"YOU KNOW I CAN'T do that" Eve said as sadness lingering in her voice.
May kausap siya sa cellphone niya. Kunot noo akong nakatingin sa kanya. Nasa upuan lang kasi kami sa bench Dito sa school namin. We're done enrolling.
Hinihintay ko lang si daddy na sunduin ako kasi nag pupumilit na naman kasi.
"Tss. You're insane" asik nya.
Hindi ko maiwasan hindi marinig. Kahit nakatuon ang atensyon ko sa cellphone ko ay magkaharap lang naman kami kaya hindi ko sinasadya marinig kung ano man pinag uusapan nila ng kung sino man ang kausap nya. Hindi naman ako interesado malaman ang pinag usapan nila.
"Ewan ko sayo. Kung gusto mo yan bahala ka sa buhay mo" she paused. "Basta huwag na huwag mo akong idadamay sa pinagagawa mo ha" mapakla syang tumawa. "Siguraduhin mo lang dahil hindi ako sang ayon sa ginagawa mong yan buang ka!" Sigaw na naman nya.
Kahit pa nababahala na ako sa inakto niya ay hinayaan ko nalang siya at nag pretend na hindi ko man lang siya naririnig na naka bunganga dito sa harapan ko.
"Oo. Malilintikan ka sakin pag nagka taon!" Bumuga siya ng marahas na hininga. "Bahala ka sa buhay mo basta huwag na huwag mo lang ako kausapin tangina ka!" Pag mumura niya. "Gago ka ba? Lakas ng amats mo at ganyan naisip mo! Bhala kana nga!" Sigaw niya bago patayin ang tawag.
"Sorry Yrah. Na iistress tuloy ako" may pag aarte niya pang asik.
"Bakit ba? Ano bang nangyari sa inyo ng ka tawag mo?" Hindi naman sa nakiki–usisa ako. Hindi ko lang alam kung ano pa ang pweding i—tanong sa kanya.
"Nakakainis kasi e. May plinaplano na naman tong napaka bait kong pinsan"
Kumunot ang noo ko. "Bakit ano bang plano niya?"
Natigilan si Eve. "Ah he's planning na makipag kilala sa isang babae. Oo ganun nga hehe" parang naiilang n'yang sagot.
"Oh yun lang naman pala e anomg sinisigaw sigaw mo dyan?"
"Hindi ko lang gusto!" Umirap pa siya. "Anong paki mo?!" Sigaw niya.
"Tss. Gagu ka talaga Eve! Kung maka ano ka naman parang ikaw yung ina" pag bibiro ko sa kanya.
"Itong mukhang to mukhang nanay? Are you sure Yrah?" Hindi makapaniwalang tanong niya sabay turo sa kanyang mukha.
Umiling ako. "Hindi ako sure e" napapaisip kong sabi. "Pero sure na sure lang ganun" biro ko sa kanya.
Sumimangot si Eve. "Ang sama mo talaga Yrah" ngumuso pa sya. "Umuwi na nga lang tayo" tumayo sya.
"Tara nandoon na rin si dad. Samin kana raw mag lunch" nakangiti kong sabi.
"Okay lets go na" hinatak nya pa ako.
Nailing nalang ako habang nagpa hila sa kanya palabas ng school.
We're in the last year of high school now. New chapter is fast approaching. I can't wait for that.
"Yrah Best friend mo naman ako diba? Kahit anong mangyari?" Eve asked nang makasakay kami sa sasakyan ni dad.
"Oo naman bakit kaba nag da drama dyan?"
"Wala naman may naiisip lang ako" malungkot nyang ani. "I'll take a nap muna ha"
Tumango ako sa kanya. Nang makapikit siya ay tiningnan ko ang kabuuan niya sa tabi ko.
Ewan ko parang iba yung pakiramdaman ko mukha kasing may nililihim siya sakin.
Hindi ko rin masabi kong ano pero malakas ang kutob ko sa nararamdaman kong iyon.
Meron nga ba talaga o masyado lang akong praning?
Kahit pa sabihin ko na wala lang pero para kasing may nag uudyok sakin na paniwalaan ko na meron.
Pero kung meron man at kung ano man 'yon, kailangan kong malaman.
I need to know that!
I must know!
BINABASA MO ANG
The Man from Different World | COMPLETED |
RomanceA story of a girl in which she will meet a man from different world; online and real world.