KABANATA: 22

826 32 3
                                    

I carefully put my liptint on. Sinigurado kong walang lagpas at maayos ang itsura ko. Tinignan ko muna ang kabuuan ko sa harap ng salamin bago lumabas sa kwarto ko.

"Saan ka pupunta Mickalla?" tanong ni Kuya nang makita niya akong palabas ng bahay.

"Kila Clariz, nagpaalam na ako kila Mama." sagot ko agad.

Kumaway muna ako sa kapatid ko bago patakbong lumabas ng bahay. I lied again. Hindi ako nagpaalam kila Mama, at mas lalong hindi ako pupunta kila Clariz.

Narinig ko pang tinawag ni Kuya si Mama para siguro itanong kung nagsasabi ako ng totoo pero tuluyan na akong nakalabas ng bahay.

I'm sorry Kuya. I just want to see him.

Sumakay agad ako sa Taxi na huminto sa harapan ko. Nag-abot din ako ng bayad at sinabi kung saan ako bababa. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero isa lang ang gusto ko ngayon...

Gusto ko siyang makita.

Nang makarating ako sa tapat ng unit niya ay huminga muna ako ng malalim saka pilit na pinakalma ang sarili bago pinindot ang door bell.

Smile, Micka.

"Wala ba siya?" tanong ko sa sarili nang wala pa ring nagbubusan ng pinto.

Napa-tingin ako sa oras. It's already 10 pm. Hindi pa ako kumakain pero kahit ano namang gawin ko ay hindi ako makaramdam ng gutom.

I just need someone to talk to right now, I need him.

Naghintay ako sa labas ng unit niya. Hindi ako mapakali, panay pa rin ang pagpindot sa doorbell pero wala talagang nagbubukas ng pinto.

"Baka wala siya sa loob." kumbinsi ko sa sarili.

Nang mapagod ay napaupo ako sa gilid, sa tabi ng pintuan niya. Gabi na pero wala pa rin siya. Asan ba siya?

Sinubukan ko siyang tawagan pero pinapatay niya lang ang telepono niya. Tinext ko rin siya para tanungin kung nasaan siya pero hindi siya sumagot kaya naman sinabi kong nasa labas ako ng Unit niya.

Para akong tangang nakaupo sa lapag. Naghihintay kay Daniel. Akala ko wala siya sa loob ng Unit niya pero napatayo agad ako nang bumukas ang pinto sa tabi ko. Halos isang oras akong nag-hintay sa labas pero nasa loob lang pala siya.

Sinasadya niya bang 'wag buksan ang pinto?

Alam niya kayang kanina pa ako nagaabang sa kaniya rito?

Okay lang.

Masamang tingin ang bungad niya sa akin. Mukhang kagagaling niya lang sa shower dahil basa ang buhok niya at may puting twalya na nakasabit sa leeg niya.

"Why are you here?" tanong niya.

"Hi!" pinilit kong ngumiti, "Akala ko wala ka sa loob. May ginagawa ka ba? Nakakaistorbo ba ako? Kumain ka na?"

"Micka," kalmadong tawag niya sa pangalan ko.

Ang kaninang pilit na ngiti ko ay napalitan ng totoo. Ang sarap pakinggan mula sa kanya ang pangalan ko.

"Gabi na, Alam ba ng Kuya mo na nandito ka?"

No...

"Ah, Yes. Nagpaalam ako sa kanila." I lied again.

Mukhang hindi siya kumbinsido sa naging sagot ko, "Anong ginagawa mo rito? Umuwi kana, gabi na." mukhang pinipigilan niya ang inis niya base sa tono ng boses niya.

"Can we talk?"

Ayun naman talaga ang pinunta ko rito eh. Gusto ko siyang makausap.  Tungkol sa nararamdaman ko. Hindi ko kasi kaya yung sakit. Gabi gabi napapaisip ako kung ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya para iwan niya ako ng ganoon kadali.

The President's Tint (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon