Sana Ako na Lang

11 2 0
                                    

Ang ganda niya. Sobra. Napaka perpekto nya. Seksi, maganda, mahinhin. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming may gusto sa kanya.

Ako? Isa lang naman akong estudyante eh. Estudyanteng nagaaral na walang alam sa pagpapaganda at papoporma.

Ako? Ang babae na kahit kailan ay kaibigan lang ang tingin mo sakin. Kaibigan na alapitan mo kapag may problema ka. Sasabihan mo ng mga jokes mo.

At ikaw? Ikaw lang ang gusto ko. Alam mo namang gusto kita eh. Salamat at hindi mo ako iniwasan. Hindi mo ko iniwasan at kaibigan mo pa rin ako.

At alam kong hindi na magbabago ang pagtingin mo sa akin. Mahirap at masakit man, kailangan tanggapin.

Nung isang araw. Alam mo ba? Nakita kitang may dalang bulaklak sa kanya. Mukhang na eexcite ka pa. Na eexcite ka pa na bigyan mo sya nyan.

Andaming tao sa grounds noon. Lahat sila gustong masaksihan ang mga pangyayari. Ngunit, mukhang hindi mo rin alam ang nangyayari.

'Excuse me! Padaan!' Sigaw mo sa mga estudyante.

Ng dahil na rin sa kaba, sumunod ako. Ng marating ko ang gitna ng kumpulan...

Nakita ko yung babaeng mahal mo. Duguan. Hindi sya rineregla. Duguan sya ng dahil sa mga saksak. Nagulat ako. Nagulat ako sa mga nangyari. Bakit may gumawa nun sa kanya?

Umalis ako sa kumpulan ng dahil na rin sa takot. Natakot akong makakita ng ganoon.

Pumunta ako sa soccer field. Nakita kong sumunod ka sakin.

'Bakit sya pa?' Umiiyak mong sabi mo sakin. Nakikita ko ang lungkot sa iyong mata. Hindi ko maiwasan na mainggit sa kanya. Naiinggit ako sa kanya sapagkat mahal sya ng taong mahal ko.

Umiyak ka ng umiyak sa balikat ko. Nararamdaman ko na sobrang lungkot mo. Hindi ko maiwasan na mapatanong sa aking sarili.

Kung ako ba ang nasa ganoong sitwasyon iiyak ka ba rin ba? Masasaktan?

Ngunit parang hindi.

Tumigil ka sa pagiyak mo at kwinento mo ang masasaya nyong alaala. Nakikita ko na sobrang mahal mo sya. Ang swerte nya talaga ano?

Isang lalaki na kagaya mo ang magmamahal sa kanya.

Ikaw yung babaeng pinahalagahan niya. Minamahal nya, pinagmamalaki niya. Hindi ka nya kinalimutan. Hindi ka na naghanap ng iba pa. Kundi sya lang.

Sana ako na lang ang minahal mo. Sana hindi na lang kaibigan mo sakin. Sana ako na lang sya. Sana.

Sana Ako na LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon