"Elle, gising na andito na tayo."
Dali dali akong umayos ng upo nang marinig ko si Mama. We're now here in Batangas. Hinatid namin 'yung asawa ng Tito ko because she will celebrate her New Year here. Sobrang nakakapagod ang biyahe at ang layo, huh? Inayos ko muna ang sarili ko bago bumaba ng sasakyan. I know mukha akong sabog ngayon dahil 3am pa lang ay nagbiyahe na kami papunta rito.
Pagkababa namin sa van ay agad kaming sinalubong ng mga bayaw ng Tito ko. Pinapasok na nila kami sa bahay at pinaupo na rin. "Adrielle, magmano ka sa nakasuot ng white and purple." Utos sa'kin ni Tito, kaya mabilis akong tumayo at pumunta sa direksyon ng mga tinutukoy niya. "Wow you're so beautiful! Ilang taon ka na, Hija?" Puri at tanong sa akin ng isang babae. "15 po." I answered her question honestly. Hindi na ako magtataka na magugulat sila sa sagot ko. "Oh really? Ang taas ng anak niyo. Pwede siya magmodel!" Sigaw nila sa mga magulang ko. I go back to my Mom dahil nahihiya na akong tumayo roon.
"Huwag ka muna magboyfriend, hija. Ang ganda mo pa naman. I can't imagine na iiyak ka sa love na 'yan." Sabi sa akin nung babaeng kakwentuhan ni Mama habang kumakain kami. Mabilis naman akong tinignan ni Mama na parang may ginawa akong kasalanan. Ofcourse! I won't have a boyfriend dahil hindi ko pa nakikita ang sarili ko na nasa isang relasyon. I mean, I think I'm not ready to handle a serious relationship.
Honestly even if I never had a boyfriend, I cried because of love. Feeling ko ang malas ko sa pag-ibig na 'yan dahil never ko pang naranasan na may nagtagal sa'kin sa mga naka- M.U ko. I never felt the love and happiness. I always felt the pain and I always feel worthless because of my experiences in love. Minsan naisip ko, am I the problem? Or the guys that couldn't see my worth?
Tapos na kaming kumain kaya we're ready to go na. We just need to rest a bit. "Mag iingat kayo, ha." Tinapik ng asawa ng Tito ko ang balikat ko. I smiled at her. She's my Ninang, btw. Tumayo na sila Mama kaya sumunod na rin ako.
Nagpicture muna kami sa mga magagandang views na dinaanan namin. Si Mama lagi ang photographer ko. Ang gaganda naman ng mga kuha niya, dinaig pa niya ako.
Kumain muna kami sa isang restaurant na dinaanan namin dahil mahaba haba pa ang biyahe namin. "Sino 'yang kachat mo?" Gulat akong napaharap kay Mama sa tanong niya. "Huh? My friends! I'm telling them about what happened this day." Totoo naman na friends ko lang ang mga kausap ko. Mom is so strict lalo na sa pagboboyfriend or pakikipag chat na 'yan. Both of my parents are strict. Kaya lalong ayoko mag boyfriend e baka hindi ko man lang siya mapakilala sa parents ko.
"Elle! We're eating. Bakit ba hindi mo mabitawan 'yang phone mo!?" Agad kong tinago ang phone ko sa bag ko nang sigawan ako ni Papa. Tinitignan ko lang naman 'yung mga kuha ni Mama sa'kin kanina. Mabilis lang akong kumain dahil nagtatampo ako kay Papa. Sinagawan ba naman ako sa public place! Natapos na rin sila kaya nagpahinga lang kami saglit at bumalik na rin sa van.
"Sleep ka muna, malayo pa tayo." Malambing na sabi ni Mama sa'kin. Tumango naman ako at nagsandal sa balikat niya. "Ma, we need to go to my dentist pa, right? May bracket akong natanggal sa mga braces ko. I also want to buy smoothie." I remind her, pinag usapan na namin kagabi 'yon. "Okay, I'll tell your Papa na mauna na silang umuwi ng Tito mo. May dadaanan ka pa pala." She answered at sinabi na niya kay Papa 'yung lakad namin.
"Thank you, Tito!" Nagsmile ako sa kanya bago kami bumaba sa van. "Next time ulit, okay?" Nakangiting sagot niya. Bumaba na kami at naglakad na papunta doon sa dentist ko. I need to order smoothie first. Ilang araw na akong nagcecrave, e. "Isang large Dark Chocolate Smoothie with cream puff po." Umupo muna kami ni Mama habang hinihintay 'yung order ko.
"Let's go." Sabi ko kay Mama nang makuha ko na ang order ko at pumunta na kami sa dentist ko. Nasa parehong building lang naman sila so maglalakad lang kami ng kaunti para makarating doon.
"Thank you po, Doc!" I smiled at her habang nagbabayad ako sa Secretary niya. Bumaba na kami at naghanap na rin ng sasakyan si Mama pauwi sa Village namin.
"Dito na lang, Kuya." sabi ni Mama sa driver. Bumaba na kami pero maglalakad pa kami papunta sa mismong bahay namin. Ilang bahay pa ang madadaanan namin para makarating sa bahay.
