Iminulat ko ang mata ko at kahit malabo ang paningin ay pinilit ko pa rin tignan kung sino man iyon.
Nakita ko ang gulat sa mata nila at napalayo sa akin. Nakita kong nandito na siya. Nandito si Greyson.
Kinuwelyuhan niya si Mr. Santos at Mr. Reyes at saka sinuntok. Napahiga naman sila sa sahig.
Go baby, get that motherfucking bitch who fucking hurt me.
May iba rin siyang kasama kaya hindi nakatakas ang mga lalaking nagtangka.
Hinubad ni Greyson ang coat niya at ibinigay sa akin. Napangiti lang ako at naipikit ang mata.
Naramdaman kong tinapik niya ang pisngi ko.
"I'll bring you to the hospital." Sabi niya. Umiling lang ako bilang pagtanggi.
Mahirap na at baka matyempuhan ko si Kairos at kapag nakita ako sa ganitong kalagayan, ay baka makapatay pa siya.
Natuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagmulat ako at nakitang pasikat pa lang ang araw at ako'y nasa isang pamilyar na kwarto. Ito ang kwarto ni Greyson sa bahay niya.
Inilibot ko ang paningin at nakitang nasa tabi ko siya at natutulog. Hawak niya pa ang aking kamay. Napangiti naman ako at bumangon.
Nakita kong iyon ang suot niya kagabi at ang suot ko naman ay shirt niyang mahaba.
Ginamit ko ang isa kong kamay para haplusin ang mukha niya at ang buhok. Nakita kong nagmulat siya at nagulat na gising na ako.
"Are you okay?" Tanong niya pa at medyo antok pa ang boses.
Tumango lang ako at ngumiti.
"I'm sorry, I was late. Those bastards touched you." Sabi niya at bumangon para yakapin ako.
Yumakap ako pabalik at inamoy ang damit niya. Kung gigising ka sa umaga na kasama ang crush mo, sino hindi gaganahan diba? Sana all.
"No, I should be thanking you. Ang talino mo talaga. Nakuha mo pa 'yun?" Biro ko para hindi siya maguilty.
Inalis ko ang pagkakayakap ko sa kanya. O diba, hindi siya pang top two. Baka ma-ungusan niya pa ako dahil matalino talaga siya. Wala namang kaso 'yun dahil para sa future rin namin 'yun.
Nang makaramdam ako ng hilo kagabi, I knew they all planned this one so before going to the comfort room, I texted him, 'Help. Call.'
Mukhang ginawa naman niya at nagtakang hindi ako sumagot kaya ang iba ang tinawagan niya.
BINABASA MO ANG
Surrendering Dreams (Amor Series#1)
RomanceSURRENDERING TRILOGY BOOK 1 OF 3. (EDITING) Greyson, a timid and reserved law student, has a dream and it is to become a great lawyer to protect and defend the oppressed. Then, he met Tanya, a genius Law student and a scholar of the same school who...