Ikaw lamang ang paulit-ulit na pipiliin
Tanungin man ng ilang beses ay ikaw pa din
Di magbabago ng isip, di magpapalit ng pasya
Dahil para sa akin ikaw ay katumbas ng ligayaKung ipapanganak man muli, ako ay hihiling
Na sana ikaw ay makilala ulit at makapiling
Ikaw lamang ang aking bukod tanging iibigin
Sa panahong ito at sa susunod pang buhay natin-lady_issa
BINABASA MO ANG
Tula
PoetryAng isang tula, malaya man o may tugma, maikli man o mahaba ay tula pa rin na maituturing. Ito ay isang sining na karugtong ng puso ng isang manunulat. Ang librong ito ay naglalaman ng mga tulang aking isinulat. -lady_issa