Author's Note: Hello po. First Story ko po ito. Sana support niyo. Thanks :)
Prologue
Naransan mo na ba magmahal ng sobra-sobra hanggang sa umabot sa punto na sobra-sobra ka na ring nasasaktan? Yung tipong nakahawak kayong dalawa sa isang rubber band habang tinutupad yung pangakong “Walang bibitaw ha?” hanggang sa tuluyang bumitaw na siya, ayan tuloy ikaw nalang yung nasasaktan. Yung taong iniingatan mo at pinaghirapan mo sa isang iglap nalang ay biglang nawala sayo. Isang araw makakasalubong mo nalang siya tapos hindi na kayo magpapansinan na parang hindi pa kayo nagkakakilala. Masakit.
Bakit ba kailangang masira ang pagkakaibigan kasabay ng pagkawala ng isang relasyon? Naisip ko kasi na pwede pa naman maging magkaibigan ang dalawang taong nagmamahal dati.. yun nga lang mahirap. Kailangang dumaan sa isang napakatagal na proseso bago ulit maibalik ang dating kayo bago pa man nagkaroon ng relasyon. Posible, pero mahirap talaga ang pagdadaanan niyo.
Mas mabuti na rin siguro yung unti-unti niyong ibalik yung pagkakaibigan niyo kaysa naman sa maging estranghero nalang kayo pero may nakaraan kayong dalawa na hindi na pwedeng maibalik pa.
Author's Note: Ayan. Insipiration ko po si extraordinarypaam. Please Vote and Comment po. Thank you. :)
BINABASA MO ANG
Strangers with Memories (A story about ex lovers)
Teen FictionAng story po na ito ay tungkol sa magbestfriends/ex.