"HOY loser. Alis na dito—bawal ang lampa" Nakangising sabi ni Sage sa lalaking nakatungo na dumaan sa grupo nilaNgumisi naman pabalik ang lalaki
"Sage Sallow, mamatay ka na—" Matigas pa sa batong sabi nito at nagpatuloy sa paglalakad
Siya si James Villamor Landero na kilala bilang napakatahimik at napakamisteryosong estudyante na nabibilang sa baitang dose. Ayon sa mga iilang estudyante hindi daw ito basta basta malalapitan
At nakakatakot daw ito kapag nagalit, wala siyang sinasanto mapabata man iyan o mapamatanda—pinapatulan niya
"James, mamaya na ang pagsusulat. Makinig ka muna sa discussion ko—" Sita ng kanilang guro kay James
Napahinto naman sa pagsusulat si James at mahigpit ang hawak sa kanyang ballpoint pen, ang ayaw niya ay iyong dinidisturbo siya
Natahimik naman ang lahat at batid niyang nakatingin ang kanyang mga kaklase sa kanya. Hindi kasi ng mga ito makakalimutan ang senaryong sinita siya ng kanilang unang guro na tinusok niya lang naman ang mata dahil sa dakilang paki-alamero at walang magawa sa buhay
Dinala sa pinakamalapit na hospital ang kanyang guro habang ang kanyang parker pen ay nakatarak sa mata nito. At kalaunay itrinansfer sa America para doon operahan
"May oras sa pagsusulat James. Iligpit mo na ang mga gamit mo," Tugon ng kanilang guro
Nanginginig naman sa galit na ibinaba ni James ang mga kamay na nakakuyom habang pinipigilan ang sarili
Nakahinga ng maluwag ang kanyang mga kaklase
"Akala ko ay gagawin na naman niya ulit 'yun." Rinig niyang reaksiyon ng kanyang kaklase
"Akala ko din eh. Grabe halos hindi na nga ako huminga kanina—" Sagot naman ng isa paKung nakita lang ni James kanina na halos hindi na ang mga ito kumukurap sa kakatingin sa kanya. Nababahala na baka kumurap ay mawala ang eksenang pinakahihintay ng lahat
—
Napahinto na naman sa paglalakad si James ng harangan na naman siya ni Sage at ng mga barkada nito
"Anong sabi mo kanina? Sage Sallow, mamatay ka na? Whoaa natakot ako do'n ah. Ano lalaban ka?" Tulak nito sa balikat niya na bahagyang ikinaatras niya
Ngumisi naman siya
Hinawakan ni James ang kwelyo ni Sage at itinulak din niya ito paatras. At dahil nasa gitna sila ng lobby at nasa pinakatuktok ang silid nila
Itinulak niya si Sage dahilan para mahulog ito. Narinig niya pang parang kahoy na bumagsak ang katawan ni Sage sa baba
"Oh my God! May estudyanteng nahulog mula sa taas!" Rinig niyang pagtitili ng isang babae
At ng akmang isusunod niya ang mga kasamahan nito ay mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ito ng takbo. Napapailing na lang siya
—
"Anong ginagawa mo James Villamor Landero! Bakit mo tinulak si Sage?!" Galit na galit na bulalas ng kanilang punong guro
Hindi siya sumagot sa halip ay patuloy pa din ang pagsusulat niya sa paborito niyang kwaderno
"Landero! Nakikinig ka ba sa'kin?!" Pagsisigaw nito
"Tumahimik ka—" Mahinahon niyang sabi
"Anong sabi mo?""Ang sabi ko tumahimik ka!" At itinarak ang parker pen sa tenga nito na ikinahulog sa upuan ng kanyang principal
Tiningnan lang ni James ang punong guro na ngayon ay hawak hawak ang sariling tenga na nakadapa sa sahig habang pilit na inaabot ang door knob
BINABASA MO ANG
The Great Fiction Stories (Completed)
RandomThis is my first compilation of one shot stories, lahat ng karakter na nasa kwentong nilikha ko ay imahinasyon ko lamang at suhestiyon ng aking mga kaibigan. Ang lugar at ang mga pangyayaring naganap sa bawat kwentong inyong nabasa ay gawa gawa ko l...