"Magmano ka sa mga 'yan, okay?" Sabi sa akin ni Mama habang naglalakad kami. Nakita namin ang mag asawang nakaupo sa labas ng bahay nila. They are the parents of Tita Elly and Lolo't lola ni Billy. Obviously, may edad na rin sila. Nagmano ako sa kanilang dalawa nang maramdaman kong humigpit ang hawak sa akin ni Lolo Ben. "Ilang taon ka na, Hija?" Seryosong tanong niya. "Uh.. 15 po." Sagot ko kahit medyo kinabahan ako dahil ito ang lagi niyang tinatanong sa akin. "Ang ganda talaga ng anak mo." Sabi naman nung matandang babae kay Mama.
"Ma, ganda ko 'no?" Biro ko kay Mama habang binubuksan niya ang gate namin. "Wow! Proud na proud, ha? Gustong gusto mo namang napupuri, e 'no?" Inis na sagot niya sa'kin. Malapit ng mag gabi nang makauwi kami. Kaya naligo na ako para pagkatapos kong kumain ay matutulog na ako dahil nakakapagod ang biyahe.
"Namatay na raw si Tito Ben kaninang madaling araw." 'yon ang naging bungad ng umaga ko nang marinig ko si Tita Mel sa living room. "Ano!? Nadaanan pa lang namin siya kahapong galing kaming Batangas ni Elle. Tinanong pa nga niya kami kung saan kami galing, e." Gulat na sabi ni Mama, kahit naman ako ay hindi makapaniwala dahil ang ayos naman niya kahapon. "Heart attack ang dahilan kung ba't siya namatay. Saktong kakauwi lang daw nila Ate Elly kahapon at ng mga anak niya galing sa Baguio. Buti naabutan pa niyang buhay ang Ama niya." Rinig na rinig ko ang kwentuhan nila Mama at Tita Mel kahit nasa kwarto pa ako.
Lumabas na ako ng kwarto para kumain na. "Elle, namatay na raw si Tito Ben. Sabi ng Tita Mel mo." My Mom told me. "Ha!?" Gulat ko siya sinagot kahit kanina ko pa narinig ang balitang 'yon. "Kawawa naman ang mga pamilya niya. Malapit na mag New Year, doon pa sila iniwan ni Lolo Ben, 'no Ma?"
I can't imagine his family's situation now. Balita ko mabait na Asawa, Ama at Lolo si Lolo Ben. Nakikitawag lang ako ng 'Lolo' dahil matanda na nga at Ninong siya ng parents ko sa kasal. "Elle, are you coming with us? Pupunta kami sa burol ni Tito Ben." Tanong ni Mama na nakabihis na. "Huh? No, Ma. You know naman na I'm scared, e." Sagot ko sa kanya. Takot akong pumupunta sa burol ng patay, feeling ko kasi sasama siya sa akin pag umuwi na ako. What a weird mindset, Elle!
"Aalis na kami." Umalis na sila Mama kasama niya si Tita Mel at 'yung iba naming kapitbahay. Lalakarin lang nila since malapit lang naman. Humiga na lang ako sa sofa habang hinihintay ko silang umuwi. I opened my phone para magscroll sa facebook ko. I saw Ate Trisha's facebook story. Omg! Muntik ko na matapon ang phone ko. 'Rest in Peace, Lolo :(' that was the caption of her facebook story at 'yung picture ay nasa kabaong ang Lolo niya kaya natakot ako. Ninang ni Ate Trisha si Mama, she's also niece of Tita Elly. Anak siya nung dating nanligaw kay Mama. Mabilis kong inexit 'yung story niya at naisipang iunfriend muna siya dahil sa takot ko.
"Kawawa naman 'yung mga naiwan niya, 'no? Hanggang ngayon umiiyak pa sila Ate Elly." Narinig ko na sila Mama na nagchichikahan sa labas. "I'll tell Elle na pumunta sa burol bukas. Hindi naman siya dapat matakot. Dinadaanan pa naman natin 'yung pwesto niya. Nakakahiya naman kung hindi siya pupunta." Sabi ni Mama sa mga kasama niya.
Kinabukasan, sinama nga ako sa burol ni Lolo Ben. Kahit natatakot ako dahil lagi ko kayang nadadaanan 'yun kapag pauwi o may lakad ako. Nandito na kami sa burol at buti na lang walang masyadong tao. Andito lang 'yung mga anak niya at apo. "Magmano ka kina Ate Elly, Adrielle. Pati sa mga kapatid niya." Tumayo ako at sinunod ang utos ni Mama. Pumunta ako sa pwesto nila Tita Elly kasama ang mga kapatid niya. Nagmano ako sa kanila isa isa. "Ang tangkad mo, Adrielle. Ang ganda mo, para kang artista." Nagulat ako sa puri sa'kin ni Tita Elly. I just smiled at her dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.
Pabalik na ako sa pwesto nila Mama nang maramdaman kong may tumitingin sa'kin. Nilingon ko siya and I saw Billy na katabi na si Tita Elly ngayon. Why he's looking at me? May dumi ba sa shorts ko? Gusto niya ba akong bigyan ng Zesto?
"You're cute but you look play boy." Bulong ko sa sarili ko habang naglalakad ako palayo sa kanila.
BINABASA MO ANG
Maybe in a Parallel Universe
Teen FictionIn life, there's a person who will come and will let you feel the best. Like what happened to Adrielle, she felt the love and happiness that she's dreaming for her whole life because she met Billy. Happiness has a boundary. You can never be always h...