KABANATA 1

3 3 0
                                    

KEIRA'S POV

"Hey Kei, lets go" kalabit sa'kin ng aking boss, hindi ko siya napansin dala na rin siguro ng sinabi sa'kin ni Cloude ay nawala ako sa'king pag-iisip.

"Sorry" paghihingi ko ng paumanhin rito, syempre boss ko pa rin siya.

"Pangatlong beses ko ng tawag sa'yo 'yon ngunit parang wala ka sa'yong pag-iisip, are you sure you're okay?" Wow! Nag-aalala ka? Tumango na lamang ako rito upang hindi na pahabain pa ang aming usapan dahil kanina ko pa napapansin na panay ang irap na ginagawa ni Cloude habang nakatingin sa'kin akala niya siguro aagawin ko itong si Axel sa kan'ya. Tsk!

"Yes I'm absolutely fine SIR" idiniin ko talaga ang pagtawag sa kanya ng sir baka kung ano pa kasi ang sabihin sa'kin ng aking mga katrabaho maging issue pa.

"Okay, lets go then" inilahad niya sa'kin ang kan'yang kamay pero hindi ko 'yon tinanggap kaya ko namang maglakad ba't may palahad-lahad pa ng kamay, kanina lang tinalikuran ako nito tapos ngayon biglang babait? Bipolar

"Saan pala tayo pupunta sir?" Tanong ko sa kanya habang nagmamaneho ng sasakyan, tinignan naman ako nito sa rearview mirror.

"Meeting" ikling sagot nito sa'kin at tsyaka ibinaling ang kan'yang atensyon sa kanyang binabasang magazine. Change mood na naman.

Nakakalahati na ako sa pagmamaneho pero wala pa rin siyang sinabing address sa'kin ayaw ko namang tanungin siya dahil baka hindi ako pansinin kaya lang parang wala rin siyang balak magsalita.

"Saan ko po ba kayo ihahatid sir?" Hininaan ko talaga ang pagtanong sa kan'ya para kung hindi niya man ako pansinin ay hindi halata.

"Pastry shop" sagot niya habang hindi man lang ako binalingan ni katiting na atensyon, naiinis na talaga ako. Ang daming pastry shop rito saan ko siya ihahatid?

"Saang pastry shop po ba sir?" Chill ka lang Keira, baka ma highblood ka mamatay kang maaga wala pa namang kukuha sa patay mong katawan.

"Dyan na" turo niya sa isang modern design na pastry shop na may nakaukit na "Angel's pastry shop".

Agad ko namang inihinto ang sasakyan nang makarating kami sa itinuturo niyang lugar, pinagbuksan ko siya ng pinto at tsyaka naman siya pumasok sa loob. Nagpaiwan lang ako rito sa labas kasi ayokong makita ang pagmumukha ni SIR Axel.

Kay gandang pangalan ng pastry shop na ito hindi nababagay si sir Axel na pumasok rito, pangalan pa lang ng shop Angel na talagang hindi pwede si sir rito kasi demonyo 'yon.

"Anong tinutunganga mo d'yan? Pasok!" Inis na turan sa'kin nang butihin kung boss, sabi ko namang magpapa iwan ako, tsk!

"Dito nalang po ako SIR, hihintayin nalang po kita rito" tugon ko sa kan'ya na siyang ikinataas ng kan'yang kilay.

"At bakit aber? May kikitain ka rito sa labas?" Taas kilay niyang tanong sa'kin, abnormal ang lalaking ito.

"Wala sir, dito nalang po ako" ngiting tugon ko sa kan'ya.

"Babe, sino 'yang kausap mo? Halika na rito upang makakain na tayo" tawag ng isang mala dyosa ang ganda kay sir Axel.

"Katrabaho ko lang babe, punta na rin ako dyan" tugon nito sa kan'yang kasintahan.

May jowa pala itong si sir Axel, himala at may pumayag. Bipolar pa naman pag-uugali nito. Agad namang sinundan ni sir Axel 'yong babaeng anghel at hindi na ako pinukulan nang pansin, kanina lang pinipilit niya akong pumasok sa loob ngayon naman hindi na ako pinansin. Aba! Ayos din!

Mahigit isang oras ang itinagal ko rito sa labas bago naisipang lumabas ng minamahal kung boss, halos maubos na ng lamok ang dugo ko kakahintay rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MelancholyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon