20 (SPG)

4.2K 161 19
                                    

20 (SPG)

"Be enchant and experience a magical adventure to the first theme park in the South, Gloria's Fantasyland!"

Napakasaya at malapad ang pagkakangiti ni Fumi nang ipakita niya sa mga viewers ng Accord Today ang napakagandang entrance ng Gloria's Fantasyland sa Dapitan City.

Iminuwestra niya ang kanyang kamay sa tapat ng cameraman na tila ba inaaya niya ang mga manonood na tignan ang ganda ng amusement park.

"Wow! This place is a perfect destination for your families and for barkadas. If you're interested, you may visit their website or contact them on their hotlines that are shown on your screens."

Sunod ay pinakita ang mga pre-recorded videos gaya ng mga sikat na rides ng amusement park pati ang view ng lugar kapag gabi.

"We're very lucky today viewers! Dahil nangyayari ngayon sa loob ng park ang napakalaking food fair kung saan matitikman natin ang mga sikat na food dito sa Dapitan, let's go?"

Pumunta sila sa malawak na lugar kung saan nakahilera roon ang mga participants nang nabanggit na food fair.

Isa-isang pinakita ni Fumi ang iilang sikat na pagkain ng mga Dapitanons, at bawat isa ay pinaliwanag niya kung anong meron sa mga putaheng iyon.

"And we have here, Mayor Balmes!" Katatapos lang ng ribbon cutting ceremonial at nandoon ang butihing mayor ng siyudad, si Mayor Juan Miguel Balmes.

"Miss Fumi, interview the mayor daw po."

Tumango naman si Fumi at nilapitan si Mayor Balmes na nakikipagkamay pa sa mga taong naroon hanggang sa magtagpo ang kanilang mga tingin.

Nang magkita silang dalawa ay lumakas ang hiyawan at tilian.

"May nagbabalik 'ho Mayor!" Hiyaw ng isang tao roon.

Nagtawanan naman ang lahat habang si Fumi ay nakangiting binati si Mayor Balmes. "Is it okay if we interview you, Mayor Balmes?"

Sumilay ang napakatamis na ngiti ni Mayor Balmes, "Sure."

Ang mga taong nasa food fair ay biglang kumpulan sa kinalulugaran nila ni Mayor Balmes, sa napakaiksing interview ay naroroon sila at hindi matigil kakatukso sa kanilang dalawa, na tinatawanan na lamang nina Fumi at Mayor Balmes.

"Mayor, kayo 'ho ba ay nililigawan si VJ Fumi?!"

"Oo nga 'ho, mayor!"

Nakaoff cam na sina Fumi at hindi na nagbbroadcast pa pero sila naman ngayon ay nahot seat ng mga Dapitanons.

Humalakhak si Mayor Balmes at umiling, "Hindi 'ho." Ngumiti na lang din si Fumi kahit medyo naaasiwa na sobrang kulit ng mga tao.

Naramdaman niyang hinawakan siya sa magkabilaang balikat ni Mayor Balmes, "This lady here is beautiful, I know, but I'm not courting her everyone, please let's stop those rumors now."

"Hindi po ba kayo ang tumawag doon sa isang episode ng Magnitune? Yung nagrequest 'ho kayo ng kanta para sa kanya."

Mabibilis na umiling si Mayor Balmes at pati si Fumi ay napailing din na kahit hindi naman dapat.

"No. somebody told me about that episode, and I did not participate on it." Nilingon siya ni Mayor Balmes. "Please guys, let's drop that issue. Miss Centeno might be uncomfortable with it already. Please respect the privacy of our lives."

"Thank you, JM." Mahinang bulong niya at sa wakas ay nilubayan rin sila ng mga tao.

"It's good to see you again doing your thing, VJ Fumi."

HRS3: Offered a Hot Romance to the GentlemanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon