Sky pov.
Papunta ako sa bahay nila yuki, tawag kase ako ng tawag kay yuki pero hindi nya naman sinasagot yung tawag ko masyado ko na sya namimiss kaya kailangan ko na sya makita T____T
Tapos nung tumawag ako kay jake, galit na galit kausapin ko daw girlfriend ko kung ano problema nya sa buhay, nagtaka ako bakit nagagalit kay yuki yun, pero natutuwa na kinikilig ako kase kahit hindi ko pa nakukuha ang matamis na oo ni yuki, girlfriend na turing sakin ng kuya nya hehehe.
Knock...
Knock..
knock..
nakailang katok na ako sa kwarto ni yuki pero walang sumasagot, naiinis na talaga ako kailangan ko na makita ang napaka ganda nyang muka.
"Ay... sir sky nasa labas po ata si senyorita yuki" sabi nung maid nila na kakadaan lang
kaya lumabas ako sa bahay nila, alam ko humihiga lang yun dito sa damo damo eh
"yuki babeeeee" sigaw ko agad nung nakita ko sya nakahiga malapit sa may puno.
palubog na din ang araw kaya magandang tanawin din yung kinahihigaan nya
paglapit ko sa kanya nakita ko natutulog sya habang may nakakabit na earphone sa tenga
"nakita ko na muka mo......Lahat ng stress, inis, bwiset ko sa company nawala na lalong lalo na pagkamiss ko sayo" mahina kong sabi sa kanya habang tinititigan ko ang muka nya
Nabalitaan ko din ang pag alis ni neshi sa bahay nila yuki, ayoko naman ungkatin dahil ayoko malungkot sya
"dalawang linggo kita hindi nakita" mahina ko pa ding sabi sabay higa din banda sa tabi nya
sarap ng pwesto nya nakakagaan ng loob, dahil bukod sa mahangin ang pwesto nya kitang kita dito ang paglubog ng araw.
"sky.." narinig kong tawag nya kaya napalingon ako sa kanya, nakita ko sya na halatang gulat at kakagising lang.
"masarap ba tulog mo yuki babe" tanong ko sa kanya sabay bangon,
gumaya din sya sakin at bumangon din,
BINABASA MO ANG
Ang Queen ng Gangster ay isang Childish (SEASON 2)
AksiyonBasahin nyo muna ang season 1 kung ayaw nyo maligaw sa season 2 🤣