'am Diane. Nanginginig ang buo kong katawan. No! Hindi ko hahayaan na pumasok siya sa buhay ng anak ko. Halimaw siya.
BINABASA MO ANG
Sixto Axel Velasquez
Non-FictionTrigger Warning: Mental Abuse/Unethical/Infidelity/ Affair. Not for everyone!! The whole story revolves around cheating so please don't read this for your own sake if you are sensitive to stories that are all about cheating.