Oyyyyyy... Colineeee ano ba anong oras naaaa unang araw ng eskwela malalate ka? aba napakahusay mo! tumayo kana nga diyan " sigaw ng nanay ni coline dahil nga alas siyete na ng umaga ay nakahilata pa si coline sa higaan.
Kinuha ni coline ang cellphone niya upang tignan ang oras at tama nga ang nanay niya alas siyete na nga at yun ang oras ng unang subject niya at nagkataon ay unang araw pa ng eskwela. Napabalikwas si coline mula sa kanyang higaan dali daling nagtungo sa banyo.
Si Rei Coline Valencia ay isang honor student simula noong kinder siya hanggang highschool, chinita ang mga mata,itim ang buhok, may kakapalan ang kilay, matangos ang ilong at may kaputian ang kutis niya hindi nga lang katangkaran, hindi siya nanggaling sa isang mayaman na pamilya pero masasabi ko na mayaman siya sa lahat ng bagay si coline mahal na mahal siya ng kanyang mama at papa ganun din ng mga kapatid niya , pangarap ni coline na maging isang sikat na writer kaya madalas kahit napakasimpleng bagay na nangyari sa kanya sa loob ng isang araw ay isinusulat niya,Well kind of weirdo pero yun ang gusto niya at doon siya nagiging masaya.
"Ano ba coline? babyahe kapa!" sigaw ulit ng mama niya.
maya maya ay isang nagmamadaling yabag ng mga paa sa hagdan ang narinig nila at doon nga ay bumaba na si coline na bitbit ang bag at nagsusuklay pa ng kanyang basang buhok, kumuha lang ng isang hiwa ng tasty si coline at bumeso na sa kanyang nanay upang magpaalam nang umalis.
" oh! magbaon ka man lang nitong luto ko at sa byahe kana kumain."
" hindi napo ma, kakain nalang ako dun." sagot ni coline habang may nakakagat na tinapay sa bibig.
" don't stop believin... " mahinang kanta ni coline habang nakapasak sa kanyang tenga ang kanyang earphone habang nakasakay sa jeepney, at parang walang pakialam kahit sobrang late na niya sa klase.
ilang minuto pa ang tinagal ng byahe at sa wakas ay nakarating na sa school si coline isang sikat na paaralan ang pinapsukan ni coline , mga mayayaman at anak ng mga kilalang tao ang nagaaral sa campus na iyon. Hindi mayaman ang pamilya ni coline, dahil nga sa laging may karangalang naiuuwi kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na libreng makapagaral sa paaralang iyon, iskolar kumbaga. doon nga ay nagmamadali na siyang tumakbo papasok ng gate at patuloy hanggang sa hallway takbo pa ng konti at nasa tapat na siya ng kanyang classroom, Huminga ng malalim kahit hinihingal at dahan dahan pinihit ang doorknob ng pinto upang pumasok ng biglang...
may bumangga sa kanya dahilan kaya siya ay padausdos na pumasok sa silid aralan at doon ay parang tumigil ang oras dahil lahat ng kaklase niya at guro niya ay nakatingin sa kanya.
" ahhhh.. auhmm GOOD MORNING MAM, GOOD MORNING CLASSMATE SORRY I'M LATE. " biglang salita ni coline sa lahat kahit may halong hiya dahil sa di inaasahang pangyayari.
" Miss Rei Coline M, Valencia? Tama ba? " tanong ng kanyang guro habang tinitignan ang class attendance.
" Opo, tama po! " sagot niya.
" and you are... Mr. Razer Clyde Candova?"
dahan dahan lumingon si coline sa likod dahil gusto niya makita yung taong tumulak sa kanya , at dahil doon ay naiinis siya, ikaw ba naman ang mapahiya sa unang araw mo? pero sa di inaasahan ay di niya maipaliwanag kung bakit pagtitig niya sa lalaki ay nawala ang inis niya. Isang matangkad, matangos na ilong, nakabagsak na buhok pero nakaayos, mapulang labi , chinitong mga mata, matipunong katawan , at may makapal na kilay ang siyang kaharap niya. Sino ba naman ang babaeng maiinis kung gwapo ang nakatulak sayo? parang isang senaryo sa pelikula ang nakikita ni coline dahil tila lumalabo ang buong paligid at ang tanging nakikita niya lang ay ang mukha ni razer.
"Ms. Valencia... excuse me miss rei coline valencia...!!! miss coline.." hindi namalayan ni coline na kanina pa pala siya tinatawag ng kanyang guro at dahan dahan bumalik sa reyalidad ang utak niya mula sa pagkakatitig kay razer.
YOU ARE READING
Unchained Melody
RomanceIto ay kwento ng isang babae na pangarap maging isang batikang writer, puno ng kulay ang kwento ni Coline siya ang tipo ng babae na positive sa lahat ng bagay. Si Razer naman ay isang napaka unpredictable na tao at puno ng masamang pangyayari sa bu...